Chapter 12💜
SIMULA NG sabihin kong liligawan ko si Hanz halos araw-araw na akong pumupunta sa ospital para kulitin siyang magdate kami pero lagi naman niyang sinasabi na busy daw siya at marami siyang kailangang gawin, pero ngayong araw yayayain ko ulit siya baka kasi wala siyang ginagawa ngayon.
Pagpasok ko sa office niya nakita kong may binabasa siyang papel. Mga medical records siguro yun.
Nakangiting lumapit ako sa table ni Hanz at dahan dahang inilapag ang Tupperware sa harap niya.
"Sa kakadala mo ng cookies sa'kin, magkakadiabetes ako sayo." biglang anito pero hindi nakatingin sa'kin.
Napakamot ako ng batok, "Cookies lang kasi ang kaya kong lutuin—pero promise! Mag-aaral akong magluto, para sayo."
"No need, kaya kong magluto." sagot niya, hindi pa rin nakatingin sa'kin.
"Ganoon ba..... Ahmm.. Hanz pwede ba tayong mag date? Sige na oh ilang beses na akong nag-aaya ng date sayo pero lagi kang busy. Wala ka naman sigurong ginagawa ngayon, wala ka naman sigurong surgery ngayon diba? Kaya pwede ba tayong nag date?" Sabi ko habang nakacross finger.
Sana pumayag ka. Please sana pumayag ka. Piping dasal ko.
Ibinaba niya ang hawak niyang papel at tinignan ako, "Okay, sige."
Nanlaki ang mata ko sa gulat.
Oh M! Totoo ba? Pumayag siya?! As in, hindi biro?!
"Talaga! Sabi mo yan ha! Wala ng bawian!"
Tumango siya, "Oo."
Tumalon-talon ako dahil sa tuwa, "Yes!! Sige aalis na ako, maghahanda lang ako. I'll text you later kung saan tayo magkikita okay?"
Hindi na ako naghintay sa sagot niya at nagpaalam na. "Bye, Hanzy babe. See you later!" nag flying kiss muna ako bago umalis doon para makapaghanda.
Nakangiti akong umuwi sa bahay at kinalkal ang closet ko para maghanap ng masusuot para sa date namin mamaya. Pero bago yun ang nagpareserved na ako ng table sa Williamsburg restaurant, di kasi pwede sa restaurant ng pinsan kong si Raven. Baka makita kami ni Hanz, madaldal pa naman yun. Mahirap na.
"Ano bang magandang suotin? Magdress kaya ako? Ano naman dress?"
Kinuha ko ang iba't ibang kasing dress ko na nasa closet at pabagsak na binaba yun sa kama ko.
Isa-isa ko yung tinignan at naghanap ng magandang isuot, pero wala akong napili ni isa kaya napabuntong hininga ako.
" Ano ba yan first date namin 'to ni Hanz dapat maganda ako sa harap niya, yung gandang dalagang pilipina." napaisip naman ko.
"Mag Filipina dress na lang kaya ako?" marahas akong umiling, "Para naman akong timang kung magsusuot ako ng traditional dress sa date ko. Baka isipin ni Hanz na buwan ng wika ang pupuntahan ko at hindi date."
Humiga ako sa kama at nagpapadyak,"Ano bang susuotin ko! Ang hirap naman nito! Ang bang magandang suotin. Eh kung wag na lang kaya akong magdamit? Ay wag rated spg yun."
Parang gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa mga iniisip ko. Ganito pala ang epekto ng inaya ka ng date ng crush mo—no, hindi pala, ako pala ang nag-aya sa kanya.
Nagpagulong-gulong ako sa kama hanggang sa may naalala ako.
Napatayo ako mula sa pagkakahiga, "Tama! Yun na nga! Bakit ngayon ko lang naalala yun?"
Dali-dali akong tumayo at nilapitan ang closet ko. Yumuko ako at may kinuhang kahon sa ilalim ng mga jeans ko. Nang makuha ko na ito ay nilapag sa kama at binuksan.
BINABASA MO ANG
Marry me, Mattina (ONGOING)
Romance"Yes, I'm in love with you. I am madly in love with you but it doesn't mean that I will give you a permission to break me again and again. You already broke me twice and I'm not stupid to make it thrice. I love you but..... I guess we're not meant f...