Chapter 25

337 22 5
                                    

"gusto mo manood ng movie?"



"wag na baka mabinat ka pa" sagot ko sabay punas ng towel sa noo niya habang siya ayon naka ngiting parang bata.





"misis na misis ang misis ko ah" sabinniya sabay siksik sakin.



Teka ilang misis ba sinabi neto?


"mag pahinga ka na muna"



"gusto ko manood ng movie" nag pout pa siya bago magpa cute.



Akala mo cute ka?! tss kiss kita dyan eh hmp!



"eh baka kasi mabinat ka" umiling naman siya.



"hindi nga! ayos na ko magaling yung doctor ko eh!" pambobola niya sakin, may patusok-tusok pa sa bewang ko.


"oo na, oo na! basta ako ang pipili ng movie ah" tumango-tango siya habang naka ngiti sakin.

Lintik ang rupok ko sa part na yon ah!

Tunayo na ako at lumapit doon sa may TV niya and DVD para i-set up yon.



Oo, kabukod tanging siya lang ang may sariling tv sa kwarto. Si Jah ay may sariling computer sa habang si Ken at Stell wala. Si Sejun naman hindi ko alam, never ko pa napasok ang kwarto ng isang yon.


Matapos ko ayusin lahat ay namili na ako ng movie na papanoodin namin. Puro English movies yung nandon at karamihan eh horror. May nakita naman akong CD na mukang interesting. Itinaas ko yon at ipinakita kay Josh.


"Ito nalang panoodin natin ah!" naka ngiting sabi ko sa kanya pero biglang nanlaki ang mata niya.


"w-wag yan!!!" bigla nalang siyang tumayo at tumakbo papalapit sakin. Nang maka lapit siya ay pilit niyang inaagaw sakin yung cd.

"Hoy ano ba?!" pilit kong hinihigpitan ang hawak para hindi niya maagaw sakin.

"hindi pwede yan" alma niya.

"may narinig ako dati maganda daw 'tong Fifthy shades of Grey!"

Totoo yon, actually matagal ko na naririnig itong movie na 'to pero never ako nagka chance panoodin at kung kelang may chance na saka naman kokontra 'tong loko na 'to!


"eh basta ayoko niyan! iba nalang!" pero dahil mapilit ako syempre hindi ako mag papatalo.

"bakit nga kase?!"

"a-ano,, m-may,,patayan oo may patayan diyan!" mas lalo akong na excite sa sinabi niya.

"eh yun nga ang gusto ko eh! ito nalang kasi napaka kontrabida nito ih!" pag pupumilit ko.

Yung mukha ni Josh ngayon eh pulang pula. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa lagnat niya o kung ano.

"m-may ano kasi,, may,, may XXXXXX yan!" napa kunot naman ang noo ko sa kanya.

XXXXXX huh?



"Anong X? parang X-men?" pag tutukoy ko dun sa isang english movie.

"hindi!,, may b-bastos kasi d-dyan..." bigla nalang siyang umiwas ng tingin sakin.


Bigla namang nag process sa utak ko yung gusto niya sabihin kanina. Dahan dahan kong tiningnan yung CD na hawak ko, iniikot ko yon para makita ko yung naka lagay sa kabilang side.



Nanlaki ang mata ko ng may makita akong babae na naka kadena tapos...tapos...



"Wag na nga yan! iba nalang!" ibinato ko palayo yung CD at nilingon na ulit ako ni Josh.


Living with the Five Idols (Idol Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon