——♡——
Chapter Seven
hangoverGumising ako nang sumasakit ang aking ulo. "Ugh."
Tinignan ko ang aking paligid at nasa kuwarto na ako. Wala akong naaalala..
Tumayo ako mula sa higaan at naglakad pababa. Medyo nahihilo pa rin ako kaya mabagal lang ako naglakad.
"Miss Cruz! May almusal na po sa baba." Sabi ni Yaya Jude na nakasalubong ko pagbaba ng hagdanan.
"Ah, salamat." Pababa na sana ako nung naalala ko. "Oo nga pala, Yaya Jude. Paano po ako nakauwi?"
"Inuwi ka ng jowa mo, iha."
"Jowa?" Tinignan ko siya at sumimangot.
"Opo, eh sobrang lasing mo po kagabi. Okay ka lang po ba ngayon? Kailangan mo po ba ng gamot?"
Ngumisi ako. "Hindi, okay lang po ako."
Patuloy akong naglakad pababa at umupo sa lamesa. I started putting food on my plate nung pumasok si Mama sa eksena.
"Naginuman ka nanaman?" Tanong niya. Napabuntong-hininga siya at umupo sa harapan ko. She started eating as well. "Baka mamaya ay puro ka party-party tapos mababa ang grades mo."
"Hindi naman po, ma." I assured her. "I pass all my requirements on time."
"Eh pano ka maninigurado na mataas 'yung marka ng mga pinapasa mong projects?"
"You can check my room for the papers if you want." I replied directly. I had no time to handle these kinds of sermons for today, and I'm definitely not in the mood. Hangovers suck.
After eating, I wiped my lips with a napkin. My mother stared at me with her arms folded. She looked angry. "What plans do you have for today?"
"Uh.." Nagsimula akong magisip. Parang wala naman kasi, eh. "I don't know. Mall? Hang out with Jas and Layla?"
"Wala kang pupuntahan ngayong araw."
"Why, ma?"
"Wala lang."
Kumunot ang noo ko. Ano namaman 'yung trip ni Mama?
Pagkatapos kong kumain ay umakyat ako kaagad sa aking kwarto. Ayokong tumagal sa hapag-kainan kasi baka magsalita pa si mama.
I opened my phone and scrolled through my messages. It takes a few minutes later until a new message pops up. It was from Carson.
mangcarson: anyone g to hang 2day?
Sa Instagram kasi kami nagme-message dahil marami saamin ay naka-android. Hindi lahat kami may IMessage.
laylagutierrez: where
mangcarson: my place duh unless gusto nyo sa bahay nyo
jastorres: ok if the rest will go
Papayagan ba ako ni mama na lumabas? I mean, malapit lang naman ang bahay ni Carson dito. Paano kung tumakas nalang ako? Hehe.

BINABASA MO ANG
Intimidation
RomanceSalacia Cruz never liked her neighbor, Benjamin Blanche. He was quite stubborn, a know-it-all, and certainly unapproachable. Well, to her, at least. She never wished to be associated with him, until she needed someone to interview for one of her pro...