Aniro's POV
Nakaupo ako sa bench habang nag sketch ng mga nakikita ko sa paligid. Kasalukuyang tumutugtog ang Nirvana sa bluetooth headset ko ng dumaan ang isang babaeng naka crop top sya na pinatungan ng denim jacket na black, naka black demin jeans sya na butas butas at may iba't ibang hikaw sa kaliwang tenga.
Umupo sya sa bench sa harapan ilang dipa lamang ang layo sakin.
Naka itim na lips stick sya at may hikaw sa kanang kilay. Light lang ang make up nya, maputi sya at balingkinitan ang katawan. Medyo may katangkaran, matangos ang ilong at.... kulay green ang mga mata nya.
Contact lenses?
Napailing ako at tumingin sa sketch pad ko.
Ngumiti ako sabay pilas ng papel at nagsimula ulit ng bago. Drinowing ko ang pwesto nya. Nasa kalagitnaan ako ng pag dadrawing ng magtama ang mga mata namin. Mabilis akong nag iwas ng tingin at inilipat ang page ng sketch pad.
Rinig ko ang takong ng boots nya na papalapit sakin. Ilang saglit lang ay nasa harapan ko na sya.
"Bakit mo ko tinitignan?" Napaangat ang tingin ko sa kanya at inalis ang headset ko.
"Eh?" Kita ko ang pag ismid nya at ibinaling ang ulo sa kaliwa sabay buntong hininga.
"Bakit mo ko tinitignan?"
"Wala lang." Ngumiti ako sa kanya at ipinakita ang dimples ko.
"Wag mo kong ngitian. Hindi ka gwapo." Natanga ako sa sinabi nya dahilan para mag igting ang panga ko.
"I didn't intend to look at you. It's just that your clothes is unique so I want to draw it."
"Don't do that again. It's disturbing the fuck out of me."
"I'm sorry."
Natigilan ako ng makita ang mga kanang kamay nya. May tattoo sa bawat daliri at may malaking rosas sa gitna ng kamay nya.
"Why the fuck are you staring at me again?" Halata na ang inis sa boses nya. Nag kibit balikat ako at tumayo. Ngayon naman ay ako na ang nakatungo sa kanya at sya na ang naka angat ang tingin sakin.
"Kasi may mata ako para tumingin. Kung ayaw mong tignan ka ng mga tao, wag kang lumabas ng bahay nyo." Inayos ko ang mga gamit ko bago ko sya tinalikuran.
Habang nag lalakad ay ibabalik ko na sana ang headset sa tenga ko ng biglang may humablot nito.
"Hindi ka lang pala bastos, antipatiko ka din. Baka gusto mong dukutin ko yang mata mo para hindi ka na makakita." Ngumisi ako sa kanya at nilapitan sya. Hindi sya gumalaw at umangat lang ang tingin sakin.
"Gawin mo muna kung kaya mo. Isa pa, itong headset na 'to... Wag na wag mong hahablutin. Baka mas mahal pa to sa suot mong pipitsuging jeans. Saan mo ba nabili yan? Sa sale sa SM?" Kinuha ko ang headset at tinalikuran syang muli.
Mag didilim na. Kailangan ko ng umuwi. Mabilis akong naglakad ng biglang may tumamang matigas na bagay sa likod ko. Napabuga ako ng hangin dahil sa inis. Nilingon ko ang sapatos at ngumisi.
Masyado kang marahas, tignan natin san aabot ang kaangasan mo. Pinulot ko ang sapatos at nagpatuloy sa paglalakad.
Rinig na rinig ko ang sigaw nya pero hindi ko na sya pinansin.
Hanggang sa makauwi ako ay dala dala ko ang black boots ng brutal na babae.
Nakangiti akong pumasok sa loob ng bahay at naabutan ko si Mommy na nasa sala at umiinom ng tubig.
BINABASA MO ANG
Dominant ✔️
RomanceCOMPLETED First and second generation of love and hate. Forbiden love can be very chaotic. Where will their love takes them.