Chapter 42

138 4 0
                                    

Chapter 42: Regret

Pagkatapos ng sinabi ni Leiro kagabi ay hindi ako kaagad nakapagsalita kaya hanggang sa mga mensahe niya kaninang umaga ay tinutukso niya sa'king kinilig naman daw ako. Ibang klase. Hindi ko alam kung maiirita ako o mapipikon sa isang 'yon.

Trainings are doing good, baka simula bukas ay lumabas na kami para makapagensayo sa mas malayong distansya. Lumabas na ang memo ng Intersec at nakaschedule siya bago mag-Undas break, Thursday, Friday, Saturday tapos sa susunod na linggo niyon ay Undas break na. Balita namin ay puspusan din ang nagiging training ng VCT Archers kaya hindi namin maiwasan ang kabahan. Nagiging maayos din naman ang pakikitungo namin sa isa't-isa ng mga kasamahan ko, lalo na si Cyhra.

May nakikita talaga ako sa kanya pero hindi ko mawari kung sino.

Habang nasa training kanina ay tumawag si Will, napagsabihan pa ko kay Sir Mandap dahil bawal naman talaga ang cellphone during training kaso ay nasagot ko na kaya hinayaan niya na ko. Ibinalita ni Will na nanganak na raw si Faith, mas maaga ng ilang araw sa inaasahan.

"Daan tayo LGH mamaya, bago umuwi," Ngayon, pinuntahan ko si Rheona sa open court nila dahil mas maaga kaming natapos.

"Sinong nando'n?" Tanong niya habang naghuhubad ng sapatos.

"Si Faith,"

"Nanganak na?! Omg!"

"Mmm," Tamad kong usal.

"'Wag na kaya tayo pumasok ng hapon? Tara na dun," Yaya niya, kahapon pa 'to atat na atat mag-half day, hindi ko alam kung pagod ba sa training o dahil ayaw din talagang pumasok.

"Hindi pwede, pa'no si Ris?"

Nagpatuloy siya sa pagsasalansan ng gamit niya habang nakaupo kami rito sa bleachers. Itong bleachers may bubong, yung court lang talaga ang wala.

"Sa bagay, punasan mo nga likod ko," hinagis niya sa'kin ang isang puting towel saka umupo sa mas mababang bleacher habang nakatalikod sa'kin, ipinatong niya pa ang magkabila niyang siko sa tuhod ko.

"Ano kayang pangalan ng anak nila? Sana makuha niya mata ni Will, ne? Kahit mata nalang,"

"Hope raw," Sabi ko habang marahang pinupunasan ang likod niya, basang basa naman ng t-shirt kaya wala rin.

"Hope? Galing naman ng pamilya nila, may Theme! Will, Faith tapos Hope baka susunod nilang anak Love or Unity na! Hehehe,"

Gaga talaga, kung ano anong naiisip.

"Tss, 'di pa nga nabibinyagan yung una, susunod na anak na?"

"Malay mo! Mukhang mahilig naman si Will," Mahina ko siyang kinatok sa ulo saka isinabit ang pamunas sa balikat niya.

"Aray naman! Wala namang mali sa sinabi ko ah?!"

"Magpalit ka ng damit, tanga, 'di uubra yang punas lang,"

Sinunod naman niya ang sinabi ko saka nangalkal ng extra shirt sa pink na duffel bag niya, "Tara na mainit dito, do'n na ko magpapalit sa building,"

Sumabay na ko ng tayo sa kanya saka binitbit ang pana ko. Habang naglalakad kami, nadadaanan pa namin ang mga Athletics na nagcocool down na sa may oval. Nakasabit ang duffel bag ko sa sa kanang balikat habang hawak ko naman ang pana sa kaliwang kamay nang masalubong namin si Hilda. Andon ata sa mga runner ng Athletics ang boyfriend niya para sa linggong ito.

"Hi, Dane!" Maarte niyang sabi, kinawayan pa ako saka mayuming nginitian.

Tinanguan ko lang siya bilang sagot, ayoko lang maging bastos lalo pa't maraming nakakakita.

When The Sun Rises (Sol Trilogy Book 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon