——♡——
Chapter One
inuman
"Oh, ano na?" Agad na napasigaw si Layla. "Body shot, bilis!"Nagsisiinuman nanaman kami sa bahay ni Carson. Siya lang kasi yung may libo-libong koleksyon ng alak. Eh, ewan ko diyan. Palainom 'yun eh.
"Ayoko na! Lalakad pa ako pauwi." Talo naman ni Jas.
"Tanga ka ba? Nasa tapat lang ng bahay ko 'yung bahay mo."
Sumimangot si Jas dahil hindi naman 'yun mahilig uminom. Lumapit siya kay Lucas, pero biglang nahulog sa sahig. Nag pass-out nanaman.
"Wag niyo na kasi pilitin." Sabi ko sa kanila. "Nawala na tuloy ng malay!"
Binuhat kaagad ni Lucas si Jas at nilapag sa couch. "I'll bring her home."
"Putangina, simp!" Sigaw naman ni Carson habang paugoy-ugoy.
9:30 pm pa lang, ha! Ba't ang lalasing na nila? "Nakaka bad mood naman, guys!" Sabi ko habang tumatawa ng slight. "Ang aga aga tas lasing na kayo!"
Isa nanamang failed drinking night, and it looks like the rest of us will be leaving earlier than expected. Napabuntong-hininga ako sa pagkabigo. Never talaga kami makakaabot ng 10 pm sa inuman.
Uminom ako ng last shot for the night. Hennessy kasi 'yung alcohol. Lakas ng tama.
"Sige na nga, uuwi na nga ako!" Sabi ni Carson. "Hina niyo uminom eh!" Halatang sabik na sabik nang i-cancel yung drinking party.
"Sige, 'tol. Ingats." Biro naman ni Lucas. Hindi naman din pala-inom si Lucas kaya 'di naman siya mukhang lasing. "Ikaw, Benj? Alis ka na ba?"
Napatingin ako kay Benj na walang sinabi ng buong gabi. Umiling lang siya. "Pagkatapos nito." Sabi niya, habang uminom ng isa pang shot.
Buti nalang at naka tatlo lang ako. 'Di ko naman balak maging wasted ngayong gabi. Syempre, kailangan ko pang mag-review buong araw bukas kaya ayokong magka-hangover.
"'Kay, fine. Lame party." Sabi ni Layla at umalis sa bahay. Marami-rami siyang ininom kaya 'di ko sure kung makakaabot siya ng bahay, pero naglalakad naman siya ng maayos.
"Sige, guys. Tulungan ko na si Carson maglinis dito. Umuwi na muna kayo." Giit ko sa kanila. Halatang pagod na rin naman sila kasi Friday ngayon, nagklase pa kami kanina.
"Tulungan na kita diyan." Tumayo si Lucas at tumingin saakin.
"Hindi, okay lang! Iuwi mo nalang 'yang si Jasmine."
Halatang hindi alam ni Lucas kung anong susunod niyang sasabihin. Napatingin nalang siya kay Benj na umiinom pa rin. "Benj? Ano na, orb?"
"Tulungan ko na rin si Carson." Sagot niya at tumayo. Kinuha niya 'yung mga bote sa lamesa at sinarado 'yung top. Ako naman ay nagkolekta ng mga used plastic cups at tinapon iyon.
Natapos naman kami ng mabilis. Dahil masungit 'tong si Benj, 'di ko na siya kinausap. Instead, kinausap ko si Carson.
"Ano, kailangan mo pa bang idala kita sa kwarto mo?" Tanong ko sakanya habang nakapatong 'yung mga kamay ko sa bewang.
"Urghhh.." Sagot lang niya. Ang tanga tanga naman! 'Bat parang nagiging ate ako ni Carson? Bad trip naman.
Sinubukan ko siyang isuporta habang hawak-hawak ko ang waist ni Carson. "Tara na, sa kwarto mo."
"Let me." Sabi ni Benj galing sa likod ko. Napatingin tuloy ako sa kanya nang nalilito. Kinuha naman niya si Carson saakin at nagsimulang maglakad pataas ng hagdanan. Lumingon siya saakin at sinabi, "Go home."
Bigla nalang ako napatakbo sa labas. Nakaka-intimidate naman kasi 'tong si Benj. Yeah, alam ko matalino siya and all, pero medyo naiinis ako sakanya kasi ang dami niyang alam 'tas ang hilig niya magpa-cool.
Nakarating ako sa bahay ng 10 pm at nakasalubog ko si nanay.
"Ano, nagwalwal ka nanaman?" She scolded. Napatawa nalang ako.
"Uminom with the gang, ma. Pero alam mo naman ako, manang mana sayo. I'm never drunk!" Sabi ko, with a tone of victory.
Hinayaan nalang ako ni Mama at umakyat ako ng mabilis papuntang kwarto ko. Nag-scroll pa ako sa social media accounts ko kasi 'di pa rin ako inaantok.
Pagkalipas ng thirty minutes, natulog ako.

BINABASA MO ANG
Intimidation
RomanceSalacia Cruz never liked her neighbor, Benjamin Blanche. He was quite stubborn, a know-it-all, and certainly unapproachable. Well, to her, at least. She never wished to be associated with him, until she needed someone to interview for one of her pro...