Chapter 20

45 0 0
                                    

Chapter 20

PAPUNTA AKO sa room ni Ereal dito sa ospital, may pinahatid kasi si Mommy para sa kanya na mga bagong libro tungkol sa medicine, ewan ko ba dyan sa pinsan kong 'yan kung bakit ganitong kasing libro ang binabasa. I mean hindi naman masama pero paano niya kaya ito naiintindihan, eh ako nga eh nabubwesit kababasa tungkol sa mga sakit dahil wala akong maintindihan niisa, ang hirap pang basahin ng mga' yon. Kaya nagtataka talaga ako kung bakit medicine books ang lagi niyang pinapabili, ang bata-bata pa naman kasi ng pinsan kong 'yan dahil sa pagkakatanda ko mga ten years old pa yata siya, paano niya kaya naiintindihan ang mga ito. Tangina naman oh, bakit ba kasi pinanganak akong hindi matalino?! At magdodoktor pa ako nito ha. Hindi naman ako bobo pero hindi din ako matalino, hindi ko na alam kung saan ako lulugar.

Napatigil ako sa paglalakad ng nasa harap na ko ng opisina n Hanz.

Sa totoo lang hindi ako pumayag na mag punta dito sa ospital dahil makikita ko siya dito,  ayoko munang pumunta dito kasi magbabakasyon muna ako sa pangliligaw sa kanya, kay Hanz, pero si Mommy mapilit kaya wala na akong nagawa.

Napabuntong-hininga ako at naglakad muli.

Noong isang araw ko pa  huling nakita si Hanz, as in hindi ko talaga siya nakita, hindi ko siya pinuntahan. Ayoko lang muna siyang makita at isa pa busy ako sa renovation ng karinderya ni manang Bebang, malapit na din 'yong matapos kaya sobrang busy ko sumabay pa ang mga activities sa school namin. At mas magiging busy pa ako dahil tutulungan ko si manang sa pagmamanage ng restaurant para hindi na siya mahirapan.

Kinuha ko ang phone ko sa bag dahil may tumatawag. Singot ko ito.

"Oh, Frost napatawag ka?"

"Matty......"

"Oh?"

"I found her...."

"Her? Who?" takang tanong ko.

Sinong her?

"My wife."

"Oh your wife—" nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng ma realize ko ang sinabi niya," what?! Kailan? Saan? Paano? Sigurado ka?" sunod-sunod na tanong ko.

Tumigil ako sa paglalakad habang hinihintay ang sagot niya.

"Hoy! Sagutin mo ako, kilan? Saan? Paano?" Tanong ko ulit.

"Si Rassel—"

"Anong tungkol sa kanya?" utol ko sa sinasabi niya.

"Pwede bang patapusin mo muna ako?" aniya na parang naiinis na. Kaya napakamot ako ng ulo.

"Sorry naman, excited lang. Sige na magkwento ka na kasi binibitin mo naman ako eh."

"Kung tatahimik ka at papasalitain ako malamang magkukuwento ako." bakas sa boses nito ang pagka-inis kaya napaalik-lik ako.

"Sorry, sige na, magkwento ka na."

Narinig ko na nag buntong-hininga pa siya bago nagsalita ulit.

"Nag-apply siyang chef sa restaurant ni Rassel kanina, sabi ni Rassel. At sabi din niyang baka daw may anak kami at saka—"

"Omg! Tatay ka na Frost! Omg! Omg!" sigaw ko na syang nakatawag pansin sa mga taong dumadaan pero wala akong pake alam at nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita, "Grabe, parang sa mga nagbabasa ko lang sa libro, 'yong nagka one night stand' yong dalawang bida pagkatapos.... tapos pagdating ng umaga magigising ang babae na nasa kama na at walang saplot, tapos magugulat siya, tapos dahil sa takot magmamadali siyang umalis doon tapos... tapos... tapos... pagdating ng isang buwan buntis na pala 'yong babae, tapos hindi niya sa sabihin sa lalaki kasi diba one night stand lang ang nangyari, Tapos after soooo many years magku-cruz landas nila tapos malalaman ng lalaki na may anak na pala sila tapos... tapos.... tapos... tapos the rest is history. " kinikilig na wika ko habang tumatalon-talon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Marry me, Mattina (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon