ANG BABAE SA KANGKUNGAN

165 7 2
                                    

"Kuya! Kuya!" napabalikwas ako nang marinig ko boses ng kapatid ko na nagsisigaw sa labas.

Agad akong tumayo at kinuha yung itak na pinamana ni tatay sa akin.

"Bakit? Anong nangyayare dyan?!" sigaw ko at matapang na lumabas ng bahay. Ngunit wala kong nakitang ibang tao na balak kami sugudin.

"Kuya ginagawa mo?" takang tanong ng kapatid ko sa akin. "H-Ha? Wala nag pra-practice lang ako." ani ko atsaka itinago sa likod ko yung itak.

"Kuya may babae sa kangkungan." sabi nya kaya naman napatingin ako sa kangkungan namin. Nanlaki ang mata ko. Potek.

"Yung kangkong ko!" sigaw ko at dali dali akong lumapit sa kangkungan namin na natapakan at naipit na ng babae. Punyeta!

"Hoy babae!" galit na sigaw ko sa babae na inipit at tinapakan ang mga kangkong ko. "Hmm?" tanging sagot ng babae na lalong nagpainit ng ulo ko.  Tiningnan ko itsura nya. Nagahasa ba 'to?

Yung damit nya madumi na tapos yung palda nya wasak wasak na, mas mahaba yung isa tapos yung kalahati naman maigsi na.

Ano bang nangyare sa babaeng to? At paano sya napunta sa kangkungan ko?!

Sa tabi nya ay may hawak syang isang bote ng alak. Ang dungis dungis nya.

Kumuha ako ng isang timbang may tubig atsaka ibinuhos sakanya dahilan para mapabangon sya. 

"Kuya Mike, bat mo naman sya binuhusan?" tanong ng kapatid ko. "Para mahulasan sya, tingnan mo lasing yan atsaka nakakaperwisyo na sya. Tingnan mo yung kangkong ko!" sabi ko sakanya.

"Oh my gosh. Anlamig!" sigaw ng babae.

"Sino ka? Sino kayo ha?"

"Anong sino kami? Ikaw ang sino ka?" balik na tanong ko sa babae. Kababeng tao kung saan saan natutulog.

Hindi naman sya mukhang pulubi dahil maputi sya at mukhang alaga sa gluta.

"Nasan ako? Bakit nandito ako?" tanong nya. Aba samin pa nya tinanong eh sya nga yung pumasok dito tapos namerwisyo!

"Ate nandito po kayo sa bahay namin, bakit po kayo dito sa labas natulog?" Agad kong binatukan ang kapatid ko.

"Manahimik ka nga dyan. Bat sya matutulog sa loob e hindi nga natin sya kilala e. Atsaka namerwisyo na sya!" sabi ko sakanya habang naka pameywang.

"Pag pasensyahan nyo na po kuya Mike ko ha? Inipit nyo po kase yung kangkong nya e kaya ganyan sya." sabi nya sa babae.

Agad naman na tumayo ang babae atsaka pinagpagan ang damit nya. "Oops. Sorry."
"Tsk. Hindi mababalik ng sorry mo ang ginawa mo sa kangkong ko." kunot noo kong sabi sakanya.

"Ang mabuti pa ate maligo ka muna, pahihiramin ka namin ng damit." sabi ng kapatid ko.

"Aba aba aba! Hindi pwede!"

Nilakihan ako ng mata ng kapatid ko. Aba? Nakalimutan nya atang kuya nya ako? Ha! At ang lakas naman ng loob ng babaeng yon pumasok sa bahay namin?!

Kumuha na ako ng kangkong upang may makain kaming magkapatid. Wala kong paki kung maganda at sexy angbabaeng yon. Mas importante sa akin ang kangkong ko!

Nagluto na ako ng pagkain namin. Pagpasok ko sa kwarto nakita ko kung pano ginamot  ng kapatid ko ang sugat sa siko at tuhod ng babae.

Pati ba naman band aid namin ibibigay nya? Pinahiram na nga ng damit e.

Lumabas ang kapatid ko sa kwarto kaya naman kaming dalawa na lang ang natira sa loob ng kwarto.

"Tsk. Ibalik mo yung damit ah. Sa nanay ko pa yan!"

"Oo na, ibabalik ko gusto mo idowny ko pa e!" balik ngang sigaw sa akin. Aba kapal ng mukha neto.

"Dyan nagkatuluyan ang lolo't lola namin."

Sinamaan ko naman sya ng tingin. Bwisit talaga sa buhay ko tong batang to e. Kapatid ko ba talaga 'to? Ampon yata yan e.

"Di ko sya gusto 'no?"

"Wow para namang gusto kita?"

               *AFTER 4 YEARS*

"Mahal, anong ulam natin dyan? Gutom na ang tutoy!"

"Sandali lang Mahal, kukuha lang ako ng kangkong."

"Kangkong nanaman mahal?"

"E anong gusto mo? Ikaw kainin ko?"

"Mahal naman perentenge. Halika nga dito!"

"Bibigyan na natin ng kapatid si tutoy!"

Nang dahil sa kangkong nagkaron ako ng pamilya. Mahal na mahal ko ang babae sa kangkungan.

——————————

Sorry for the Typos and Grammatical errors.

ONE SHOT COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon