Nagising ako sa isa boses na naririnig ko.
"Ma'am, pasensya na pero mahigpit kang ibinilin ni ser sa amin. Gising ka raw po namin pag patak ng alas-otso ng umaga." Sambit ng nakayukong babaeng naka maid outfit.
Wow? So totoo ngang may maid dito. Agad akong tumayo at liligpitin na sana ang pinaghigaan ko ng pigilan ako nito.
"Ma'am, gawain po namin ang iyong pinaplanong gawin. Kung iyong mamarapati'y kami na po sana ang maglilinis niyan at maaari ka na pong pumunta sa hapagkainan. Kanina pa po nag-aantay ang iyong pagkain." Saad nito habang patuloy lang sa pagyuko.
Napatango naman ako "O-kay." Sabi ko saka inayos ang sarili bago lumabas sa kwarto.
Dali-dali akong naglakad patungo sa hapagkainan, tila nakaramdam ng biglang pagkagutom ng maamoy ang masasarap na pagkain.
Napalaki ang mata ko ng makita ang tatlong maids na inilalapag ang sandamakmak na pagkain sa mesa.
"Anong okasyon?" tanong ko sa isang maids habang iniisa isa ng tingin ang mga pagkaing nasa hapag. Iba iba ito at sosyal, tila nasa isa kang fiesta o buffet resto dahil sa dami nito.
"May bisita ba si--" Napatigil ako nang napagtantong hindi ko pa nga pala alam ang pangalan niya. "Si ano.." Saad ko habang kinakagat ang pang ibabang parte ng aking labi.
Tinignan ko ang maids at nagaabang ito sa aking sasabihin kaya napangisi ako. "Si ser niyo hehe." tumawa naman ako at nakita silang tumango.
"Hindi po tumatanggap ng bisita si Senyorito kapag umaga na, Senyorita." Pormal na sabi nito saka yumuko.
Ang hilig nilang yumuko parang royal maids ang peg.
"Eh bakit ang daming pagkain?" Tanong ko saka naglakad patungo sa isang upuan sa hapag.
Inisa-isa ko muling tignan ang mga pagkain. I never been picky to any food kaya kahit puno ang mesa ng sari saring pagkain ay kaya kotong tikman. Tikman lang kasi naman long table ang mesa rito kaya di ko kayang ubusin.
"Para po iyan sa iyo, Senyorita. Bilin ni Senyorito na paghandaan ka ng maraming pagkain ngayon at hindi ka masyadong nakakain kagabi." Saad muli ng isang maid habang nakayuko.
"Ang OA." bulong ko saka umupo sa upuan. "Ay teka, nasaan nga pala ang senyorito niyo?" tanong ko sa kanila. Wala kasi siya e inaasahan ko pa namang nandito siya dahil sabi nong isang katulong nagaantay na ang pagkain ko.
Syempre sasabay siyang kakain! Ang utak ko iniisip na siya ang pagkain ko, jusmiyo!
Tumango ako bilang tugon sa kanya at nagsimulang kumain.Nang matapos akong kumain ay bumalik ako sa aking silid at nagpasyang matulog na lamang.
Nagising ako ng bandang alas nuebe ng gabi dahil sa ingay na nagmula sa itaas.
Mabilis akong bumangon nang maalala ang sabi ng isang katulong.
"Kagabi pa po sya umalis, Senyorita. Maaaring mamayang gabi rin ang balik nito." napangisi ako sa di malamang dahilan at agad na lumabas sa silid. Dali dali akong tumakbo paakyat ng may mahagip ang mata ko sa hapagkainan.
Madilim iyon pero nakita kong may gumalaw. Napalunok ako. Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Senyorito, maraming multo rito at wag na wag akong aalis sa kwarto ko pag patak ng alas otso dahil may mga nangyayari mng di ko gustong makita.
Nanlaki ang mata ko at nasapo ang aking noo.
"Patay." sambit ko habang kinakagat ang pangibabang labi ko. Napakamot ako sa ulo at nagtingkayad pababa ng hagdan. Napagdesisyunan kong bumalik na lang sa kama matapos maalala lahat ng sinabi ni Senyorito.
Pabalik na ako sa silid ng maramdaman kong may matang tumititig sakin mula sa dilim. Natigil ako sa paglalakad at nilingon ang napakadilim na pasilyo. Wala naman.
Wala naman akong nakita pero ramdam na ramdam ko parin ang titig. Mabilis na gumapang ang takot sa aking katawan at nagsimula na akong huminga ng mabigat. Mabigat na rin ang bawat hakbang ko. Hindi ko masyadong maikilos ang aking paa dahil tila may humihila sa akin na mas nagpakaba sa akin.
"S-sino ka?" Nauutal kong sambit. Wala man akong nakita e alam kong hindi lang ako ang naroroon, alam kong may kasama ako.
"H-hindi ako nakikipagbiruan! M-magpakita ka!" Paghahamon ko ng magsimulang manginig ang aking katawan sa takot. Ramdam na ramdam kong may humahaplos sakoing palad pero walang tao sa aking harap.
Ipinikit ko ang aking mata para manalangin na sana hindi ito totoo pero sa pagmulat ng aking mata agad akong nanlamig.
Isang pares ng mapupulang mata ang nasa aking harapan at may matatalim itong mga ngipin. Pinililit kong igalaw ang aking katawan pero ayaw nitong gumalaw, may tila mahika na pumipigil sakin.
I saw the guy smirked and said "Let me taste you."
Help. Bulalas ko sa isipan ko nagdadasal na sana marinig ako ng lalaking inaasahan ko.
Napapikit na lamang ako habang inaantay ang katapusan ko.
A/N: I would like to recommend the story of moonsummerglow. Kindly read her story entitled I Love You, Romeo! Thankies readers mwaah
BINABASA MO ANG
Sold To A Pure Blood
VampireHestia, the daughter of Cronus was slaughtered by the guy named Acheron after being raped by him. Hestia, the daughter of Raoll was sold to a pure blood vampire Acheron with a deep secret reason. Will history repeat itself? Or it will make another s...