Eighth

41 4 2
                                    

"Pag-itim ang kanilang mata, sabi rito maaaring dalawang linggo nang hindi nakakatikim ng dugo ang bampira, kapag naman pula ay galit ang ipinapakita nito, parang sa mga movies lang, Hestia." Namamanghang pagsabi ni Incess habang binabasa ang librong inabot sa kanya ng isa sa mga kasamahan niyang maids, ang sabi ay kailangang alam nila ang kahulugan ng pagbabago ng mga mata ng bampira dahil sila mismo ang naninilbihan sa mga ito at upang alam nila kung san lulugar.

Nginitian ko ito, may pagkakatulad nga sa mga pangkaraniwang vampire movies na napanood ko na pero dalawa lamang iyon at wala pang nababanggit si Incess patungkol sa kulay bughaw.

"Eto pa, eto pa! Pag naging pink ay nahihiya ang mga eto, purple naman kapag inlove. Naks! Naiinlove din pala sila?" Sambit nito saka tumawa. "Ang orange naman ay kapag upset sila tapos kapag green ay naguguluhan ang mga ito, yellow kung masaya at gray naman ang mata nito kapag may sakit sila." Tumigil ito sa pagbabasa at tumingin sa akin. Itinuklop nito ang libro at nanlaki ang mata ko. Hindi niya pa nababanggit ang ibig sabihin ng bughaw!

"Yun na yun?" singhal ko ng hindi nalutas ang kyuryosong bumabagabag saking isipan.

She bit hew lower lip ang nodded. "Yun lang naririto e, ano kulay ba ang hinahanap mo?" tanong nito.

"Blue." Sabi ko.

"Oo nga noh? Walang nabanggit na bughaw sa libro pero baka naman nakalimutan lang isulat. Kung anong kulang na emosyon ang hindi ko nabigkas baka yun ang kahulugan ng bughaw."

Tama sya, naroroon ang galit, gutom, sakit, hiya, pagkalito, dismaya at maging ang pagkainlove at masaya ay naroroon ang lungkot lang ang tanging wala.

Nanlaki ang mata ko nang marealize na natuklasan ko ang kulang na emosyon. "Lungkot!" Mabilis kong bulalas kay Incess.

"Hala! Oo nga, lungkot lang ang di ko nabanggit pero sino ba ang nakitaan mo ng bughaw na kulay, Hestia? Napakalungkot siguro nito kung ganon, sa pagkakaalam ko hindi masyadong nagpapalit ng ibang kulay ang kanilang mata maliban sa pula at itim kaya pagnagpalit ang kanyang mata ng bughaw, maaaring matagal niya na itong dinadala." Sabi nito.

Acheron.

Bigla siyang pumasok sa isip ko. Ilang linggo ko nang nakikita ang pagpalit ng kulay ng kanyang mata at lahat ng ito ay kulay bughaw. May mga beses ring nagiging blue green ang kanyang mata. Kung hindi ko natuklasan ang kahulugan ng mga kulay ay maaaring namamangha parin hanggang ngayon.

Kasalukuyan akong nakatayo sa tapat ng pinto ng Senyorito. Nagdadalawang isip ako kung kakatok bako o hindi, kakamustahin ko sana siya dahil tatlong araw din itong di nakauwi. Ang sabi'y may sinundo raw ito pero di naman sinabi kung sino. Agad namang ibinalita sa akin ni Incess na nakauwi na simula kagabi si Senyorito.

"Wag nalang kaya? Lalabas din naman yan mamaya e." pag pipilit ko sa sarili ko saka tumalikod.

Hahakbang na sana ako nang maisipang humarap ulit. "Bahala na." sabi ko saka kinatok ng tatlong beses ang pinto.

Nakangiti akong nagaabang nang marinig ang magpihit ng pinto.

"Senyori--"

"Who are you?" Isang matangkad at nakaroba lamang na magandang babae ang pumutol sa aking pagbati. Napalunok ako, Sino siya? Anong ginagawa niya sa kwarta ng Senyorito?

"U-uhm, si S-senyorito po?" Utal utal kong tanong dahil sa talim ng titig nito. Tinaasan ako nito ng kilay.

Narinig ko ang pagbukas ng isang pinto sa silid ni Senyorito. "Ash, someone's looking for you." The girl said while still looking straight to me.

Ash.

Halos mapasinghal ako nang marinig ito. Alam niya ang pangalan ng Senyorito samantalang ako kinailangan munang mapahamak bago malaman ito.

"Who is that?" I heard his voice. He is really inside with this girl infront of me.

Narinig ko ang mga yapak nito. Palapit ito sa amin. "Your maid." Masungit na ani ng babae. Napangiti ako sa kanya. Kung ikukumpara nga naman sa kanya ay mukha nga akong katulong.

Katulad ng ginagawa ng mga katulong ay yumuko ako. "Babalik nalang po ako mamaya, Senyorita. Pasensya po sa istorbo." Saad ko. At nang muli akong magangat ng tingin ay nadakip ng aking mata ang lalaking nakatapis lamang.

Nginitian ko ito. "Magandang umaga po, Senyorito."

Tinitigan ako ng bughaw na mata nito ng walang kung anong emosyon sa mukha.

Bughaw.

Kung tana ang hula ko ay nalulungkot nanaman ito.

Tumalikod ako at napapikit.

Ang bigat ng dibdib ko, napakabigat nito na tila gusto kong maiyak. Hindi ko mawari kung bakit ganito.

Kung bampira ako'y maaaring naging kulay berde at abo na ang aking mata ka kadahilanang dismayado ako hindi lang sa kanya ngunit maging sa sarili ko

Dahil sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng di pamilyar na sakit.

Nasaktan ang puso ko.

Sold To A Pure BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon