I'M CRAVING FOR CAKE :<
√ Posted.
Ilang minuto pa ay biglang may nag pop sa cellphone ko.
'Christian Lee commented on your post.'
Agad kong tinignan ito. Baka kase kung ano ano nanaman ang katarantaduhan na pinagco-comment ng lokong to eh.
Christian Lee: You want cake?
Agatha Villasor: Owo cyst. :<
Christian Lee: Bilihan kita you want?
Nagulat ako sa reply nya. Madalas kase mang prank tong si Christian kaya maman nagdalawang isip ako kung maniniwala ba ako sa sinabi ng lokong to.
Christian Lee: Kaso wala ko dyan eh. Nasa malayo ako remember? Pa LBC ko na lang ba? HAHAHA tsaka wala kong pera.
Biglang naginit ulo ko sakanya. Urgh sabi na eh! Bwisit talaga tong hayop na to eh. Paasa. Kala ko bibigyan nga ko ng cake. Hmp! In-angryhan ko na lang yung last reply nya at nagpost ng nagpost about sa cake. Siguro malapit na period ko kaya ko ganto. Im really craving for sweets. Ilang oras pa ang nagdaan at wala paring nagpapadala sakin ng cake or any sweets. Urgh hirap ng walang jowa cyst!
Gusto ko talaga si Christian ang pabilihin ko ng cake ko eh. Lahat kase hingin ko binibigay nya. He's my favorite boybestfriend ever! Nakakalungkot lang isipin na nabalewala na ako, naging istorbo na ko nung nagkajowa sya. Minsan lang tuloy kami magkasama, makagala, makapag nomas etc.
👧: Christiaaaaan!
👦: bat par?
👧: Im craving for cake! :<
👦: So?
👧: Bilihan mo kooo hihi.
👦: Hayst. Agatha, para kang bata. Alam mo namang nasa malayo ko eh.
👧: Oh yeah, I know. Lagi ka na lang nandyan sakanya, hindi na tayo nakakagala. Nabalewala na ko. Hayst.
👦: Im sorry Agatha.
👧: Nakakatampo ka na talaga, nung birthday ko di ka nakapunta tapos minsan na nga lang magrequest di pa pagbigyan. hayst
👦: Alam mo naman ang dahilan kaya di ako nakapunta diba?
👧: Oh yeah, You and Bea's Anniversarry. Tsk!
Masakit para sa akin na parang pabigat na ako sakanya. Nagbago ang lahat sa isang iglap at sa isang iglap nabalewala ako. Sabagay, girlbestfriend nya lang naman ako since birth.
Ilang araw din kaming di nagusap. And guess what? It's our Friendsarry but he's not here to celebrate with it. Nakakalungkot pero tatanggapin ko. Im just his bestfriend na laging pabigat sa buhay nya.Para hindi ako masyadong malungkot, I called my other friends to celebrate with. At the middle of the night I was dancing with my friends when Christian called me. I was a little bit drunk.
"Oh Christian?"
"Hey where are you right now?"
"Im in my condo. Why?"
"Do you still want cake?"
"Hmm. Yeah why? Don't tell me bibigyan mo ko ng —"
"Oh yes I am, you stupid. Wait for me there"
"Umuwi ka? Pero paano si —"
"Pagdating ko na kang sasabihin sayo."
"Wait. Prank to no?"
"No? I have something to tell you."
"Ano yun?"
"I want you to know that —"
Biglang namatay yung tawag. Oh anyare? Pabitin amputa. Akala ko di nya maaalala Friendsarry namin eh. Naiiyak tuloy ako. He's such a good friend. Ayaw ko man aminin pero sobra ko syang namiss. Sa sobra kong excited ay bumaba ako sa lobby at dun sya inintay. Ang tagal naman non? Prank nga siguro to!
"Agatha."
Nagtatakbo ako papunta sakanya. Ngiting ngiti sya sa akin.So weird. Nakatitig lang sya sa mga mata ko habang nakangiti. "Woy para kang timang —" bigla nya kong niyakap.
"Namiss kita. Sobra." Ako den cyst. huhu.
Kumalas na ko sa pagkakayakap atsaka kinuha yung dala nyang cake. Waaahh! "Arat na sa taas dali, nomas na tayo! Party Party Party!" Tumawa sya atsaka umakbay saken. Ang dami nyang kwento habang papunta kami sa elevator. Sumakay na kami sa elevator. "Ay oo nga pala diba may sasabihin ka? Ano ba yun?"
humarap sya sa akin. "May dumi ba ko sa mukha?""You're beautiful." Agad na naginit pisnge ko kaya napaiwas ako ng tingin. " "A-ano ka ba. Wala kong lima!"
*Kring*
Tiningnan ko kung sino yung tumatawag. 'Christian' Kumunot noo ko. Tiningnan ko si Christian na nakatayo lang sa tabi ko ag iniintay na bumukas ang elevator. Baka naiwan nya cp nya? Sinagot ko ito.
"Hello?"
"Hello kaibigan po ba kayo ng may ari ng cellphone na to?"
"Ahm yes po bakit po?"
"Isa po akong pulis. Kailangan nyo pong pumunta dito sa St. Gloria Hospital. Naaksidente po ang kaibigan nyo."
"P-po? Katabi ko po sya ngayon. Wag nga po kayo magbiro ng ganyan? Gusto nyo po ba makausap?"
"A-ano? Pero patay na sya. Natagpuan namin syang dead on arrival ang may ari ng cellphone na to na kaibigan mo?"
Lalong kumunot noo ko. Iba't ibang emosyon ang bigla kong naramdaman. Galit,lungkot,pagkalito at higit sa lahat takot. Bumilis tibok ng puso ko. Mga kamay ko'y biglang nanlamig. Di ko alam kung ano ang gagawin. Bumukas na ang pinto. Sabay kaming lumabas. "Let's go?" nakangiti nyang sambit sa akin. Hindi ako kumibo,tumitig lang ako sakanya.
Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Bakit ba ako naiiyak? Ang bigat ng pakiramdam ko. Hinawakan nya kamay ko na kanina pang nanlalamig. "Halika na sabay na nating kainin tong cake mo." Natigilan sya ng hindi ako kumibo. Wala sa sarili ko syang niyakap. "A-Agatha..." Sa sobrang higpit ng yakap ko sakanya ay parang ilang taong kaming di nagkita.
"I-Im sorry.."
"I-I love you. I love you Agatha. I really do. But..
I didn't make it. I tried my best to come and celebrate our friendsarry pero mukhang ayaw tayong pagsamahin ng tadhana. Ayaw nya sakin Wag ka ng malungkot, binilihan na kita ng cake ko. Favorite mo to diba?" Pumatak na ang luha ko na kanina pang kumakawala."Shh. Dont cry.Sorry kung hindi ako nakapunta nung birthday mo atleast ngayon kasama kita, bago ako mawala." mula sa masayang tono ng boses nya ay naging malungkot at walang gana.
"No. Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Hindi ka mawawala! H-hindi ka mawawala diba? *sob* Hindi mo ko iiwan?"
"I'm so sorry. I love you. Happy Friendsarry my one and only bestfriend. I'll miss you." Muli nya kong niyakap ng mahigpit. Ngunit huli na. huli na ang lahat.
Kita ng dalawa kong mata kung paano sya maglaho mula sa pagkakayakap ko.
"No...N-No. Wag mo kong iwan Christian! No! Please! *sob* Please stay with me..."
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko na kumawala. Nanghina ako ng sobra. Nanghina ang tuhod ko at bumagsak ako sa sahig. Iyak ako ng iyak na parang bata.
No! No! This isn't happening. Kung panaginip lang to please gisingin nyo na ako!
——————————
Sorry for the Typos and Grammatical errors.
![](https://img.wattpad.com/cover/224384707-288-k940787.jpg)
BINABASA MO ANG
ONE SHOT COMPILATION
Short StoryONE SHOT STORIES THAT I MADE RANDOMLY. 🏆 MOST IMPRESSIVE RANKING #9 - Teen-humor #17 - Funnystory