Chapter 50

140 4 0
                                    

Chapter 50: Good

"Uy, pumasok na ulit si Dane, oh! hala, yung ulo niya may sugat pa ata!"

"Narinig n'yo ba? Taga-LTI raw nagpasagasa sa kanya?"

"Mga gago 'to, 'wag kayong maingay!"

Puro bulong-bulungan ng mga estudyanteng naka-tambay sa pasilyo ang naririnig ko pagkapasok, halos kadapalapag na daanan ko, ang aksidente ang pinag-uusapan.

Pinayagan na kong pumasok pero hindi parin inaalis ang benda sa tuhod pero hindi na ko iika-ika kung maglakad. Gayon din ang bangas ko sa ulo na tinakpan lang ng gaza.

Hindi pa ko makabalik sa pagmamaneho dahil maliban sa binawalan ako ni Mama, hindi ko pa kayang ituklip ang kanang tuhod ko.

"Ate Dane!" Tinig ni Conor lang ang liningon ko rito sa floor nila habang papunta ako ng classroom.

"Mmm? Kamusta?"

"Ikaw, Ate! Kamusta?! Totoo bang si Ate Hilda ang may pakana niyan sa'yo?!" Tiningnan niya ang buong katawan ko na parang ineeksamina kung may iba pa ba akong tama.

"Mapagkakatiwalaan naman kita di'ba?"

"Oo naman, ate!" Sinenyasan ko siyang mas lumapit sa'kin, para walang ibang makarinig ng sasabihin ko.

"Mmm,"

"Anong mmm, Ate?"

"Sagot do'n sa tanong mo," nalaglag ang panga niya sa nakumpirma.

"Sabi ko na nga ba! May lahing demonyita 'yon!" Anong may lahi? Demonyita talaga siya, punyeta.

"Shh," Tinapat ko pa sa mga labi ko ang isang daliri bago siya lampasan at tapikin sa balikat dahil mahuhuli na ko sa klase ko.

Hanggang sa makaakyat ako ay hindi nawala ang bulong-bulungan sa paligid. Lalo naman ng makapasok ako ng classroom, napunta sa akin ang kanilang mga mata. Ang iba gulat, ang ilan masaya.

"Dane!" Tumuloy ako sa tabi ni Ris. Walang araw ang lumipas na hindi ako binisita ng dalawang ito, kaya naman hindi sila masyadong hayok na pumasok na ako ngayon.

"Sana nagpasundo ka sa'min sa baba," Bungad ni Rheona.

"Kaya ko naman, gago,"

"Tamo 'to! Ikaw na nga inaalala, ako pa na-gago, parang tanga!" Umamba pa si Rheona na parang sasapakin ako, "Uhm! Pasalamat ka talaga," Inirapan ko nalang iyon bago nagtanong ng ilang leksyon na hindi ko naabutan kay Lerisse.

"E'to ahm, konti lang sila naman, Dane, marami lang activity saka seatwork sa PPG sa iba discussion lang saka pa-isa isang quiz, gano'n, tapos may sched na rin tayo ng final defense pero next year na yun, Feb pa tayo pero deadline ng paper sa January thirteen, bale unang pasok rin natin 'yon after christmas break,"

Naririnig ko palang ang subject ni dragona, nawawala na ko sa timpla. Asa naman akong ieexempt niya ko sa mga 'yon.

"Nasimulan n'yo na ba yung chapter 4? Nakapag-survey na kayo?"

"Hindi pa, wala pa kasing signal si Ma'am, pero naapprove na yung survey sheets na'tin, napa-verify na rin," Buti nalang talaga at maasahan sila.

Pasimple akong napakamot sa batok ko at mapaklang ngumiti, "Sige, ano pa?"

Ngayon ko na inaano lahat ng hindi ko nagawa nung nagpapahinga ako. Gatambak.

"Yun lang naman, pero rinig ko naman, susubukang kausapin ni Ma'am Joso yung subject teachers na'tin para hindi masyadong sabay sabay yung mga ihahabol mo,"

When The Sun Rises (Sol Trilogy Book 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon