Chapter 12-Wrong timing
"dilim gising andito na tayo" sabay yugyug ni Grayson kay avery.
"hayy sa wakas" sabay inat ni avery.
Bumaba na si Grayson sa sasakyan at pinagbuksan si avery.
"salamat.. Saan na yung kasama natin?" tanung niya rito.
"nasa lounge palang sila. Mauna ka na doon at kukunin ko lang luggage natin" sagot nito sa akin.
"sige.. Hintayin kita doon" sagot ko dito sabay ngiti.
"Sa wakas andito na rin kayo" bungad sa akin ni steph
"ahm.. Sorry kanina pa kayo?" tanung ko sa mga ito.
"naku sakto lang nakaorder na kami na pagkain. Lagay nyo na mga gamit nyo sa kwarto nyo ng makakain na tayo" sagot sa akin ni blake.
"sige" sagot ko dito at sumunod na ako kay grayson.
Nakasakay na kami ng elavator ng bumaling ako sa kanya.
"Share ba tayo ng kwarto?" tanung ko dito.
"haha seryoso ka sa tanung mo avery?"
Tsss ano kayang masama sa tanung ko malay ko ba kung share kami or hindi. Tsss asa naman kung gusto ko siyang katabi."To stop your imagination. And im sorry to disappoint you baby but we didnt share room we have separated rooms arrange by blake. Haha. Kaya relax ka lang dyan"
"tsss nagtatanung lang eh" sagot ko dito. Sakto naman na nagbukas na ang elavator.
Nauna na siyang naglakad palabas at sumunod na lang ako dito.
Hindi naman malayo ang nilakad namin ay tumigil siya at humarap sa akin.
"here's your key. Dito ako sa kabila at dyan ka lang katapat ng kwarto ko. If you need help. Just knock my door" ani nito sabay abot sa akin ng susi.
"Salamat."sagot ko dito at tinungo na ang aking kwarto.
Inayos ko ang mga gamit ko. Nagpalit na rin ako ng damit ko. Baka kasi magkaanyayaan mamaya sa baba.
----------------------—-
" So anong gagawin natin mamaya pagkatapos nating kumain? "tanung ni krystal habang kami a kumakain."night swimming?" suhestyon ni lance.
"haha sige.. Magiinuman tayo mamaya" masiglang sabat naman ni blake.
"haha sabi nyo eh" sagot naman ni tiff.
Pagkatapos namin kumain gaya ng pinagusapan nagtungo nga kaminsa may pool.
"bakit tayo lang? Wala bang guest ngayon dito" tanung ko kay grayson.
"Yung mga guest sa kabila sila na pool. Private place kasi namin dito ng mga barkada." sagot nito. Tumango lang ako dito at umupo sa gilid ng pool.
Inabutan nya ako ng in can san mig with flavored.
"Avery may tanung ako sayo." bungad ni gray. Seryosong sabi nito sa akin.
"Ano yun?" pagbabalewala kong sagot sa kanya.
"kung liligawan ba kita may pagasa ba ako sayo?" saad nito. Nagulat ako sa tanung niyang walang preno. Hindi ako makasagot. Natameme ako. For real. Tinatanung niya ako.
"Haha.. Nagbibiro ka lang di ba?" balik tanung ko dito. Pagbabalik sigla ko sa paligid.
"Seryoso avery gusto kita" pagtatapat nito sa akin. Ngumiti ako dito at sumagot.
"baka paghanga lang yan or whatso ever" hindi makapaniwalang sagot ko dito. I feel uneasy this time.
"Avery hindi lang kita gusto. Mahal na kita. May pag asa ba ako sayo?" pangungulit na tanung nito. Ngingiti na sa ako ng may maalala ako. Hindi pwede ngayon. Nasa mali kaming panahon. Right love at the wrong time.
"Im sorry Grayson hindi ko masasagot ang tanung mo" malungkot na sagot ko dito. Hindi ko alam kung titingin pa na ako sa kanya or hindi. Hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko kung bakit magsinungaling ako sa kanya well infact gusto ko rin siya. Natatakot ako na baka mas malala pa ang galit ng humahabol sa kanya.
Tinungga ko na lang ang alak.
"Naiintindihan ko. Willing naman ako magantay."malungkot na sagot nito.Ngumiti ako dito." Cheers? "sabay taas ko yung san mig.
" Cheers"sagot nito ang ngumiti.
Ang ngiti nyang nagbibigay at nagdadag dag ng kanyang kagwapuhan. Sana dumating ulit yung araw na tanungin mo ako ng ganyan at sasagutin kita ng totoo. Sana maayos ng lahat para maayos na rin natin ang sa atin. Ani ko sa aking sarili.
Pumasok na ako sa loob ng hotel at pumanhik sa aking kwarto. Magaalas dose na rin ng gabi kailangan ko ng matulog. Inaantok na ako.
----------------------
Mag aalas otso na ng magising ako. Nagpanhik ako sa banyo naligo at nagayos.Napadako ang mata ko sa pintuan sa teresita na nakabukas. Nagkibit balikat na lang ako. Baka nakalimutan ko lang isara kagabi.
Pababa na sana ako para makapagalmusal ng may makita akong maliit na box na nakapatong sa lamesa.
Inabot ko ito at binuksan.
Picture ko na may bahid na dugo kasama ng kakarampot na papel.
"Just enjoy for now. Tomorrow is your last"Sanay na akong makatanggap ng ganito pero bakit ngayon parang takot ako na mawala at may maiiwan akong taong umaasa sa akin.
Itatapon ko na sana ang box ng may tumawag sa akin."Did you received my gift?" caller. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang cp number ko pero hindi iyon ang pinangangam bangan ko.
"What do you want?" kalmado kong sagot dito.
"Alam ko na alam mo kung anong kailangan ko Avery. Si Grayson lang. Akin lang siya. Hahaha" nakakakilabot ang kanyang tawa. Hindi mo makapagkakamalang sa maamo niyang mukha nakakubli ang malademonyo niyang paguugali.
"You wont have him. Not now not tomorrow. Never will be." deretso kong sagot dito.
"If I cant have him then I kill you so that I can have him"
"Try me. Hindi ako takot sayo!!!" sagot ko dito sabay patay ng tawag niya.
Napadausdos ako sa aking sofa.
Unting unti dumadausdos ang aking luha.
Why life is so hard like this. Bakit siya pa? Bakit naging komplikado ang lahat.Tok tok tok tok
"Avery andyan ka pa ba? Baba na kakain na tayo." ani ni tiff.
"Sige susunod na ako. Nagaayos lang ako ng sarili ko" sagot ko dito.
"Sige. Hintayin na lang kita namin sa baba" ani nito bago umalis.
Inayos ko ang aking sarili. Tinuloy ko ng itapos sa basurahan ang box bago nilisan ang aking kwarto.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
The Mysterious Doctor
AksiSi Avery Guzman ay isang doctor sa sarili nilang hospital. Isang matangkad na babae may magandang katawan at madaming humahanga sa kanya. Pero hindi nila alam na isa siya siyang sikat na agent slash ranked 2 sa gangster world. Si Grayson Scott isa...