"Oy bes!" sigaw ng bestfriend ko ng magkita kami sa Parke. Agad kaming nagyakapan.Ilang buwan din kasi kaming di nagkikita kaya naman ganon namin ka-miss ang isa't isa
"By the way, I want you to meet my Boyfriend, Zach. Babe, this is my bestfriend Faye" pagpapakilala nya. Pero infairness ang gwapo ng boyfriend nya ngayon, dati kasi mga mukhang dugong ang mga naging boyfriend nya.
"Hi" ani ni Zach sakin atsaka nakipagkamay. Ang gwapo talaga nya shet! Nginitian ko na lang sya."Alam mo ba bes? 3rd monthsarry namin ngayon kaya nga nandito kami para magbonding ganon"
Halata sa kilos at pananalita nya na masaya silang nagsasama. Nakikita ko sakanyng nga mata na happy sya sa kung anong meron sya ngayon. "Really? I'm happy for you"
Pagkatapos namin magkwentuhan sa mga bagay bagay ay nagpaalam na sila upang magbonding.
Nakangiti kong pinagmamasdan ang aking kaibigan na nakasukbit sa braso ng kanyang iniirog. May parte sakin na parang naiinggit.
Nasa tamang edad naman na ko para magjowa pero ni isa walang nagtatangkang manligaw sakin. Siguro panget ako? Pero sabi naman ni mama maganda ako? Teka? Maganda nga ba ko?
Haay! Malungkot akong umuwi saking apartment. Eto nanaman ako at parang nadedepress sa sobrang lungkot.
Dumagdag pa ang tahimik kong kwarto. Lahat ng kaibigan ko busy sa lovelife nila kaya naman nahihiya kong istorbohin sila.
Eh sabagay magdadrama lang naman ako sakanila, masasayang lang oras nila. Kinuha ko ang aking cellphone atsaka nagonline.
Mas lalo lang akong nalungkot dahil walang nagchachat sakin.
"Urgh! mabubulok na ko pati ba naman tong account ko?!" sigaw ko atsaka nagpagulong gulong sa higaan.
Nang mapagod ako ay tumigil ako atsaka nagonline ulit at nag scroll na lang ng nagscroll sa facebook at tamang share lang ng share sa facebook.
Hanggang sa nakaisip ako ng isang ideya. Dati ko ng tinry ang planong ito pero di epektib pero di naman siguro masama kung magtry ulit diba?
Gumawa ako ng bagong account sa facebook. Ngunit aalis na ko sa realworld, parang mas trip ko ulit sa RPW.
Pero imbis na babae ako sa RPW. I tried to pretend as a boy. Kumuha ako ng isang gwapong lalaki sa google atsaka naghanap ng kachat.
Puro babae ang nakakachat ko, at natutuwa ko dahil kinikilig din ako sa mga sinasabi nila sakin. Hindi naman sa tomboy ako o ano pero feeling ko mas gusto ko ng maging lalaki.
Hanggang sa dumating ang araw na may nagchat saking babae. Isa syang writer. Sobrang bait nya sakin. At tulad ng ginagawa ko sa mga nakakachat kong babae, pinakikilig ko din sila.
At effective naman ito kaya natuwa ako. Araw araw ko na syang kachat at halos pinagpuyatan ko sya hindi ko din alam kung bakit. napapansin ko sa sarili ko na parang di na ko nagoonline sa isa kong account sa RW.
At parang nagkakaroon na ko ng feelings sa babaeng ito. At natatakot ako dahil baka matuluyan ako na maging tomboy.
At ngayon ang 9th monthsarry namin, di ko alam sa sarili kung bakit ko sya niligawan bigla. Nagkaaminan kami na may feelings narin sya sakin. Natuwa ko dahil akala ko magiging onse sided love ang relasyon namin.
"Ahm babe?"
"Hmm bat babe?"
"Bukas na birthday ko.."
"Talaga? Advance Happy Birthday Babe! I love you babe"
"I love you too babe, thank you. Pwede ba kong humingi ng favor sayo babe?"
"Sure ano ba yon?"
"Free ka ba bukas? Pwede bang magkita tayo? please Babe? I want to see you"
Nagulantang ako sa message nyang yon. Natataranta ako. Kung makikipagkita ko sakanya, malalaman nyang babae ako at hindi lalaki! Baka layuan nya ko at ayokong mangyare yun.
Ilang oras kong pinag-isipan yun. Madaling araw na ngunit di parin ako nakakatulog.
"Kung totoo nya kong mahal, tatanggapin nya kung ano o sino ba talaga ko"Napangiti na lang ako atsaka natulog. Paggising ko ay agad akong naligo at inihanda ang sarili. Nireplyan ko sya.
"Sige babe, kita tayo sa Mall. 6pm. Hihintayin kita. I love you"
Pagsapit ng 6pm ay nagpunta na ko sa Mall at inintay sya sa loob. Puro couples ngayon dito kasi Araw ng mga puso ngayon. Habang nagiintay sa reply nya ay bumili muna ako ng pwedeng iregalo sakanya. Bumili na lang ako ng Panda dahil favorite nya ito.
"Babe nandito ako sa harap ng sinehan. I'll wait you here. I love you too"
At eto nanaman ang puso ko, ang lakas ng kabog. Nanlalamig ang kamay ko. Nangangatog ang tuhod ko dahil baka di nya ko tanggap.
Nang makarating ako sa harap ng sinehan ay agad ko syang hinanap. Maraming tao ang nakatayo rito.
"Babe asan ka na? Anong kulay ng suot mo?"
Tanong nya sakin. Agad naman akong sumagot"Naka pula ko babe may hawak na Panda"
Nagdadalawang isip pa ko kung isesend ko ba yun pero wala kobg nagawa kundi ang isend yun.
Ilang minuto pa ay may kumalabit sakin. kinabahan ako at di muna humarap. Natatakot ako shet! Ano ba kasi tong pinasok mo faye!
Pagharap ko ay nagulat ako sa taong nakangiti sakin. Isang lalaking gwapo, singkit ang mata, matangos ang ilong, matangkad at may kissable lips ang kumalabit sakin.
"B-bakit po?"
Anong problema nitng poging to? Pag ito di agad umalis sa harap ko jojowain ko na to!
"Babe" Nagulat ako sa sinabi nya.
"T-teka, sino po kayo?"
Bahagya itong natawa kaya naman naguluhan ako. Ang pogi nya tumawa shet. Naiinlab ako!
Lalong sumisingkit ang mata nya at halos walang makita"Babe, It's me. Your Girlfriend in RPW"
What The?!
"B-babe? Lalaki ka?!"
"Yeah. Nagulat nga din ako ng makitang babae ka."
"CRP ka!"
"Hahaha, you too."
Naiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit. Feeling ko ang swerte ko. "Oh babe? Why are you crying?" Ipinangtakip ko ang aking palad saking mukha. Ampanget ko umiyak!
"N-atatakot kasi ako *sob* akala ko babae ka din tulad ko tas baka m-magalit ka sakin kasi nagpanggap *sob* ako na babae"
Bigla nya kong niyakap kaya naman napasubsob ako sa dibdib nya. "Shhh. It's okay babe. Nagulat nga ko ng makitang babae ka eh kaya naman natuwa ko. Ang ganda mo pa"
"Ehhh..Babe naman eh!"
Enebe babe, kenekeleg kese eke!
"By the way, Happy birthday Babe. I love you"
"Thank You, I love you too"
Nagulat ako sa paghalik nya saking noo.
At ngayon, kasal na kami at masayang nagmamahalan. Masaya kami kasama ang dalawang anak namin. Hindi ko ineexpect na may magandang bunga ang kagaguhan ko.
———————————
Sorry for the Typos and Grammatical errors.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT COMPILATION
Short StoryONE SHOT STORIES THAT I MADE RANDOMLY. 🏆 MOST IMPRESSIVE RANKING #9 - Teen-humor #17 - Funnystory