Chapter 6

446 30 5
                                    

Maaga akong nagising dahil mag g-grocery kami ngayon naligo na ako at nag ayos ng sarili bago lumabas ng kwarto.


Nag suot nalang ako ng simpleng white shorts katerno ng isang blouse na kulay maroon then white sneakers para komportable pamimili.



Pga labas ko ng kwarto ay ang tahimik pa ng paligid mukang tulog pa ang mga kasama ko. Yare may usapan pa naman kami na kada sunday ay walang gisingan kaya no choice ako kundi bumaba ako nalang siguro ang mamimili mag isa.


Malapit na ako sa baba ng makasalubong ko si Josh na may hawak na baso na may tubig mukang kakagising niya lang.


"pasabi nalang sa kanila pag nagising...ako nalang ang nag g-grocery" bilin ko kay Josh at nag tuloy na pag lalakad hanggang malampasan ko siya.


"wait.." napa tigil ako at napa tingala kay Josh "sasama ako" sabi niya kaya nagulat ako


"h-huh?" diba kahapon ayaw niya sumama?

"sabi ko sasama ako" pag uulit niya

"b-bakit?" naguguluhang tanong ko


"may bibilhin ako hintayin mo ko maliligo lang ako" sabi niya at tuloy tuloy na umakyat papunta sa kwarto niya


Naupo na muna ako sa may sala habang inaantay siya


Ano kayang nakain non at sasama sakin? nasaniban ba yon?  na possess? hayss ewan basta may bibilhin daw siya kaya siya sasama okay?


Para na akong baliw kaka usap ko sa sarili ko habang inaantay siya nagpa book na din ako ng grab para di hassle ang transpo.


Bumalik ako sa wisyo nung nasa harapan ko na pala si Josh naka suot siya ng white fitted pants tapos maroon na hoody then rubber shoes naka shades pa siya at mask na black.



Teka! para kaming nag usap sa suot namin pareho kami ng kulay! tapos muka siyang may tinataguan na krimen dahil sa shades at mask niya.



"bat ganyan ang suot mo?" tanong ko nangunot naman ang noo niya


"bakit?" tanong niya


"pareho tayo!" sagot ko napa tingin naman siya sa suot ko at tiningnan din niya ang kanya

"di ko napansin.." sagot niya


"saka bat muka kang holdaper?" tanong ko sabay turo sa muka niya


"kailangan ko yan dahil baka pagka guluhan ako sa labas" sagot niya


Sabagay sikat nga pala ang limang ito di malayong pagkaguluhan nga sila pag nakita sa labas.


"ano lalaitin mo nalang ba ang suot ko o mamimili na tayo?" naiinis na tanong ni Josh


"haha sabi ko nga tara na" lumabas na kami ng bahay at sakto pag labas namin ay nandon na yung sasakyan.



At sa sobrang gentleman niya! nauna pa sumakay ang loko kesa sakin! hiyang hiya ang pagka babae ko sa kanya ha!



Pag dating namin sa supermarket ay kumuha muna ako ng cart at ako ang nag tulak non habang si Josh ang nakuha ng mga inilista ko kahapon na bibilhin.

Baliktad na naman kami!!!


Nagpa ikot-ikot kami sa grocery, ng matapos kami pamimili ay pumila na kami sa may cashier medyo mahaba ang pila kasi sunday ngayon madaming namimili ng may narinig akong bulungan.


Living with the Five Idols (Idol Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon