---

208 4 0
                                    

KINABUKASAN.

Hinubad ko ang mga tsinelas ko para makapaglakad ng mas mabilis sa buhangin nang bigla akong hilahin ni Leiro palayo sa bungalow kung nasaan ang mga kaibigan namin. Nagpatianod lang ako hanggang sa makarating kami sa isang tagong parte na wala masyadong tao.

Natatakpan ng mga puno ang sikat ng araw dito kaya naman hindi gaanong mainit gaya sa mismong dagat, nahinto nalang kami sa paglalakad nang makarating sa harap ng malalaking tipak ng bato.

"I don't feel like drinking again, do you?" Umiling ako. Umiinom na naman kasi sila ulit kahit kakainom lang kagabi. Pakiramdam ko nga ay natrauma na ko sa lahat ng klaseng alak. Kasalanan 'to ni Ferussio.

"Paano mo nalaman 'tong lugar na 'to?"

"I found it when I came out to walk last night,"

"What now?" Tanong ko sa kanya at halos mapasigaw ako nang bigla niya kong hapitin sa beywang at walang kahirap hirap na ipinaupo sa isang bato, ngayon ay mas mataas na ko sa kanya ng kaunti.

"Do you have anything else to say?"

"Happy birthday?" Kaagad niya kong sinamaan ng tingin dahil sa naging sagot ko.

Birthday naman talaga niya ngayon, anong kinakasama ng mukha niya?

"Ano bang gusto mong marinig?" Tanong ko. 

"Do you know my wish?" Pag-iiba niya ng usapan saka sumandal sa gilid ko at sabay naming tinanaw ng kawalan ng karagatan.

"Ano?"

"I wish that you'll be by my side until my last birthday,"

"Wish granted, ewan ko nalang sa'yo," makahulugan kong sabi sa kanya na siya ring nakapagpalingon ng kunot niyang noo sa'kin.

"What do you mean?"

"Ako, masasabi kong mananatili ako hanggang sa huling kaarawan mo, ang totoong tanong do'n..." sinadya ko siyang bitinin sa sinabi.

"Ano?"

"Ikaw kaya mananatili sa'kin?"

When The Sun Rises (Sol Trilogy Book 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon