Chapter 15
HUNALUKIPKIP ako ng magkita kong papalapit sa gawi ko si Frost. Mula kasi ng iniwan ko sila kanina ay hindi na ako bumalik sa cottage namin at naglibot na lang mag-isa. At ngayon ay papalubog na ang araw kaya naisipan kong tumambay sa dalampasigan para makita ang sunset.
Nalala ko na naman kung bakit ako mag-isa ngayon dito.
Tuwing naaalala ko ang mukha ni Hanz habang nakaakbay sa babaeng yun, nanggagalaiti ako sa inis. Parang ang sarap nilang pagbuhulin ng hindi na sila magkahiwalay total yan naman ang gusto niya.
I frowned when Frost come nearer and sat by my side.
Ano bang kailangan ng isang 'to?
"What do you want?" Walang ganang tanong ko.
"Wala naman. Nilapitan lang kita para hindi ka masabihang loner." mapang-asar na sagot niya.
Napairap ako, "Fuck you." biglang sabi ko.
Nanlaki ang mata niya sa gulat at ganoon din ako. Napasapo ako ng bibig.
Hala ka! Nasabi ko yun?!
"Mattina! Your mouth! Kailan ka pa natutong magsalita ng ganyan?!" galit na galit na aniya pero ang peace sign lang ako at ngumiti na nauwi rin sa ngiwi.
"Wag kang magbubura. Wag mo ng uulitin ang ginawa mo kanina." seryosong aniya na ikinatawa ko.
Nagtatakang tinignan niya ako,"Bakit ka tumatawa?"
"Kung nakita mo lang ang sarili mo ha g sinasabi yun! Nakakatawa!" natatawang sabi ko. "Akalain mo yun? Marunong ka palang mag seryoso?"
He glared at me, "Annoying brat." he murmured.
I cleared my throat, "Yeah I'm a brat. Sometimes?" patanong na sabi ko.
"Every time!" he exclaimed.
Napailing na lang ako sa sinabi niya at tumingin sa papalubog na araw.
"What a view." mahinang wika ko habang nakangiti.
"Yeah" sang-ayon naman niya. "The sunset is indeed a breathtaking view."
"I wish kasama ko ang lalaking gusto ko habang pinapanood ito." Wala sa sariling sabi ko.
"But you have me. Your fiancee." he teasingly say.
I tsked and rolled my eyes, "Stop teasing me Frost."
"I'm not teasing you okay? I'm just stating a fact."
"Whatever, don't talk to me."
"Oh come on Matty."
"Frost, just shut up. Don't spoil the view." I said with irratation.
"Okay, whatever." Tumayo ito at pinagpagan ang sariling short, "Bumalik ka na sa cottage natin pagkatapos mo dito para sa dinner at naisipan din nila Raven na magbonfire. Huling araw na natin dito kaya mamaya ayusin mo na ang mga damit mo dahil maaga pa tayo bukas."
Isang tango lang ang sinagot ko and motion him to leave me alone.
Nang matapos ng lumubog ang araw, nandoon pa rin ako at nakatingin sa kawalan.
Nag-iisip ng kung ano-ano. Tinatanong ang sarili ko kung ano ang mangyayari sa susunod na araw, kung ano ang mga bagay na dapat bitawan at panghahawakan.
Ewan ko ba, pero alam niyo yung napapaisip na lang kayo ng mga bagay bagay habang nakatingin sa kawalan pero hindi mo alam kung anong mga sagot sa mga tanong na ikaw mismo ang gumawa. Nakakabaliw.
BINABASA MO ANG
Marry me, Mattina (ONGOING)
Romance"Yes, I'm in love with you. I am madly in love with you but it doesn't mean that I will give you a permission to break me again and again. You already broke me twice and I'm not stupid to make it thrice. I love you but..... I guess we're not meant f...