two

30 16 30
                                    


——♡——
Chapter Two
project

"Tara na." Sabi ni Carson saakin habang nagbabasa ng libro.

  We go to school together. Kahit iba 'yung course namin, we always like to stick together when going to school and home.

  Culinary arts kasi 'yung course na pinili ni  Carson, habang course ko naman 'yung occupational therapy. Parehas kaming galing UST while the others are from other universities, kaya 'di ko sila kasabay pagpunta sa school.

  Kinuha ni Carson 'yung keys galing sa pocket niya and started the car. Umupo naman ako sa shotgun seat habang nakatitig sa kapaligiran. Ang linis naman ng village namin.

  "Do you wanna stop by starbs?" Sabi niya. "Tutal, marami pa tayong time."

  "Starbs?" Tanong ko naman. "May natunan ka nanamang kakaiba kay Layla, noh?"

  Tumawa si Carson at nagsimulang magmaneho. "Okay, starbs it is. Libre ko kasi good mood ako ngayon."

  Nag drive-thru kami sa Starbucks. Nag-order ako ng iced cappuccino pampagising, tas nag-order naman si Carson ng frappuccino.

  He stopped by my building kaya nagpaalam ako at lumabas ng kotse nang bitbit 'yung inumin ko at ang bag ko.

  Nagsimula ng maaga 'yung lecture kasi lagi namang may gana magturo si prof pag Lunes. Every Monday kasi ay nagbibigay siya ng panibagong performance task.

  "Okay, class. Medyo iba ang peta na ipapagawa ko sa inyo." Sabi niya habang nakatutok sakanya ang lahat ng estudyante. "Since, yun nga, you are here to study as occupational therapists, it is inevitable to talk to strangers with personal issues."

  Mukhang hindi na report 'yung ipapagawa ni prof. Or mahabang essay.

  "Since we are all about communication, your performance task for the week is to talk and interview someone you know that has personal issues. It can be small issues or big issues, it doesn't matter. Basta, you are to document these issues into a three-paged essay and submit it to me by Friday."

  Okay, so essay nga 'yung ipinapagawa ni prof.

  Napaisip tuloy ako, may kakilala ba akong may personal na problema sa buhay? Mukhang wala naman, eh. Lahat ng tao sa buhay ko ay, seemingly masaya naman at walang problema. Namoblema tuloy ako, san ako maghahanap ng taong pwedeng i-interview?

  Tinanong ni prof kung mayroong kaming mga tanong.

  "Prof, may we interview a family member?"

  "It can be a family member, a neighbor, your best friend, kahit sino. Basta hindi mo kaklase. Bonus points kung hindi taga-UST. Be familiar with other people" Sabi naman niya.

  Neighbor.

  Nagisip ako ng mabuti kung mayroong ma-issue sa friend group naming magkakapitbahay. Mukhang wala naman.

  Mabuti namang tao si Jas. Lagi naman siya sinusupport ng mga parents niya at mukhang lagi naman siyang pinapansin ng crush niyang si Lucas.

  Spoiled naman 'tong si Layla. May pa-vlog vlog pa siyang nalalaman, eh. Mukhang masaya naman siya recently kasi lagi nalang siya tumatawa sa corny na jokes ni Carson kahit dati sobrang naccornyhan siya sa mga jokes niya.

IntimidationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon