Chapter 55

260 4 1
                                    

Chapter 55: happy birthday?

"'Pag lasing, do'n ka lang malambiiing!" Mula kaninang almusal hanggang ngayon na nasa bangka kami ay hindi tumitigil sa kakakanta si Reaper at si Dean nang linyang 'yon.

"Tigilan n'yo ko, kingina n'yo,"  napapahilot nalang ako sa sentido ko dahil maliban sa kanila ay talagang kumikirot ang ulo ko dahil sa ininom kagabi.

Umamin si Fuss na may nilagay daw siyang ipinagbabawal na technique do'n sa inumin ko, ayaw nilang sabihin sa'kin kung ano 'yon at parang sa aming lahat, ako lang ang walang alam do'n, maging si Ris at Jax ay alam ang tinutukoy niya.

Nasa kabilang bangka si Leiro dahil ayaw humiwalay ni Vea sa kanya kanina, papunta kami ngayon sa isang isla kung saan mas pino ang buhangin at mas maraming halamanan.

"Gano'n ka pala malasing, Dane, ah!" Tudyo ni Reap. Hindi ko na mabilang kung ilang gamit rito sa bangka ang nabato ko sa kanya, 'di ko masapak dahil baka tumaob kami, kasalanan ko pa.

"Sana pala vinideohan na'tin," gatong pa ni Dean at natutulili na ko.

Si Rheona at Ris ay nakangisi lang sa'kin, habang si Fuss ay hindi makalapit dahil talagang makakatikim siya.

Sa totoo lang kasi ay wala ako masyadong maalala sa nangyari kagabi, maliban do'n sa tinanong ko siya kung sasaktan niya ba ko. Mariin nalang akong napapapikit sa tuwing kinakanta nila ang linya ng kantang iyon.

"Anong ginawa ko kagabi?" Tanong ko kay Ris na presko lang suot ang itim niyang cover up na may zebra print one piece at dolphin shorts sa ilalim.

"Hindi mo maalala? Gaga ka! Hahahahaha!" Si Rheona ang sumagot at 'tila tuwang tuwa pa.

"Magtatanong ba ko kung naaalala ko?"

"E'to kasi tarantada rin, e!" Tukoy niya kay Fuss na nakatingin at manghang mangha sa malinaw na tubig.

"Ayaw mong humiwalay ng pagkakayakap kay Kuya kagabi, yun lang naman," napasapo ako sa noo ko saka yumuko para itago ang pamumula ng aking mukha dahil sa sinabi ni Ris.

"Sigurado ka, yun lang?" Paniniguro ko pa.

"Oo, tapos binati kami namin ng happy birthday nung saktong alas dose, sagot mo sa'min 'mahal ko kayong lahat', that's not so you, Dane,"

Hindi naman 'to ang unang pagkakataon kong malasing, pero pucha, dati nalalasing ako, ako lang mag-isa.

"Ano pa?"

"Tapos nung matutulog na tayo, ayaw mo paring pakawalan si Kuya, nakaalis lang siya sa suite na'tin nung tulog ka na," nakangiting narasyon ni Ris.

"Wala naman akong nasabi?"

"Hmm, none naman, naging clingy ka lang talaga,"

Tangina mo, Dane.

Ito ang dahilan kung bakit hindi magandang nalalasing ako.

Kung nakakapagpagalaw lang ang mga matatalim kong titig, kanina pa nalulunod si Ferusio rito.

Hanggang sa makaabot kami ng isla ay hindi parin nananahimik sila Dean. Kaagad nalang akong naglakad papunta sa bangka nila Ate Dianne para magtigil sila. Naiwan sa hotel si Nana at Lolo dahil hindi na raw nila hilig ang ganito, baka mahilo lang din sa byahe ng bangka si Nana, sabi ni Papa.

Unang bumaba nang bangka si Mama at Tita Lani, kaagad nilang kinamusta ang naging takbo namin at sinabi kong ayos naman.

"Napano?" Tanong ko nang mapansing lupaypay si Vea habang buhat ni Leiro.

"She got dizzy and vomitted," umikot ako sa likod ni Leiro para makita ang mukha niya, namumula pa ang ilong nito, animo'y kagagaling lang sa iyak.

When The Sun Rises (Sol Trilogy Book 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon