Chapter 21

347 24 1
                                    


Kakagising ko lang, pag baba ko sa may sala ay wala pang gising kahit isa. Nag deretso na ako sa may kusina para mag luto.


Maipag luto si Josh nung parang Tapsilog. Naalala ko kasi kung gano siya ka ganado kumain non. Sana magustuhan niya.


After ko maihanda lahat ay isa-isa na ding nagsi baba yung lima. Expect ko na malaking ngiti ang isasalubong sakin ni Josh pero hindi. Blanko lang ang mukha niya, mi hindi ako tiningnan at nilampasan lang ako.


Problema non?


Binaliwala ko nalang dahil baka kakagising lang kaya ganon.


Umupo na ako dun sa upuan ko . Panay ang puna nila sa pagkain dahil masarap daw. Pero isa lang ang inaantay kong pumuri ng inihanda ko, pero hindi naman niya ginawa.


Tahimik lang siyang kumakain, parang may iniisip na ewan. Napa simangot nalang ako at patuloy na kumain.


Matapos namin kumain ay panay ang iwas sakin ni Josh. Kinakausap ko siya pero ang tipid niya sumagot matapos non ay aalis na.


Ano bang problema ng lalakinh yon? Wala naman akong maalalang ginawa kong mali nitong mga nakaraang araw. Tss topak!


Nakita ko si Josh na panay ang kalikot sa phone niya. Naka upo siya sa may living room. Lumapit ako sa kanya pero di manlang niya ko tinapunan ng tingin.


"pstt may problema ba?" tanong ko sa kanya.

Di manlang niya ako nilingon o sinagot manlang.


"alis muna ako" paalam niya at nag lakad ng mabilis papuntang pinto at lumabas.



"t-teka!" awat ko sa kanya pero mukhang wala siyang narinig o di niya lang talaga ako pinansin.


Narinig ko nalang ang tunog ng motor na papalayo. Hayss may problema ba?

Okay pa naman kami kahapon. Wala naman kaming pinag aawayan. Problema nung lakaking yon?


Naka simangot lang ako dito sa may living room. Naka upo sa may sofa habang nag iisip parin kung bakit ganon ang style ni Josh ngayon..


"Hoy po!" sabay kulbit sakin ni Jah. Pag lingon ko sa kanya ay ngiting ngiti siya.

Sarap pisilin ng mukha neto, ang cute.


"bakit naka simangot ka dyan?" tanong niya, naalala ko na naman tuloy si Josh.


"Si Josh hindi ako pinapansin at umalis pa" sagot ko. Kunwaring nag iisip pa siya.


"hala! baka naisip niya na hindi ka niya talaga gusto tapos nag hanap na ng iba!" napa tigil ako at napa isip sa sinabi ni Jah.


p-pano kung ganon nga?...



Bigla nalang nag tuluan ang luha ko. Di ko na napigilan kaya napa gmhagulgol na ko ng iyak.


"h-hala! bakit ka naiyak?! joke lang yon!" tarantang sabi ni Jah. Hindi niya malaman kung pano ako papatahanin.

"w-wag ka na umiyak! eto may joke ako...knock knock" napa tingin naman ako sa kanyan.

"w-who's there?"

"kulot!"

"kulot who?"

"kulit open! kulot open" parang bata pa siyang nag bukas sara ng dalawang kamay kasabay ng ulo niyang pagewang gewang.


Imbis na matawa ay lalo lang akong naiyak dahil sa joke niya. Mas nataranta pa siya kaya hindi na niya malaman ang gagawin.


Living with the Five Idols (Idol Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon