H&B Series #1 Code Name P, written by lucidstellar ❤️
Page 1
Encounter
Naglalakad ako sa loob ng mall upang mamili ng mga kailangan kong gamit para sa darating na school year. Taray, nagma-mall! Naka-raket ng madami kaya nakayanan mamili ng gamit sa mall. Anyway, I’m Venus Lopez, huling taon ko na sa college sa darating na pasukan. Architecture student sa isang kilalang unibersidad. Scholar ha. Di naman kami kasing hirap ng iniisip ng iba, pero hindi rin naman kami mayaman.
Chill lang. Sapat lang. Di naman kami yung tipong nagugutom sa kahirapan. Afford mabuhay but not luxuriously. Gets nyo na?
Back to what I am doing right now, kasalukuyan akong pumipili ng mga drawing materials. Yung pinakamura ang pinipili ko sa lahat ng item na kailangan ko para tipid. Di pwedeng magmayaman, wala naman kasing yaman, yabang meron pa.
“Venus??? You are Venus, right?” bati sa akin ng isang magandang babae. Muntikan ko pang mapagkamalang manikin, sobrang puti! Nahiya ying fair skin ko!
Humarap ako sa kanya ng ayos at saka tumingin ng diretso sa kanya. “A-ah. Ako nga. Do I know you, miss?” page-english ko din. Kala nyo ha. Di ako papatalo dito sa babaeng to. Lamang lang sakin to ng limang paligo, so yun nga nakaligo na ko kanina. That means, apat nalang!!! Hmmp
“No. I mean nakita kasi kita noong enrollment. Nalaman ko ang pangalan mo kasi narinig kong binanggit ng mga kasama mo. Anyway, I’m Kristine, pagkakaalam ko kasi ay blockmate kita this year.” nahihiyang tugon niya. Mabait naman pala.
Venus Lopez Tip #99: Be friendly! Magtaray sa mataray at maging mabait sa mabait.
Friendly mode: Turn on.
Iginiya ko ang kamay ko sa kanya at inabot naman nya iyon. “Nice meeting you, Kristine. Teka, blockmate kita? Di kasi pamilyar ang mukha mo sakin e. Saang block ka ba last year?” nakangiting sabi ko pa. Pinilit ko pang ipakita ang dimples ko para bongga.
“Transferee ako kaya siguro di ako pamilyar sayo. I hope we can be friends. New university kase kaya wala talaga kong kaibigan.” nakatungong sabi niya.
“Oh? I see. Open naman ako for friendship. Well actually, di talaga ko friendly pero dahil kind ka, sige exemption ka. Don’t get me wrong, maloka lang talaga ko at makwela kaya nakikipag-usap ako kahit di ko masyadong kakilala, pero di ko talaga friends yung mga yun. Kaplastikan ko lang yung mga yun. Plastik sila kaya plastik din ako sa kanila. Anyways, ikaw ang unang tao na nakapasa bilang kaibigan ko kaya kailangan magkasundo talaga tayo.”
“So, friends??” mahinang sabi niya pero this time nakangiti na.
“Bestfriends!” naisigaw ko na ikinabigla nya. Natawa nalang kami parehas dahil don.
“Bakit mo naman nasabing di ka friendly? I mean, napaka-approachable mo kasi.”
“Like I said earlier, kaplastikan ko lang ang mga yun. Ikaw ha di ka nakikinig. Don’t worry, plastik lang naman ako sa mga taong plastik din sakin. Di ka makakasurvive dito sa universe kung mabait ka sa lahat, you should learn how to treat them an equal, meaning kung anong trato nila sayo ganon din dapat ang trato mo sa kanila. Di naman sa masama ang ugali ko, pero di ba ang hirap rumespeto sa taong hindi ka man lang kayang respetuhin? Pero… hindi ibig sabihin na ginagawa ko yun ay masama akong tao, namimili lang talaga ko ng pakikitunguhan.” ngumiti ako sa kanya at ganon din sya sakin.
“You know what? Nakakabilib ang pangangatwiran mo. Hahaha the way you stand for your opinion makes me realize that you are really a brave woman.”
BINABASA MO ANG
Code Name P [Hearts and Bullets Series #1] ON-GOING
Ficción GeneralLet the search begin! Sinong inosente at hindi? Pag-ibig o Paghihiganti? Kaya mo bang isuko ang lahat para sa pag-ibig na walang kasiguraduhan?