Chapter 06: Bridal Gown

50 5 2
                                    

Chapter 06: Bridal Gown

"Let's start the ceremony now."



Rinig na rinig ko ang palakpakan na dumagundong sa loob ng lugar na kinasasadlakan ko ngayon. Hindi ko malaman kung nasaan ako sapagkat tanging liwanag lang ang bumabalot sa kapaligiran.



Abot-abot ang tahip ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Ramdam ko rin ang sunod-sunod na patak ng mga butil ng malamig pawis sa buong katawan ko. Nais kong takpan ang tainga ko, naririndi sa nanunuot na palakpakan ng mga kung sino.



Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita. May kung anong nagtutulak sa'kin na magpumigilas kahit wala namang nagkukulong sa'kin. Parang gusto kong maglaho na lang. Hindi ko na alam.



Hindi ko na nasundan pa ang mga pangyayari. Tila pumikit lang ako ay nagbago na ang lahat. Huminto na ang palakpakan. Wala ng pumipigil pa sa aking gumalaw. At higit sa lahat, nakikita ko na kung nasaan ako.



Sa harap ng Altar, sa tapat ng isang pari, pinagmasdan ko ang kabuuan ng lugar maging ang sarili ko. Nakita ko ang mga bisita sa kani-kanilang upuan. Kung gaano kaganda tingnan ang kanilang mga pormal na kasuotan, kabaligtaran naman noon ang kanilang mga mukha. Wala silang mga mukha.




Nagsitindigan ang mga balahibo ko. Hindi ko magawang sumigaw sa kilabot na nararamdaman. Ibinalik ko ang tingin sa paring nakatayo sa harapan ko. Mabait ang kaniyang hitsura pero hindi makaliligtas sa aking paningin ang nakakatakot niyang ngiti.



I swallowed hard, unable to breathe normally when I finally realized where I am. I am in the church, full of people wearing formal tuxedos and gowns. I am here in front of the priest, wearing a long beautiful white gown, because I am the bride. This is my wedding.



I roamed my eyes around one more time to look for my groom. Who the hell is my groom? And where is he? What kind of dream is this?! Is this a dreamcatcher-made dream again? Cause if not, I won't be like this. I feel like I'm a hundred percent aware. But... why? I mean, it's not the same with my previous dreams. I was always in Del Kyushu Forest, waiting for Asahi.



But why am I here now? What exactly is happening?!




Amidst my confusing and scary thoughts, my ears hurt when the bell rang inside the church. The visitors stood up, started to clap again. When the ringing stopped, the double doors of the church opened and it revealed a man in a white tux.



I narrowed my eyes to get my sight clearer of him. He began to walk slowly as a love song played, getting along with the rhythm. I don't know what to feel. I am marrying a stranger?! Really?



At parang baliktad? Why am I the one who's waiting for the groom? I supposed to be the one walking in the aisle! But the hell! That shouldn't be my concern for now!



My eyes widened when I saw who my groom was. He stretched his arm to hold my arm and gave it a tight grip. I feel like his fingers will leave a mark if he let go of it. He's like iron-handed.



Pinilit niya akong pinalingon sa harap ng pari gamit ang paghawak niya nang mahigpit sa braso ko. Kanina ko pa siya pinagmamasdan hanggang sa makarating siya sa tabi ko ngunit kahit isang tingin ay hindi niya ako magawang tapunan. Naninigas din ang kaniyang panga, tila galit sa mismong araw ng kasal niya. Kasal namin.




Napalunok akong muli nang magsalita na naman ang pari. Ang dami niyang sinasabi na hindi ko maintindihan. Walang pumapasok na matino sa isip ko kung hindi ang pagtatakha kung bakit kailangang may kasalang maganap. Kung bakit galit siya. Kung bakit nangyayari 'to.



The Summer We Never Had (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon