four

33 14 22
                                    

——♡——
Chapter Four
car ride

Pumasok agad ako sa kotse niya. Sa likod ako pumwesto. Ang awkward kasi kung katabi ko siya.

  Tinignan ako ng masama ni Benj. Ano nanamang issue nito?

  "Taxi driver ba ako?" Tinanong niya. My cheeks grew flustered and so I sat on the shotgun seat instead.

  The ride was silent and incredibly awkward. Nakatulala lang ako sa labas habang gumagabi na. Kamusta na kaya si Layla?

  "Seatbelt." Sabi ni Benj.

  "Huh? Oh– right." Agad kong nilagay 'yung seatbelt.

  "Does Carson usually drive you home?" He asks.

  "Yeah.. pati papuntang school."

  "Why?"

  Naguluhan ako sa tanong niya. Hindi ba niya alam na parehas kami ng university? "We both go to UST."

  "And then you guys eat outside after classes everyday?" Follow-up question niya.

  I nodded instead of responded. "Ikaw? Bakit ka napapunta sa restaurant kanina?"

  "I go there every once in a while." Sagot niya naman. To be honest, I've never conversed with him for this long.

  "Isn't it your tito's restaurant? Why'd you have to pay the bills?"

  "Hindi ibig sabihin na family member ko siya, exempted na akong magbayad sa mga products and services niya."

  Napatahimik nalang ako nun. Wala namang masyadong pwedeng pag-usapan, eh. So, natulog ako.

..

  "Salacia." A voice called out. Agad akong nagising at tinignan ang paligid ko. Okay, nasa kotse pa kami. Tumingin ako sa labas ng bintana.. ang dilim.

  I looked at Benj who was beside me. "We're here?" Then, I adverted my eyes outside the window and to my house. The lights were off.

  "Is there anyone inside?" Tanong niya. Nagtaka naman ako.

  "Hold on." Sabi ko at lumabas ng kotse. Kumatok ako sa wooden gate at sinilip 'yung sa loob. Sobrang dilim ng bahay. May tao ba?

  Agad kong kinuha ang cellphone ko at dinial ang number ng kasambahay namin. "Ate? Bakit wala pong tao sa bahay?"

  "Ha?" Sagot niya mula sa kabilang linya. "Hindi po ba sinabi sa inyo ng nanay mo, Miss Cruz? Pinabakasyon po muna kami ni Ma'am."

  "Huh? Bakit daw?" Tanong ko. Kinakabahan ako ngayon. I looked back at Benj na nasa loob ng kotse, nakatingin saakin.

  "Eh, miss, 'yun nga eh.. bigla nalang ni ma'am sinabi saamin. Wala po ba kayong susi?"

  Bumilis ang tibok ng puso ko. "Sige, sige. Salamat nalang." Sabi ko at inend 'yung call. I immediately dialled my mother's number.

  She picked up. "Oh?"

  "Ma!" Iyak ko. "Bakit po walang tao sa bahay?"

IntimidationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon