Chapter 7

31 2 0
                                    


Chapter 7

ENJOY 💞

NANG MATAPOS kong kainin ang dala ni Maverick ay bumalik na ako sa room ko. Time na din kasi.

Pero habang naglalakad ako pabalik  sa room ay hinarang ako ni Nika siya yung president ng cooking club.

Nakataas ang isang kilay nito at nakapameywang habang nakatingin sa'kin.

"Anong kailangan niyo sa'kin?" walang gandang tanong ko pero tinignan niya lang ako ng masama.

"Seriously? If you don't have anything to say get out of my way. I'm going to be late in my class," inis na sambit ko, akmang  lalagpasan siya ng pinigilan niya ako at tinigigan ako.

Napairap ako sa hangin at tinaasan siya ng kilay, "Alam kong maganda ako. You don't need to stare at me like that kunting-kunti na lang pagkakamalan na kitang tibo."

Nanlaki naman ang mga mata niya at tinuro ang mukha, "Sa ganda kong 'to pagkakamalan mo akong tibo? Seriously?"

"Ganda asan di ko makita." I murmured and rolled my eyes.

"Umalis ka nga sa dinadaanan ko pwede ba?"

"Lumayo layo ka nga kay Maverick."

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya, "At sino ka para palayuin ako sa kanya?"

"Dahil manliligaw ko siya at nagseselos ako tuwing magkasama kayo kaya pwede ba lumayo ka sa kanya!"

Napanganga naman ako sa sinabi niya.

Totoo pala ang sinabi ni Maverick na nililigawan siya ni Nika? Wow! Ang gwapo niya ha.

Gusto ko sanang tawagan si Maverick at sabihin na gwapo niya dahil babae pa talaga ang nagliligaw sa kanya pero wag na lang baka mas lumaki ang ulo ng isang yun mahirap na.

Tinignan ko si Nika mula ulo hanggang paa. Well may itsura naman, maputi, matangkad din kaya nagtataka ako, sure ba talagang nangliligaw siya kay Maverick?

Grabe ang despirada naman niya kung ganon I never imagine myself courting a guy. Hindi ako ganon ka despirada noh! Oo nga't nagpapapansin ako kay Hanz pero hindi naman siguro ako aabot sa puntong liligawan ko na siya, okay maybe naisip ko yun noon pero hindi ko naman natuloy dahil babae ako dapat ako ng nililigawan. Uulitin ko I'm not that desperate.

Gusto ko siyang tawanan pero mas minabuti ko na lang na iwan siya doon at pumasok na sa room ko.

NAPABUNTONG HININGA ako habang hawak hawak ang dala kong bulalak, nakasakay ako ngayon sa kotse ko at nagdadrive patungo sa ospital na pinagtatrabahuan ni Hanz.

Damn Mattina! Ano bang naisip mo ha? Sabi mo hindi ka despirada?! Sermon ko sa sarili ko habang nakatingin sa bouquet ng lily.

Shit hindi ako makapaniwala na sinunod ko ang sabi ni Nika sa'kin kanina. Bakit ba ako nagpauto sa babaeng yun? At bakit ko din ba siya pinuntahan at tinanong kung paano manligaw? Gosh! Nababaliw na yata ako!

Imbes na tumuloy ako sa ospital at pumunta na lang ako sa Park. Tinapon ko ang dala kong bouquet sa basurahan na nakita ko. I sigh again.

Naisipan ko munang maglakad lakad, hanggang sa nakita ko yung parehong banda kahapon. Lumapit ako dito at nanunood sa kanila.

They're singing  2 u by Justin Bieber.

May potential ang grupo na 'to I mean magaling sila malakas din ang audience impact sila dahil pansin kong ang dami ng nanunood sa kanila ang iba nga ay sumasabay pa sa pagkanta nila, pwede silang sumikat at magkapera ng mas malaki dahil sa talent nila.

Marry me, Mattina (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon