Chapter 00: Introduction

141 10 0
                                    

Chapter 00: Introduction


Summer.

For some people, summer means vacation, hot weather, dry season, beaches, travels, rest, no school.... time when they can relax and do everything they want to do.

And I don't include myself in that "some people."

Summer's definition for me... is a season of punishment and therapy at the same time.

Punishment cause it tortures the hell out of me and therapy because it helps me cure the wound that keeps on bleeding which I had since then.

Malakas akong napabuntong-hininga nang marinig ang masamang balita mula mismo sa telebisyong nasa harap ko ngayon. Nagsasalita ang Governor ng probinsya namin, may mahalagang inaanunsyo.

Tahimik ding nanonood ang kapatid ko sa tabi ko samantalang panay naman ang pagsang-ayon ng ina namin sa kung anong sinasabi ng gobernador.

"Nako! Dapat lang talagang isailalim ang El Sapporo sa ECQ! Parami na nang parami ang may case ng Corona Virus! Mas mahirap kung magto-total lockdown!" sambit ni Mama na may pagtango pa habang titig na titig sa t.v.

Marami pang sinabing na mga paalala ang gobernador ngunit hindi ko na pinagtuunan pa ang karamihan doon ng pansin dahil mas nagkaroon ako ng concern sa petsang binanggit.

March 18.

Agad dumapo ang paningin ko sa kalendaryong nakasabit at tiningnan kung anong araw iyon. Miyerkules. Napailing na lang ako nang mapagtantong hindi ako matutuloy sa Abril na pumunta kina Lola sa karatig probinsya. Hindi papayagan ang paglabas-masok sa buong probinsya, maliban na lang kung may importanteng dahilan. Kailangan ding maglakad ng maraming papeles. Halimbawa na lang ang travel pass and etc.


Lukot ang mukhang napasandal ako sa sofa, nag-iisip ng paraan kung paano magagawa ang nakagawian ko tuwing summer. No one wanted this but this is the only solution for everyone's safety. Not a very ideal summer. But I guess, this summer will be the same for everyone.

Most of the people would just hang out inside their homes and waste time doing what they want. Habang iniisip na mabubulok ako sa bahay buong buwan, nanghihina na ako. Sanay naman akong dito lang sa loob ng bahay at hindi naman ako gala pero... iba ang summer ko kumpara sa iba.

I have to visit somewhere. Someone... expects me there.

"What if mag abs work out ako for the whole month? What do you think, Ate?"

Napabaling ako sa kapatid ko na ngayo'y panay ang pagtaas-baba ng dalawang kilay, matamis na nakangiti. Umirap na lang ako bago pasadahan ang kabuuan ng katawan niya. Magpapa-abs pa siya sa lagay na 'yan? Malapit nang maging kalansay sa kapayatan. Baka kapag naisipan niyang i-flex ang abs niya, ribcage niya ang mapansin ng mga tao.


"Buto na may konting abs," panunuya ni Mama bago marahang humalakhak. Sumama agad ang mukha ng kapatid ko at inilipat ang tingin sa nanay naming nakatayo pa rin ngayon sa gilid ng telebisyon.

"I'm serious, Ma." Lalong natawa si Mama dahil sa pagkukunwaring cold ng kapatid ko.

"You're getting weird, Seika. Stop with that kind of plan at ang planuhin mo ay kung paano ka magkakalaman," natatawang suhestiyon ni Mama. Hindi ko na rin napigilan mapangisi.

"You're also weird! We're all weird! And Ate is the weirdest! No doubt!" Natseika hissed, arms are crossed firmly.

"Yeah. Yeah. Whatever!" pagsuko ni Mama bago natatawang bumaling muli sa t.v.

The Summer We Never Had (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon