NINTH

22 1 0
                                    

"OPEN this fucking door, young lady." nagising ako sa malakas na katok na nagmumula sa labas ng silid. Kunot noo akong napakamot sa batok ko.

Ano nanaman kailangan nito?

"Open this door." Muling sambit ng Senyorito habang katok ng katok sa pinto. Muntik nang mapairap ang aking mata.

May susi naman sya bat nagsisisigaw pa sya sa lalabas kung pwede niya naman buksan na lang?

Natigil ang pagkakatok niya ng pinto at tuluyan akong napairap. Bumalik ako sa pagkakahiga at nagtalukbong ng kumot.

That was my weirdest dream. Ang weird nang naramdaman ko sa panaginip ko kasi parang totoo and ramdam na ramdam ko yung sakit e pero bakit naman ako masasaktan dun? Ang weird lang.

Napabangon ako ng marinig ang pagpihit ng pinto at napapikit ng mariin ng maalala na naririnig nya nga pala ang mga hinaing ko saking isipan.

"Hanggang kailan mo balak magtresspass sa utak ko?" Pambungad ko rito ng mabuksan niya ang pinto.

Umirap ito. "I didn't tresspassed in your mind, young lady." Seryosong ani nito saka sinara ang pinto. "You didn't eat your lunch and dinner, young lady." He said habang papalapit sakin.

"Kung hindi ko sinabi sa isipan ko na may susi, di mo maiisip gamitin ang susi Senyorito. Mga palusot mo walang lusot sakin." Inis kong sambit. Ewan ko at nasstress ako ngayon, siguro dahil sa panaginip ko o dahil nagabihan lang ako ng gising? Isipin niyo yon boung araw akong tulog!

"Are you hungry?" he asked. He changed the topic so I know I won. Napangiti ako, parang first time niyang di ako tutulan at rebuttan ha.

Umiling ako bilang sagit sa kanya, seryoso ako nitong tinignan sa mata kaya tinitigan ko rin sya. Unti-unting nagpalit ng kulay ang kanyang mata, mula sa normal nitong kulay ay naging bughaw muli ito.

Napalunok ako.

"M-malungkot ka ba?" mahina kong tanong saka umiling ito. Liar. Bulong ko sa isip ko, sa pagkakaalam ko ay bughaw ang nagrerepresnta sa lungkot ng bampira.

"B-bakit bughaw n-naman ang kulay ng m-mata mo?" Halos wala ng tinig ang lumalabas saking bibig dahil sa nauutal na at ang hina nito. Dahan dahan syang umupo sa kama at lumalapit sakin. Nakatingin parin ang mata nito na ngayon ay pumupungaw na.

"A-ano ba!" Angal ko habang dahan dahang umaatras, nang maramdaman ko and head board ng kama ay napatigil ako at napapikit.

Patay.

Sinubukan ko itong sipain pero bago pa tumama sa kanya ang aking paa ay nahuli niya na ito. Tumawa ito ng nakakaloko habang patuloy lamang ang titig sakin. "Do you wanna know why my eyes turned to this, young lady?" He asked while smirking. Iniling ko ang a king ulo upang tanggihan ang alok nito habang ang kanyay mukha ay nasa aking harapan na.

"You are the only one who can make me feel like this, baby." Mahinang sabi nito pero sapat na para marinig ko. Natigilan ako. Baby. May kung anong kiliti ang nabuo sa aking sistema nang marinig ko ang sinabi niya. "You make me so--" Hindi nito natapos ang sasabihin ng biglang bumukas ang pinto.

"Hestia!" Bungad ni Incess. Agad akong kinabahan sa pagaakalang maabutan niya kami sa ganitong posisyon pero bago pa makita ni Incess ang aming posisyon ay napahiga na ako ng Senyorito at mabilis pa sa hhangin itong nawala saking harapan.

Bampira nga pala sya diba?

"Ang lamig naman! Ang lakas ba ng aircon mo?" Nanlaki ang mata ko sa tanong nito saka umiling. That was Acheron. "Bumangon ka na jan! May bisita tayo! Ang ganda at gwapo grabe!" Agad naman akong napabangon. Gwapo at maganda? Ang gwapo maaaring si Apollo iyon since parang di niya pa nakikita iyon pero ang maganda, sino yun?

"Apollo at Artemis raw, magkakambal! Ang gwapo nung Apollo, mas gwapo kay Senyorito!" Sabi nito habang nakangisi ng malaki. I doubt that, wala atang laban si Apollo pagdating kay Acheron.

Sinunod ko ang sabi nito saka bumangon. Medyo nagutom rin ako e. Teka-- "Ganito ba talaga dito, gabi tumatanggap ng bisita?" Kunot noo kong tanong kay Incess. Alam ko namang bampira sila pero dapat ba talagang gabi? Nakakagala nga sila Apollo kahit umaga e.

"Yun na kasi ang nakagawian dito, Hestia. Ewan ko lang din kung kakayanin ni Senyorito ang araw, alam mo naman ang katauhan nito e." Sabi nito saka tinulungan ako magsuklay ng aking buhok.

Tinignan ako nito mula sa salamin. "Alam mo napakaganda mo at kung nagmemake up ka lang sigurado akong natalbugan mo na yung Artemis." Pagpuri nito.

"Ano ba itsura nung Artemis?" Tanong ko rito.

"Maganda pero mas maganda ka. Ang sexy niya tas ang taas yung parang model?" Sabi nito. Bigla ay nakaramdam ako ng kaba saking dibdib, ewan ko pero tila may halong kirot ito. Bakit may bibisita dito na modelo and to think na kapareha niya pa itong bampira, parang ang big deal.

Nang matapos akong mag ayos ay nauna na ako sa hapagkainan, nadatnan ko ang naka suit na si Apollo at sinalubong ako nito ng isang malaking ngiti.

"Goodevening, Hestia. How are you?" he greeted. Nginitian ko ito saka umupo sa upuang lagi kong inuupuan.

"Goodevening din, okay naman ako. Ikaw ba?" Pagganti ko. Nagpalitan kami ng mga tanong ni Apollo habang nasosolo namin ang mesa. Teka'tnasan na nga ba sila? Patuloy aming biruan at tanongan.

Natigil lamang ang aming pagtawanan ng makarinig ng pag-ubo. Sabay naming nilingon ni Apollo ang pinagmulan noon at laking gulat ko ng makita si Senyorito.

"It seems like you are having fun." Madiin at seryosong ani nito.

"Normal lang iyon sa magkaibigan, Ash." Tugon ni Apollo. Umupo naman sa kabilang sulok ng long table si Acheron. "Aren't you going to offer me a drink?" He playfully asked. Nagsalpukan naman ang kilay ni Senyorito dahil sa narinig.

"Tell me what drink is it, Apollo. Tell it to me directly." Seryosong panghahamon ng Senyorito pero natawa lamang si Apollo. Bale wala sa kanya ang mapamatay na titig ni Senyorito.

"A wine, ofcourse!" Tumawa ng nakakaloko si Apollo, napayuko naman ako ng tila umiba at sumama ang naging dating sakin ng usapan nila. "Ano ba ang naiisip mo, Ash?" muli kong narinig ang malokong tinig ni Apollo.

Hindi ko na makayanan ang ganitong usapan. Kinakabahan lamang ako lalo na't alam ko ang anyo nila. Kahit pa sabihin nilang biruan lamang ito ay nakakaramdam parin ako ng takot kaya walang pagdadalawang isip akong tumayo mula sa aking kinauupuan.

"Excuse me. " Sabi ko saka nagsimulang maglakad. Narinig ko pa ang paggalaw ng kanilang upuan at sa isang iglap ay hawak na nilang dalawa ang aking magkabilang braso.

Tinignan ko ang dalawa ng may takot na nararamdaman.

Bakit nila ako hinahawakan?

"Let her go." Seryosong ani ni Senyorito habang matalim na tinititigan si Apollo. Sinulyapan ko si Apollo at nakita kong naging pula at abo ang magkabilang mata nito.

Inalala ko ang sinabi ni Incess, ang pula ay nagpapakita ng galit habang ang abo..

Tinignan ko ito maigi, magkahalong taka, kaba, gutom at takot ang aking nararamdaman. Biglang sumakit ang aking ulo ng mapagtanto ang kahulugan ng mata nito.

Abo.

Nagpapalit ito kaoag may nadarama silang sakit.

Pero bakit sya masasaktan? Wala namang masama sa sinabi ni Senyorito diba?

"I will never let her go." He said habang patuloy lamang sya sa pagngitu ng nakakaloko. "Not this time, Acheron. Not again."

Mas lalo akong nagtaka sa pinagsasabi niya. Again?

What does he mean by again?

Bago pako makapag salita at malinaw ang kanyang pinagsasabi ay nagdaig ang halo halong emosyon na nararamdaman ko at biglang umikot ang paligid ko.

"Hestia!" Sabay nilang sambit bago ako mawalan ng malay.

Sold To A Pure BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon