Chapter 10
HAPPY READING 😚
NAKATINGIN AKO ngayon kay Hanz na busy sa pag-aasikaso ng mga pasente niya. May ngiti ang labi nito na bibihira ko lang makita habang kinakausap ang isang batang nakahiga sa hospital bed.
Napangiti naman ako ng ginulo niya ang buhok ng bata at pumunta sa katabing kama.
Ngayon ko palang siyang nakitang magtrabaho at napakapassionate niya sa trabaho niya. Ang bait din niya sa mga pasente.
Mas lalo akong nahuhulog sa kanya.
Nang tumingin siya sa gawi ko ay nabura ang ngiti niya sa labi at tinignan ako ng malamig pero hindi ko yun pinansin.
Lumapit niya sa'kin kaya mas lumaki ang ngiti ko, "Hi."
"What are you doing here?" his voice is as cold as ice pero hindi pa rin nawala ng ngiti ko.
"I brought you cookies," pero nawala ang ngiti ko ng nilagpasan niya ako.
I signed and followed him.
"Hanz gusto kitang makausap, kahit saglit lang."
Hindi niya ako sinagot at pumasok sa opisina niya kaya sumunod ako.
"Hanz makinig ka naman sa akin oh."
"Pwede ba Mattina, umalis ka na? Wala tayong pag-usapan pa."
"Pero—"
"Umalis ka na! Stay away from me!" sigaw niya kaya nanlaki ang mata ko sa gulat.
Napansin siya siguro na nagulat ako kaya nag-iwas siya ang tingin.
"Umalis ka. Leave Mattina."
"Pero Hanz—"
"Umalis ka na bago pa kita masigawan ulit," klamado na ang boses niya.
Yumuko na lang ako at umalis doon pero bago ako lumabas ay iniwan ko ang cookies na binake ko.
Sa sumunod na araw ay lagi akong pumupunta sa office ni Hanz para magdala ng cookie pero lagi siyang wala pakiramdam ko iniiwasan niya ako, no scratch that hindi pala pakiramdam lang dahil napaka obvious na iniiwasan niya talaga ko at napapansin ko din na tuwing nakikita ko siya ay lagi siyang may kasamang kung sino sinong babae kaya nasasaktan ako. Nabalitaan ko din na dinadate niya ang anak ng isang governor.
Yung lalaking yun mas maganda kaya ako kisa doon sa mga babaeng kasamang niya, bakit hindi na lang ako ang idate niya? Nakakainis ha.
Yung tungkol sa swimming competition tinanggap ko yun naisip ko kasi sayang naman ko papalampasin ko lang ang pagkakataon na yun kaya sobrang saya ni Principal at sinabihan akong umupisahan na ang training ko.
Ang sa susunod na linggo na gaganapin ang engagement party namin ni Frost kaya naging busy sila Mom sa pag-aasikaso non habang ako naman ay busy sa training ko. Ewan ko kung bakit naging maaga ang engagement party namin akala ko noon ay hihintayin pa ang 20th birthday ko bago mag announce ng engagement.
Pinagsasabay ko ang pag-aaral ko ngayon at pag-iinsayo pero hindi naman ako nahihirapan dahil hindi naman gaanong mahigpit sa'kin ang coach ko.
BINABASA MO ANG
Marry me, Mattina (ONGOING)
Romance"Yes, I'm in love with you. I am madly in love with you but it doesn't mean that I will give you a permission to break me again and again. You already broke me twice and I'm not stupid to make it thrice. I love you but..... I guess we're not meant f...