Chapter 29

122 6 0
                                    

Chapter 29: care

"Malay natin kung nagkataon lang?" Will said after what we've heard.

"Pwede ring hindi," Chao argued.

Kung tama kami ng iniisip na ang Boss Gio at ang namatay daw na kapatid ni Rayo ay iisa, siya nga ang pinoprotektahan nito sa loob ng Legion.

"Huwag muna kayong gagalaw tungkol diyan," Asik ko.

Chao nodded in response, "I agree, pakiramdam ko nakakatunog na si Arprim sa ginagawa natin,"

"Wala naman tayong ginagawa, nagtatrabaho lang," pagtatama ko.

"That's true, but what I mean is this," he shrugged his shoulders, "spying against him," mahina niyang dugtong sa sinabi.

"Hindi n'yo ba naisip? This is a world-wide case, pero wala man lang nakatuklas sa kanila nitong mga nahahanap natin nung mga nakaraang taon? That's impossible," Will interjected with his brows furrowed.

He has a point, sabihin na nating wala sa Area 1 pero imposible namang walang kahit na isang agent ang nagduda rito.

"It is possible if someone is blocking the informations," Chao argued at Will's statement.

Bigla akong napaisip sa sinabi ni Chao, "Mmm, gaya ng ginagawa ni Rayo sa Area 1, may mga hindi siya pinaparating na misyon o impormasyon, maaring may gano'n ding nangyayari sa ibang Area, kahit sa ibang bansa pa,"

Will was stunned in a sudden realization.

"Ibig sabihin, posibleng hindi lang si Arprim ang konektado sa kanila?" Tanong niya at sabay pa kaming napatango ni Chao.

"Holyfuck,"

"Hangga't maari 'wag muna natin 'tong gagalawin, palamigin natin yung sitwasyon," Suhestyon ko na sinegundahan naman ng dalawa.

"Pagkatapos ng misyon namin nila Yeoj at Reap, saka na'tin 'to gagalawin," I added.

Hilaw na ngumiti si Chao habang may hiwa pa ng patatas sa gitna ng mga daliri na kala mo'y sigarilyo, "That's favorable to me and by that time, I'm sure we already know what the Legion wants from your subject,"

Napatango tango si Will at napasuklay pa sa sariling buhok, "Dun muna tayo magfocus ngayon, sa anong kailangan ng Legion sa subject ni Dane,"

"That's my job to know, I'll inform you immediately, sa ngayon chill lang kayong tatlo nila Yulo," seryoso kong turan at sabay pang napangisi ang dalawa sa akin.

Nagyaya ng umalis si Will dahil hinihintay na raw siya ni Faith, dumidilim na rin ang langit sa labas kaya sumabay na rin paalis sa amin si Chao.

"Una na ko, drive safely!" pagpapaalam nito ng makasakay siya sa driver's seat ng kotse niya, ibinaba niya lang ang bintana at kumaway sa amin bago sumibat.

Naglakad na kami ni Will papunta sa kung saan ko pinarada ang motor kanina, tahimik lang kaming pareho.

Nakapamulsa ako habang sabit ang helmet sa isang kamay at nakahawak naman siya sa isang strap ng backpack niya habang naglalakad.

"Sa Cello's ba kita ihahatid?" Tanong ko, medyo sumisilim na nga at nakabukas na rin ang ilang street lights sa daan.

"Oo, do'n ko iniwan yung kotse ko kanina," simple niyang sagot habang diretso paring nakatingin sa nilalakaran namin.

Tumango lang ako sa kanya at wala ng nagsalita sa amin hanggang makarating kami sa motor.

Sinusuot ko na ang helmet at umangkas na rin naman siya sa likuran ko, "Why are you at Cello's a while ago? May problema ba?" Tanong niya ng mailock ko na ang helmet sa ilalim ng mukha ko.

When The Sun Rises (Sol Trilogy Book 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon