nine

17 10 32
                                    


——♡——
Chapter Nine
jealousy

Tumunog ang alarm clock at agad akong umahon mula sa kama.

  Tinignan ko ang oras. 6 am pa lang.

  Mabuti ay nakauwi ako ng maaga kahapon at nakatulog din ng maaga. Naalala ko tuloy ang nangyari kahapon nung sabay-sabay kaming kumain nina Carson at Layla.

  I did my best not to talk that much yesterday since na-aawkwardan ako dahil base kay Carson, nagseselos daw si Layla saakin. Like I said, wala akong pake kay Carson.

  Sabi naman ni Carson na 'wag mag-alala ng masyado.

  I scratched my head and turned on my phone. Nakalimutan 'kong i-text si Benj tungkol sa project! Dibale, kakausapin ko nalang mamaya.

  Pumunta ako sa contacts at hinanap ang profile ni Caesar. I then clicked on 'message' and started typing:

  "Hello!"

  Since masyadong maaga pa naman, pinatay ko muna ang cellphone ko kasi hindi ko inaasahan na mag-rereply siya.

  Naligo ako at kumain ng almusal tapos inayos ang mga gamit sa bag ko. Biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Carson.

  I cleared my throat before picking up. "Ano meron? Papunta na ako sa labas."


  "Salacia," Nagsimula siya.

  "Bakit? Did something bad happen?"

  Kinabahan ako dahil malungkot ang tunog ng boses niya.

  "Baka hindi na kita mahatid sa UST."

  "Huh?! Bakit?"

  My heart started beating fast. Wala kasi kaming driver, eh! Kaya paano na 'yun? Hindi naman ako pinapayagan ni mama mag-commute! 

  "Eh, kasi.." his apologetic voice began. "Nag-away ulit kami ni Layla kagabi. Ipinaparamdam niya saakin na nagseselos siya. I don't want you involved kaya–"

  "Hala!" My heart began pounding. "Kakausapin ko nga 'yang si Layla na 'yan! Kinakabahan ako 'dun kasi saakin pa siya naseselos?! I'll do what I can to save my friendship with her."

  "Talaga? I mean.. sobrang laking tulong 'yun! Paki explain nalang sakanya na 'di na dapat siyang magselos.."

  "Uh-huh. Try ko siyang kausapin pagkatapos ng classes ko."

  Ayokong magka-misunderstanding kami ni Layla. Syempre, best friend ko 'yun, eh! I don't want her to think na meron kaming something ni Carson.

  I guess normal lang naman 'yun na maramdaman ng babae. Ang pagseselos. Pero mabuti ay wala si Laylang ginagawang masama.

  Nagkaroon kami ng awkward silence.

  "Uhh.." Umungot si Carson. "Since wala ka namang driver.. kinausap ko si Benjamin, at–"

  "Huh? Benj?"

IntimidationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon