Dominant 5

6.7K 37 0
                                    


Herien's POV

Pangatlong araw na ngayon simula ng tapusin namin ang kasunduan sa mga Santillan. Pangatlong araw na rin ito na kinukulit ako ni Aniro.

"Herien, please. Wag naman ganito!" 

"Ano ba, Aniro?! Tapos na ang kasunduan namin sa pamilya nyo! Wala ng sense kung mag uusap pa tayo." Nag igting ang panga nya at naiinis na inayos ang buhok.

"Herien maawa ka naman samin! Ano ba talaga ang gusto mo?! Gagawin ko na!" 

Natawa ako dahil sa sobrang frustration nya. Napailing nalang ako at umupo sa swivel chair sa office ko.

"Ngayon mo naiisip yan kung kelan wala na akong interes sayo?" 

"Wala na nga ba?" Lumapit sya sa pwesto ko at yumuko para magpantay ang mukha namin.

"Sa tingin mo?" Ngumisi ako at sumandal sa kinauupuan. Hinaplos ko ang pisngi nya pababa sa mga labi nya.

"Pag hindi ka pa umalis dito... ipapahuli kita sa mga security." Bulong ko habang naka ngiti. Nawala ang pag asa sa mga mata nya at napalitan ng inis. Lumayo sya sakin at nag lakad sa pintuan.Binuksan nya ito pero agad ding lumingon sa pwesto ko.

"1 week. Give me a week, kaya kitang bawiin. At sisiguraduhin kong hindi na magbabago ang isip mo." Napamaang ako at masamang tinignan ang likod nya. 

Pagsara ng pintuan ay tyaka lang ako napakurap.

Anong ibig nyang sabihin?

_____

Kakalabas ko lang ng building at pababa ako papunta sa parking lot. Saktong pag bukas ng elevator ang pag tunog ng cellphone ko.  Saglit akong tumigil at tinignan ang cellphone, pero agad akong napasimangot ng makita ko ang pangalan ni Aniro. Pinatay ko ang tawag at pinatay ang phone para hindi na nya ako matawagan. 

Kinuha ko ang susi ng kotse ko dahil sa hindi ako nakatingin sa dinadaanan ay tumama ako sa kung ano.

Mabilis akong napatingin sa nabangga at nakita ang isang matangkad na lalakeng nakangisi sakin.

"Be ready. The 1 week starts now." 

Napakunot ang noo ko at magsasalita pa sana ng takpan nya ng panyo ang bibig at ilong ko. Pumalag ako pero masyado syang malakas.

Ilang saglit lang ay nakaramdam ako ng antok at nawalan ng malay.


THIRD PERSON'S POV

Nakangisi lang si Aniro habang buhat buhat si Herien papasok sa isang resthouse. Matagal na din simula ng huling punta ni Aniro sa lugar pero wala pa din itong pinagbago. 

Inilapag ni Aniro si Herien sa kama nya at inayos ang suot nitong formal attire. 

Sisiguraduhin ni Aniro na pagkatapos ng isang linggo ay mababaliw sa kanya ang babae. 

Wala talagang balak si Aniro na pilitin pa si Herien, sadyang hindi lang nya maatim na titigan ang kanyang ama gayong stress na stress ito dahil sa loob nang ilang araw ay nag si alisan na ang mga investors sa kompanya dahil sa pagkalugi nito. 

Lumabas muna si Aniro para ayusin ang mga gamit sa bahay. Hindi kasing laki ng ibang rest house nila ang bahay, dalawang palapag na may kalumaan ang itsura ng bahay. Wala ding nagbabantay doon pero may nag lilinis kada buwan. 

Inalis ni Aniro ang mga telang nakatalukbong sa mga gamit at nilinis ang alikabok na nasa sahig. 

Lumipas ang ilang oras na yun lang ang ginagawa ni Aniro, hindi na nya namalayan na nagising na pala si Herien.

Dominant ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon