three

28 14 43
                                    


——♡——
Chapter Three
interview

Fuck it. Tatawagin ko nalang siya. Para sa project lang naman 'to. Walang issue dun.

  Kinuha ko 'yung phone ko mula sa lamesa at hinanap ang pangalan ni Benj sa contacts ko. Nung nahanap ko na, tinitigan ko ang 'call' sign.

  "The fuck, bakit ako nanenerbyous?" Tanong ko sa sarili ko. Matapang ako. Wag kang maintimidate kay Benj. Tao lang siya.

  I pressed the call button at tinignan ang phone ko habang nagrring.

  "Why?" Agad niyang sinabi. Mababa ang kanyang tono at mukhang wala sa mood.

  "Sorry, am I interrupting?" Tanong ko.

  "State your business."

  Tangina. Ang sungit talaga kahit kailan. Kaya ko siya least favorite sa friend group namin, eh.

  "Would you mind participating in my project?" I asked him sternly. Ayoko magmukhang natatakot ako sakanya.

  Hindi siya nagreply. Dead silence, ampota.

  "Hello?"

  "Come to my house." Sabi niya, at inend yung call.

  Hayuf talaga. 7 pm na, oh!

  Well, siguro mas maganda kung tatapusin ko na 'to ng maaga. Hindi pa nga ako nakakaisip ng interview questions, eh. Bahala na. Magaling naman ako diyan.

  Malapit lang naman ang bahay ni Benj. Nakatira kami sa Filinvest 2 kaya malaki 'yung mga bahay sa paligid. Maligtas din 'yung village.

  Nagsuot ako ng oversized na H&M hoodie atsaka cycling shorts na maiksi. Okay na siguro 'to. Pang sports wear 'yung cycling shorts pero anong pakialam nila?

  Naglakad ako papuntang bahay ni Benj. It was a two minute walk. Nakatayo ako sa harap ng gate nila.

  "Ah, Miss Cruz. Bakit po kayo napadaan dito?" Sabi ng guard nila.

  "I-iinterview lang po si Benj para sa project ko."

  May tiwala naman saakin si manong guard kasi ilang taon na siyang nagtatrabaho dito. He let me in the gate at kumatok ako sa front door nila. Binuksan kaagad nito ni Benj. He urged me to come inside, which I did, habang dala-dala 'yung mga essentials: notebook, pen, phone.

  Nakasuot lang siya ng plain white t-shirt at Nike shorts. I sat on his couch and looked around.

  Tumabi saakin 'yung cute niyang golden retriever. Naalala ko 'yung pangalan. "Hunter!" I started to pet him.

  Iilang beses lang ako nakapunta sa bahay ni Benj. For one, hindi siya nagpapapasok ng mga tao sa bahay niya basta-basta lang. Secondly, criminal lawyers 'yung mga magulang niya kaya medyo risky pag wala silang security. Balita ko ay laging nakakatanggap ng death threats and shit yung mga criminal lawyers.

  Nakatayo lang siya sa harapan ko, hindi lang man umuupo sa sarili niyang couch. Naka-fold 'yung arms niya at nakatitig lang saakin.

IntimidationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon