Chapter 8
ENJOY 💗
"WAG KA NG gumawa ng assignment Mattina wala rin naman kaming assignment kaya damay damay na tayong lahat," pangdedemonyo sa'kin ni Mae.
Nakapalumbaba ito habang nakatingin sa'kin na di magkandaugaga sa pagatapos ng assignment. Sampung minuto na lang at magsisimula na ang klase namin pero nasa number 6 pa lang ako out of ten.
Bakit ba kasi puro explanation 'to? Nakakastress naman oh!
"Oo nga Mattina wag ka ng assignment, para lahat tayo wala."
"Parang nagkakaisa tayo sa classroom na' to ganoon." singgit naman ng isa naming classmate kaya napairap na lang ako.
Ganito lagi sa room namin pag walang assignment ang isa pipilitin nila ang iba pa naming classmate na wag na lang gumawa ng assignment.
" Hindi pwede okay baka magalit si Prof Ann lagot tayo."
"Yun na nga eh para lahat tayo pagagalitan walang ligtas."
Sasagutin ko na sana siya nang biglang pumasok si Prof Ann kaya nagsibalikan sila sa mga upuan nila.
"Do we have an assignment?"
Tumahimik ang buong klase at tumingin sa'kin. Ang iba ay umiling at ang iba naman ay nag sign sa'kin na tumahimik ako kaya napabuntong hininga ako at napailing na lang.
"Ma'am wala po," sagot ko sa tanong niya.
Mukhang nakahinga naman ng maluwag ang mga kaklase ko dahil may mumunting ngisi ang mga labi nito.
Nang matapos ang klase namin ay pumunta ako sa pool area ng school para mag swimming. Hindi pwedeng pumunta ang mga estudyante na hindi kasama sa swimming team and lucky kasama ako doon.
Isa ako sa swimming team pero bago palang ako, mga isang buwan palang at hindi pa ako nakakasali sa ano mang contest. Well magaling naman ako sa larangan ng paglangoy, bata palang ako ay sinanay nako ni Dad dahil malapit akong malunood nong apat na taong gulang palang ako, natakot siguro sila na baka maulit yun kaya tinuruan ako ni Dad. And swimming is my hobby aside sa basketball at drawing.
Sumali ako sa swimming team dahil gusto kong malibang tuwing wala akong gagawin at isa pa pangpatanggal stress din.
Pumunta ako sa locker ko dito at kinuha ang one piece swimsuit ko na ginagamit ko tuwing nagpapratice ako. Hinubad ko ang uniform ko at nagbihis ng swimsuit pagkatapos ay pumunta sa gilid ng poop para mag warmup sandali.
Matapos ang five minutes na warmup ay nagdive na ako. Nilibang ko ang sarili ko sa paglangoy hanggang sa magsawa ako at tumigil na. Nasa gilid ako sa pool at pinupunasan ang sarili ko.
I stayed there for a couple of hours before I decided to go. Wala na akong klase ngayon kaya naisip ko na tawagan si Maverick at ayaing gumala. Matagal tagal na din simula ng mamasyal kaming dalawa.
Tinawagan ko siya pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. May klase pa siguro sila kaya hindi na ako tumawag ulit.
Habang naglalakad papunta ng library ay nakisalubong ko si prof James siya yung prof namin na tinanong ko kung kaya ba naming gampanan ang pagiging doktor ng maayos.
"Good morning prof," bati ko sa kanya.
"Good morning din Miss Peraiz."
Ngumiti na lang ako sa kanya at umalis na, pero bago pa ako makalayo ay tinawagan ako ni prof.
"Yes prof?"
"I want to talk to you."
"Okay po sir."
BINABASA MO ANG
Marry me, Mattina (ONGOING)
Romansa"Yes, I'm in love with you. I am madly in love with you but it doesn't mean that I will give you a permission to break me again and again. You already broke me twice and I'm not stupid to make it thrice. I love you but..... I guess we're not meant f...