Chapter 35

358 19 10
                                    

*ding dong...ding dong...ding dong

Ano ba naman yon si Kim umalis tapos walang susi. Lumabas ako ng kwarto ko para buksan yung pinto. Panay parin ang door bell kaya sumigaw ako.

"teka lang!"


Naalala ko na hindi nga pala nakaka intindi si Kim ng tagalog at isa pa hindi rinig sa labas ang boses galing dito sa loob ng room namin.


Pag bukas ko ng pinto ay laking gulat ko kung sinong nandon.

"what the.. what are you doing here?!" inis na tanong ko kay Josh.



Ang lintik ngiti lang ang isinagot sakin. Pano kaya nalaman nito ang kung nasaan ako? May inilabas siyang boquet of flowers galing sa likod niya at ibinibigay sakin.

"Good morning misis ko" naka ngiting bati niya kaya mas lalo akong nainis.

"ano na naman 'to?"

"kung kailangang araw-araw kita ligawan gagawin ko bumalik ka lang sakin" seryosong aniya kaya napa tigil ako saglit.


"Hindi mangyayari yon kaya umalis ka na" kita ko ang pag babago ng reaksyon niya mukhang nalungkot pero binawi din niya agad yon.


Tinalikuran ko ma siya ay pumasok. Pero bago ko maisara ang pinto ay narinig ko ang sinabi niya.

"hindi ako titigil dahil mahal kita..."

Isinarado ko na ng tuluyan ang pinto. Napa sandal nalang ako doon at huminga ng malalim.

Wala lang yon Klite hindi ka magpapa apekto ng ganon lang. Hinding hindi na ulit ako magpapadala sa mga ganong galawan niya. Hindi na ulit.


Inabala ko ang sarili ko, nag linis ako ng kwarto, kusina at living room kahit pwede ko naman itong ipalinis sa house keepers ng hotel na ito.

Ilang oras lang ay narinig ko nang bumukas ang pinto, nandyan na si Kim. Pinag patuloy ko lang ang pag lilinis dito sa kitchen.

"hey I saw this outside I think this is for you" nilingon ko siya at nakita kong yu. yung dala ni Josh kanina na bulaklak.


"No...it's not for me just throw it" binuklat niya yung bulaklak at may kinuha siyang card.

"Good morning Klite I hope you have a good day I miss you.... Now I am sure that it's for you" binasa niya pa yung letter at tumingin sakin ng nakaka loko.

"tss just throw it away..." utos ko pero umiling siya sakin.


"if you don't want this then I will keep it I love flowers you know" inamoy niya pa yon at ngumiti.


"Do whatever you want" sagot ko at pinag patuloy ang ginagawa ko.


Sa mga sumunod na araw ay walang palya ang pag dadala ni Josh ng flowers kada umaga. Mukha nang flower shop itong room namin dahil ayaw itapon ni Kim yung mga bulaklak.

Papunta ako ngayon sa SRC studio dahil nag sisimula na kami mag sulat ng kanta para sa project namin. Syempre kasama ko yung lima.


Pag dating ko ay nandon na yung lima. Gusto kong maasar dahil sobrang ngiti ang ibinungad sakin ni Josh. Bwisit ka hindi mo ko madadaan sa pangiti-ngiti mo!


Binaliwala ko nalang yon at lumapit dun sa lima. Binati naman ako nung apat kaya binati ko din sila. Ayos na naman kami maliban nalang kay Josh.


Nag simula na kami pag susulat. Actually malapit na kami matapos, napadali kami pag gagawa dahil nagka sundo-sundo kami sa mga ideas. Sunod na nito ay papatungan namin ng tono at saka recording na kami.

Living with the Five Idols (Idol Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon