Dominant 10

4.8K 26 4
                                    


THIRD PERSON 

Parang tumigil ang mundo nang makita ni Aniro ang asawa nyang si Herien na nakatayo sa may pintuan.

"Herien..." Mahinang usal ni Aniro. Hindi alam ang gagawin. 

"Ang galing mo." Napakurap si Aniro dahil sa sinabi ni Herien. Akmang lalapitan ni Aniro ang asawa ng isenyas agad nitong tumigil sya.

"Dyan ka lang... Ang galing galing mo Aniro... Akala ko kaya ko... kaya kong makita despite na alam kong nag che-cheat ka sakin. Akala ko kaya kong tanggapin. Pero tang ina naman Aniro. Kwarto natin 'to. Dito talaga? Binabastos mo ba talaga ako?" Hindi na mapigilan ni Herien ang nararamdaman dahil talagang feeling nya ay pinag tulungan sya ng magkapatid.

"Aniro... Mahal kita... Mahal na mahal kita... Pero hanggang saan? Hanggang saan kita mamahalin? Wala kang kahit katiting na respeto sakin." 

"Herien.." Umiling nalang si Herien sa asawa at hindi makapaniwalang tumingin sa kapatid ni Aniro.

"Masarap? Sobra ano? Sana masayang masaya ka. Sana napaligaya ka nya. Akala mo di ko alam? Alam ko. Hindi ko lang inakala na ganito pala kahirap pag nasa harap ko na yung katotohanan." Ngumisi si Aerin at tumayo sa kama. Lumapit sya sa kapatid at iniyakap ang braso sa bewang nito.

"Syempre... Sobrang sarap. Ano namang pakialam ko sa pakiramdam mo? Pinakasalan ka lang ni kuya dahil yun ang tama. Pero hindi ka nya mahal. At hindi ka nya mamahalin dahil ako ang mahal nya. At ikaw... Sabit ka lang." 

Napakurap si Herien dahil tumagos sa puso nya ang sinabi ni Aerin. 

'Tama sya... Wala akong karapatan... Dahil hindi ako ang mahal ni Aniro at ang kasal namin... Sa papel lang iyon.' 

Gustong tumawa ni Herien dahil sa katangahan nya. 

'Nagpa-uto ako. Minahal ko ang taong niloloko ako.' 

"So bukod sa panloloko mo sakin... Minahal mo ba talaga ako?" Tanong ni Herien sa asawa habang nakatingin sa mga mata nito. 

'Mahal na mahal kita Herien.' Gustong sabihin yan ni Aniro pero walang lumalabas sa bibig nya. 

Napailing nalang si Herien at tinanggap ang pangyayare. 

'Hindi ka nya mahal Herien... Nagsinungaling lang sya sayo.' Dito nag-umpisang tumulo ang mga luha nya. Pinunasan ni Herien ang pisngi at tumayo ng maayos. 

"Nakakasuka ka Aniro. Ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang pandidiri sayo." 

"Herien." Humigpit ang kapit ni Aerin sa kapatid at parang ayaw itong pagalawin. Walang nagawa ang lalake dahil alam nyang sya ang may kasalanan ng lahat. 

"Hindi kita hihiwalayan... Pero lalayo ako dito. Lalayo ako sayo. Gawin mo ang gusto mo. Wala ka namang pakialam sakin. Sino ba naman ako? Parang sa aming dalawa... Ako ang kabit kahit kasal tayo." 

"Herien... Wag.." Umiling ang babae at mabilis na tumalikod sabay hinga ng malalim bago tuluyang lisanin ang makasalanang silid. 

'Ang tanga tanga mo Herien.' Gustong umiyak ni Herien pero pinigilan nya ang sarili nya.

'Akala ko kaya ko. Akala ko matatanggap ko. Pero ng marinig ko ang sinabi nyang mahal nya si Aerin ay parang nauntog ako sa sarili kong katangahan. Wala nang logic kung mag stay ako sa kanya kung hindi naman nya ako mahal. Niloloko ko lang ang sarili ko at ang ibang tao....'

'Aalis nalang ako.' 

Nang makalabas si Herien sa bahay ay naghihintay sa kanya ang driver na nakatambay sa loob ng sasakyan. Nagulat pa ito ng biglang bumukas ang pinto ng sasakyan at pumasok ang humahangos na amo.

Dominant ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon