Page 3

6 1 0
                                    

H&B Series #1 Code Name P, written by lucidstellar ❤️

Page 3

Kiss

Flashback

Matapos naming kumain ng bago kong kaibigang si Kristine sa isang kilalang restaurant ay napagpasyahan naming maghiwalay na.

Naglalakad kami papuntang exit ng mall nang bigla ako mapaupo sa sahig at dahil nakahawak ako sa braso ni Kristine ay napaupo rin ito.

Mariin akong tumingin sa babaeng nakabunggo sa amin ngunit mabilis itong nawala dahil halos tumakbo na ito sa pagmamadali.

Nagkibit balikat nalang ako at padarag na tumayo. "That bitch! Hindi man lang nagsorry! Ang lawak lawak ng daan oh!" naiinis na sabi ko habang tinutulungang tumayo si Kristine.

Pinagpagan namin ang aming mga sarili at nagpasyang magwashroom muna. May mga alikabok na dumikit sa aming binti at braso kaya kailangan namin maghugas.

Papalabas na kami ng washroom nang may limang lalaking naka-black suit at wayfarers na sumalubong sa amin. Tila may hinahanap sila ngunit hindi ko na napasadahan ng tingin ang mga iyon dahil umupo ako at tumungo upang itali ang shoelace ko.

Matapos kong gawin iyon ay may dumating na isang lalaking nagmula sa hindi ko alam kung saan at walang pasubaling hinila ako patayo at marahas na tinitigan ang aking mga mata.

Narinig ko ang mga yabag ng mga lalaking naka-suit papalapit sa amin ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.

Hinapit ng lalaking hindi ko kilala ang aking baywang at walang pasubaling ginawaran ako ng halik sa aking labi.

Narinig ko ang impit na reaksyon ni Kristine at ang yabag ng lakad noong limang lalaki palayo sa amin.

Agad akong natauhan at tuluyang humiwalay sa lalaki. What was that?

He just smirked at me. "Sweet! I'm Karl Phoenix Morrison nga pala. Tch" he exclaimed while licking his lips then walked away.

What the hell?

End of flashback

Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi pinansin ang mga matang nakatingin sa akin. Ngayong alam ko na ang dahilan ng kanilang pagtitig ay hindi ko na sila nagawang bigyan ng pansin.

He's one of a hell jerk! I can't wait to finally slap him real hard, para matauhan siya.

Nang makarating ako sa parking lot ay hingal na hingal akong tumigil. I am pissed! Ramdam kong namamasa narin ang aking mga mata dahil sa sobrang pagkayamot.

Huminga ako ng malalim at ngumiti. I got this! Humarap ako kay Phoenix na batid kong sumunod sa akin. "What can I do for you Mr. Morrison?" nakangiting tanong ko at bahagyang pinasadahan ang kanyang kabuuan.

Mukhang hindi nga siya estudyante sa university na ito. Mabuti naman!
He's wearing a denim shorts, black hoody and gray sneakers. Banas na banas ako sa kanya!

"How are you?" tanong niya sa akin na ikinangiwi ko naman. Ano naman kayang plano ng isang 'to? Hindi iyon ang sagot na aking inaasahan.

Luminga ako sa paligid at halos mapamura ako nang mapagtantong walang tao sa paligid. Kung bakit ba naman dito ako nagpunta!

"I'm good. So, hinahanap mo daw ako? Why is that?" mahinahong sabi ko. Hindi ko alintana ang nagwawala kong kalooban. I hate being surrounded by him! I hate him!

"Uhuh! I don't know what's gotten into me. Nakita ko nalang ang sarili kong halos halughugin ang buong Maynila para lang makita ka. Your lips... uh.. that lips should be illegal." nakatitig lang siya sa aking labi habang nakakaloko ang ngiti. Napatawa ako sa aking isipan. He's wicked!

Code Name P [Hearts and Bullets Series #1] ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon