Page 8

9 0 0
                                    

H&B Series #1 Code Name P, written by lucidstellar ❤️

Page 8

Promise

Isang linggo na kaming namamalagi dito sa villa.

Nag-inat ako ng katawan matapos kong magbanlaw at mag-ayos. Katatapos ko lang kasi na magswimming at sa palagay ko'y nanibago ang katawan ko.

Tumingin ako sa aking phone na nakapatong doon sa may side table. May tumatawag doon.

Sean Calling....

"Sup?" sagot ko sa tawag. I'm not planning to tell him everything though.

"How's my delinquent cousin huh? Anong ganap sa buhay mo at hindi ka tumatawag sakin? Di mo na ko lab?" napairap ako.

Psh. He's ridiculous! Lagi siyang ganyan. Napaka-clingy niya sa aming magkakapatid, lalo na sa akin. Nag-iisang anak kasi kaya kulang sa pansin.

"What do you want? Busy ako." pag-iinarte ko.

Binibiro ko lang naman ito at di ko maiwasang mapangiti habang iniisip ang kanyang mukha. Siguradong mahaba na ang nguso nito at naka-kunot na ang noo. 

"Miss na kita. Bakit di kayo bumibisita sakin? Nagmamalaki na kayong magkakapatid ha!"

Psh. Ano namang ipagmamalaki namin sa isang successful na tulad niya?

"Ano bang gusto mo?"

"Tss. Ipagluto mo ko. Mamamatay na ko sa gutom. Ayaw ko na ng mga pagkain dito, puro peke at maalat." paghihisterya niya. Fast-food ang tinutukoy niyang pekeng pagkain.

"I'll call you later, Sean. Ipagluluto kita pag-uwi ko diyan. Promise! For now, magtiyaga ka muna okay?"

"Hay. Fine. I'll be waiting. I love you, insan."

Napangiti ako. Sweet!

"I love you too. I'm hanging up."

"Who's that?"

"Ay! Anak ka ng jowa... Karl naman! Bakit ka ba nanggugulat?" napahawak ako sa aking dibdib. Buti nalang at wala akong sakit sa puso kundi baka dead on arrival na ko ngayon.

"So, sino nga yung tumawag? Para kang tanga na ngumingisi kanina. Psh. And the "i love you"... gross! Is he your boyfriend?"

Umupo ako ng ayos sa kama at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit ko na binili ni Von kahapon. Oo. Sa isang linggo namin dito sa villa ay kahapon lang namili si Von ng gamit para sa akin.

"He's not my boyfriend. At kung boyfriend ko man siya, wala kang pakialam."

"Tss. Let's go upstairs. May ipapakita ako sayo."

Mariing sabi niya at nagpatiunang lumabas ng kwarto. Sumunod naman agad ako sa kanya at lilinga lingang naglakad pababa. May surprise ba?

Ano naman kaya ang ipapakita niya?

Dumiretso si Phoenix sa kusina kaya sumunod nalang ako sa kanya.

And there I saw Von and the others. Kumakain sila ng sa tingin ko ay pagkain galing sa isang fast-food chain. PEKE!!!

Nasan na yung ipapakita niya?

"Von, kailangan namin ng convoy, maiwan na dito ang iba."

Lumakad na naman siya at sumunod ulit ako. This time papalabas na kami ng villa at papuntang sasakyan.

"Where are we going?" tumakbo ako para maabutan ko siya at humawak sa kanyang braso. "Thank youuuuuuuu. Yie. Lalabas talaga tayo? Nauntog ka ba? Anong naisipan mo at pinalabas mo ko today?"

Code Name P [Hearts and Bullets Series #1] ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon