Chapter 40

325 17 1
                                    

Nang sabihin ng doctor na ayos naman daw si Monique ay umuwi agad ako ng bahay pero hindi ko siya naabutan.

Sumalubong naman sakin yung apat na mga bihis na bihis.

"san kayo pupunta?" tanong ko.

"bar, opening nung bar nung kaibigan ni Ken and invited tayo" sagot ni Sejun.


"come on join us" yakag ni Ken.

"kayo nalang I need to talk to Klite" sagot ko.

"let her rest Josh, kailangan din naman mag unwind ni Klite" napilitan nalang akong sumama sa kanila dahil sa sinabi ni Stell.


Ngayon nalang niya ulit ako inimikan.

Nag e-enjoy yung apat dito sa bar habang ako ay nag iisip parin kung bakit umiyak si Klite nung nasa restaurant. Kitang kita ko yung sakit sa mga mata niya nung tingnan ko siya noon.




Bigla nalang dumating si Monique. Kahit yung apat ay nagulat nang makita siya. Tumabi siya sakin at pilit akong kinukulit. Mesyo napipikon na ako pero pinipigilan ko.

"stop messing my life Monique please!" madiing pagkaka sabi ko pero hindi niya ako pinakinggan.


"in one condition baby"

"what?" inis na tanong ko.

"kiss me, just one kiss and I will never bother you anymore" naka ngising sabi niya.


"I will never do that" sabi ko.

"okay then, hmm ano kayang magandang gawin doon sa Klite ba ang pangalan non?" automatic na napa lingon ako sa kanya ng sabihin niya ang pangalan ni Klite.

Tiim bagang ko siyang tiningnan.

"don't you ever do anything to Klite!" hindi ko na napigilang pagtaasan siya ng boses.

"then kiss me" napilitan akong higitin ang mukha niya at halikan siya sa labi.

Hindi niya pwedeng magalaw si Klite! I will do anything just for Klite's sake.


"K-Klite!" dinig kong sabi ni Kah kaya napa bitaw agad ako kay Monique. Hinanap ng mata ko si Klite at nakita ko siyang naka tingin sakin.

Mabilis ko siyang nilapitan pero hindi siya gumagalaw at naka tingin lang siya sakin.


"K-Klite...l-let me explain" hahawakan ko sana ang kamay niya pero iniiwas niya yon.

Nagka sagutan kami pero wala akong masabing dahilan sa kanya, hindi ko siya mapaliwanagan ngayon. Lumaput siya kay Monique at bigla nalang niyang sinuntok sa mukha. Bumagsak si Monique pero hindi ko na siya nabigyan ng atensyon. Agad kong sinundan si Klite nang mag lakad na siya palabas pero hindi ko siya inabutan.


Dumeretso ako sa bahay pero nakita kong bitbit niya yung maleta niya. Aalis siya...hindi pwede!

"I'm done with this... I'm breaking up with you"

Pakiramdam ko ay binagsakan ako ng langit at lupa nang sabihin niya yon sakin. Hindi ako maka galaw, hindi ko siya magawang habulin. Parang tumigil ang mundo ko.

Wala na....ayaw na niya. Bumagsak ako paupo dito sa may hagdan dahil sa panlalambot. Iniwan na niya ko. Fuck iniwan na niya ko!


Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Hindi ko ugaling umiyak pero ngayon ay halos humagulgol ako sa pag iyak.


Living with the Five Idols (Idol Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon