LAST WALK WITH YOU

179 7 0
                                    

( LISTEN TO 'ALAALA' BY MM MADRIGAL WHILE READING THIS STORY )

————————————

"Lab, samahan mo naman ako sa Mall? May bibilihin lang ako." aniya sabay halik sa noo ko.

Inaantok pa ko pero dahil si lab ang nag request eh why not? Ganon ko sya kamahal.
"Wait, liligo lang ako. Saglit lang ako." sabi ko sakanya atsaka naligo.

Nakaka good mood yung tipong gigisingin ka ng isang napaka gandang nilalang na mahal na mahal mo tapos hahalikan ka nya atsaka yayakapin. Pre, ang sarap sa feeling.

Napaka swerte ko sakanya. Sya yung tipo ng babae na simple lang. Lahat sakanya simple, you know what i mean?

She loves star gazing, eating street foods, and especially long walk with me. That's why I loved her. Hindi naman sya yung tipo kong babae pero nakaka inlove yung ganda nya.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay umalis na kami. Dala-dala ko ang isang maliit na kahon na kulay pula. Matagal ko na tong gustong ibigay sakanya. Ayoko na syang pakawalan pa.

"Lab, sukatin mo 'to dali. Bagy sayo yan." sabi nya sabay bigay sa akin nung polo. "Pero lab, ang dami ko pa namang damit —"

"E ano naman? Basta sukatin mo yan." sabi nya. Agad ko naman isinuot yon. "Okay lang ba 'to lab?"

"Ampogi talaga ng lab ko. Kamukha mo na si Daniel Padilla." sabi nya sa akin sabay yakap ng mahigpit sakin. Hinalikan ko sya sa noo. She's sweet.

Binili na namin yung mga kailangan naming bilihin. Naglibot-libot pa kami ng konti sa Mall. Ang Hyper nya ngayon, para syang bata. That time, she's so happy.

Nanood kami ng sine, nagtingin ng mga sapatos, nag arcade, nag grocery na din at kung ano ano pa. Sa tuwing ngingiti sya lalo akong naiinlove sakanya. Fuck.

Ginayuma nya ata ako at ang lakas ng tama ko sakanya. Habang papalabas na kami ng mall bigla kong naalala kung bakit ko sya sinamahan.

"Look, ang ganda ng mga stars no?"

Hindi namin namalayan na ginabi na pala kami dito sa loob ng Mall. Ilang oras na ba ang nakalipas? Wala naman akong ginawa kundi ang titigan ang mahal ko.

"Oo nga, napaka ganda." sabi ko habang naka tingin sakanya. Ayan nanaman yung ngiti nya na nakakafall. Hinawakan ko sya sa bewang atsaka niyaya sya maglakad-lakad.

Sa tulay ko gagawin ang dati ko pa dapat ginawa. "Lab?"   "Hmm?"

"I love you."

"I love love love love you too." sabi ko sakanya sabay halik. Nakatingin lang sya sa mga stars habang naglalakadkami. Bakit ganon?

Iba yung pakiramdam ko. Miss na miss ko sya. Gusto ko syang yakapin ng mahigpit. Gusto ko syang halikan ng matagal. Bakit ganon?

Feeling ko maiiwan ako mag-isa. Feeling ko iiwan nya ako. Feeling ko mawawala sya sa akin? Hindi ko alam kung bakit ganon kaya niyakap ko sya ng mahigpit.

Gusto ko iparamdam sakanya na mahal na mahal ko sya. Ayokong iwan nya ako. Sya lang yung taong minahal ko ng ganito.

Sya lang ang gusto kong maging bride at ihaharap sa altar at pangangakuan ng mga pangako na hinding hindi ko bibiguin.

Kumalas na ko sa pagkakayakap sakanya atsaka hinalikan sya. Wala akong pake kung may makakita samin dito. Basta ang alam ko, mahal na mahal ko sya.

Ninamnam ko ang bawat saglit na kasama ko sya ngayon. Luluhod na sana ako sa harap nga upang magpropose ngunit —

"Wait lang lab, dyan ka lang."

Sabi nya at tumawid sya sa kabila atsaka pumasok sa Goldilocks. Hayst. Si Lab talaga, kung kelan naman magpro-propose ako saka naman naisipang bumili.

Napangiti na lang ako sa kawalan. Konting sandali na lang, matatawag na kitang misis ko. Tinitigan ko yung hawak kong kahon na kinalalagyan ng singsing na ibibigay ko sakanya.

Itinago ko na ito sa aking bulsa ng makita kong palabas sya. May hawak syang isang kahon na naglalaman ng isang cake.

"Theo!" sigaw nya.

Kinawayan nya ko habang nakangiti. Sa mga oras na yun, bumagal ang pagikot ng mundo ko at sya lang ang tanging nakikita ko.

Tumawid na sya habang nakangiti sa akin at sa di inaasahang pangyayari —

*BEEEEEEEEEPPPP!*

Nanlambot ang mga tuhod ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong unang irereact ko.

Ngunit namalayan ko na lang ang sarili ko na tumatakbo papalapit sakanya. Puno ng dugo kanyang mukha. Naiyak na lang ako ng hawakan nya ang aking mukha atsaka ngumiti.

"L-lab..."

"Lab lumaban ka. Tulong! Tulungan nyo ko!Tumawag kayo ng ambulansya!"

"Lab kapit lang ha, wag kang bibitaw. Kumapit ka lang. Wag mo kong iiwan okay?" sabi ko sakanya habang hawak ko ang pisnge nya.

"M-mahal na mahal k-kita."

Kita ng dalawa kong mata kung paano sya bumitaw sa pagkakakapit nya sa kamay ko at ang huling ngiti nya sa akin.

Nang mga araw na 'yon hiniling ko na sana hindi ko na lang sya binitawan sa pagkakayakap ko para hindi ko nakita kung paano nawala sa akin ang taong mahal ko.

Tuluyan ng inagaw ng kalawakan ang mahal ko.

——————————

Sorry for the Typos and Grammatical errors.

ONE SHOT COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon