eight

27 11 13
                                    

——♡——
Chapter Eight
caesar

Mabilis lumpias ang Linggo. Wala akong ginawa nun kasi nagsimba kami ni Mama. Religious <3 charr!

  "Okay, class. I have a new project to assign to all of you. This time, it's a continuation of your previous project last week." Sabi ni prof.

  Pinatong ko ang aking siko sa lamesa at nakinig ng mabuti.

  "As future occupational therapists, you must provide a solution to the interviewee that may help reduce or debar their issues. Please turn this into a report and submit it to me by Friday."

  Napabuntong-hininga ako. Medyo vague 'yung pag-explain ni prof sa project, pero sanay naman ako diyan. This means I'll have to talk to Benj again!

  Nagpatuloy na magturo si prof. Medical Foundation 'yung subject namin for the hour. Eh hindi naman ako gaanong interesado 'dun kaya nangopya nalang ako ng notes imbes na makinig.

  The the passed and I got ready for my break time. Lumabas kaming tatlo nina Coleen at Janine para kumain sa canteen.

  "Kastress si Prof Martin, girls! Pinahiya niya ako sa harap kanina nung wala akong masagot sa tanong niya." Paghiyaw ni Janine. "Kasi naman wala namang silbe 'yung mga tinuturo nun. Feeling special ka ghorl?"

  "Mag-aral ka kasi. Landi landi ka pa diyan!" Pangasari ni Coleen. Totoo naman talaga eh.
 
  "Oo nga pala, bakit 'di ko kayo nakita sa party ni Tiff?" Tanong ni Janine.

  Oo nga! Nakalimutan ko na pumunta rin sila doon!

  "Pumunta ako ng maaga pero umuwi din ako ng maaga." Sagot ko.

  "Actually," Sabi ni Coleen, "nakita ko si Salacia na may kasamang lalaki. Naglalandian nga, eh."

  "Ooohhh." Ngumiti si Janine.

  "Huh? Sinong lalaki?"

  "I don't know! Pero mukhang nageenjoy kayo kaya 'di na kita pinuntahan. Nag-party nalang ako with my boyfriend."

  Baka si Benj 'yung nakita niya.

  Nakarating kami sa cafeteria at sinabihan ko sina Coleen at Janine na ako na ang maghahanap ng table. Sinabi ko sa kanila na mag-order sila ng tapsilog para sa'kin at nagpatuloy akong maghanap ng upuan para saaming tatlo.

  In the far corner, I could see an unoccupied table. I quickly speed-walked towards there at pinatong kaagad ang kamay ko sa lamesa.

  Ngumiti ako dahil walang nakaagaw.

  Uupo na sana ako pero... bakit may isa pang kamay na nakapatong sa lamesa?

  "Hoy! Ano nauna–" Sinabi ko at tinaas ang tingin ko. 

  "Oh. Salacia, right?" Tanong ng lalaki habang nakangiti. Si Caesar! Teka.. bakit siya nasa campus?

  "Oh, Caesar?!" Napasigaw ako. Tinignan tuloy ako ng masama ng mga ibang nakikikain sa canteen.

  Ngumisi siya at binaba ang kamay niya mula sa lamesa. "I'm surprised to find you here! Pero.. ba't hindi mo ako tinawagan? I gave you my number right?"

IntimidationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon