Chapter 4

26 3 0
                                    

Chapter 4

Enjoy reading 💕

GABI NA ng maisipan naming umuwi na ni Quin. Lumabas ako sa kotse ko at kinatok ang bintana ng sasakyan ni Quin. Nag insist kasi na ihatid ako kahit sabi ko na may dala akong sasakyan.

Ibinaba niya ang bintana ng kotse niya.

"Salamat sa paghatid Quin." I said with a wide smile.

Nasa harap ako ng bahay namin ngayon.

"Nag enjoy ako." dagdag ko.

"Me too. Pasyal tayo ulit if you have time."

"Oo naman!"

"Ahmmm..." nakita kong napakamot siya ng batok.

"Can I.... Ahmm.. Get your number?"

"Sure! Yun lang naman pala. Give me your phone ako na maglalagay ng number ko."

Kinuha niya ng phone niya at niabot sa akin. I put my number in his contact and then give it back to him.

"Just call me or text ikaw na ang bahala. Salamat ulit sa paghatid sa akin."

Kumaway ako sa kanya bago pumasok ng bahay.

Pinagmasdan ko ang buong kabahayan. Ang tahimik, napakatahimik. I wish our house is like before, full of fun and laughter pero simula ng mag eighteen ako lagi na lang wala sila mom and dad. Minsan pumupunta sila sa ibang bansa of our business o di kaya ay binibisita sila lola sa London habang ako naman ay laging naiiwan dahil may pasok pa ako.

Maganda naman ang relasyon ko sa parents ko. They always give me what I want kaya siguro spoiled ako dahil binibigay nila ang gusto ko kahit ano pa yan, they love me and I also love them pero may kulang...... I always wanted to have a sibling, a baby sister to be exact pero ewan ba kung bakit ayaw ni Mom na sundan ako.

Habang papalapit ako sa hagdan ay lumabas ni Manang Betty mula sa kusina.

"Magandang gabi po Manang." magalang na bati ko.

"Magandang gabi din ma'am Mattina. Kumain na po ba kayo? Ipaghahanda ko po kayo ng makakain."

"Nako hindi na po Manang kumain na po ako kanina."

"Ah ganon ba. Sya sige ako'y matutulog na ikaw rin ma'am Mattina."

Nginitian ko lang siya at tinignan siyang pumasok sa maid's quarter.

Umakyat ako sa ikalawang palapag ng bahay at pumasok sa kwarto ko. Nakakapagod ang araw na 'to.

Pagpasok ko ay hinubad ko ang damit ko, humiga sa kama at natulog. Hindi na nga ako nakapagshower at nakatulog dahil sa pagod.

UMUPO AKO sa couch habang hinihintay sila Mom and Dad na bumaba.

Naka uniform na ako at ready na para pumasok nang sinabihan ako ni Manang na kakausapin daw ako ni Mom.

Naghintay ako ng ilang minuto bago bumaba si Mom.

"Good day Sweety," malambing na bati niya.

"Hello Mom."

Tumayo ako sa pagkaka-upo at hinalikan siya sa pisnge.

"Where's Dad? I thought may pag-uusapan tayo?"

" Ang Dad mo tulog na tulog pa na pagod yata kagabi. Umupo muna tayo."

Umupo kami sa couch. "Ano po ba ang pag-uusapan natin? May pasok pa po ako mom baka malate ako."

Marry me, Mattina (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon