Chapter 26

371 25 9
                                    

Time flies so fast, at sa sobrang bilis hindi ko namalayan na 8 months na pala simula nung maging kami ni Josh.

With that 8 months lagi kaming magkasama. Mas nakilala ko siya and mas nakilala niya ko. Madalas parin kami mag talo, hindi na ata mawawala yun. Ang pinag kaiba lang ay sinusuyo na namin ang isa't isa pag alam namin kung sino yung may mali.

Yung apat naman ay ganon padin maliban sa isa. Lately napapansin kong laging unaalis ng bahay si Stell, madalas na hating gabi o madaling araw na siya umuuwi. Minsan pa nga eh umaga na.

Hindi ko alam kung ako lang ang nakaka pansin dahil mukang wala namang pumupuna.

"woy tulala ka na naman dyan! iniisip mo na naman ako no?"

"ang kapal ahh" tinawanan lang niya ako at pumunta sa may likuran ko para yakapin ako.

Nandito kasi ako ngayon sa kusina. Wala trip ko lang dito tumambay saka malapit na din kasi mag gabi so maya maya eh mag luluto na ng pang dinner namin.


"mag bihis ka...aalis tayo" malambing na sabi niya.

Ha? kami aalis? san naman kami pupunta eh wala. naman kaming pinag usapan ah. Mukang napansin niya ang pag tataka ko, he laugh and pinch the tip of my nose.

"date tayo, get up dali" napa ngiti naman ako sa sinabi niya.

"teka...pano yung dinner nung apat? este tatlo wala na naman si Stell eh" tanong ko.

"wag mo na intindihin yon marunong naman mag luto si Sejun.....kaya mag ayos ka na para maka alis na tayo"

"okay" sagot ko at nag lakad na papunta sa kwarto ko.

Naligo muna ako saglit. Ano kayang maisuot? Hindi ko naman kasi alam kung saan kami pupunta kaya di ko alam kung anong isusuot ko. Nauwi ako sa isang simpleng V-neck top na maroon, shorts na white, at sneakers na white.

Konting liptint lang naman ang inilagay ko sa labi ko dahil hindi naman ako sanay mag make up. Simpleng pony tail lang din ang ayos ng buhok ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Okay na 'to, siguro naman hindi formal yubg pupuntahan namin.


Kinuha ko yung shoulder bag ko dun sa may cabinet at saka ako lumabas. Pag bukas ko palang ng pinto ay bumungad agad sakin si Josh. Naka black lang siya na oversize shirt, shorts na white, at rubber shoes. Sa totoolang napaka simpleng damit lang ang suot niya ngayon pero bakit parang ang lakas ng dating sakin?

King pwede ko pang isigaw sa buong mundo na 'mainggit kayo boyfriend ko lang naman ang idol niyo!' pero hindi pwede. Napag usapan na kasi namin na wag nalang sabihin sa public na para iwas issue, alam niyo naman baka madaming mag luksa kapag nalaman nilang taken na si Josh Cullen Santos.




"stop starring at me" napa titig na pala ako sa kanya ng di ko namalayan.

"bakit? bawal na ba titigan ang boufriend ko na napaka gwapo?" naka ngiting tanong ko sa kanya.

Bigla nalang namula ang mukha niya at umiwas ng tingin. Hala! tama ba 'tong nakikita ko? Kinilig si Josh!!

"woy kinikilig ka ba?" tanong ko pero mas umiwas siya ng tingin sakin.

"ikaw ahh! uy kinikilig!" pang aasar ko sa kanya habang sinusundot ko ang bewang niya.

"h-hindi ah!" pag tanggi niya pero todo takip ng mukha.

"don't deny it! ayan oh parang apple ka na sa sobrang pula hahaha!" halata naman na nahihiya na siya at the same time napipikon, ang cute lang hahaha.


Living with the Five Idols (Idol Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon