Fifth

50 5 0
                                    

"Bite her and you'll taste my wrath, Apollo." Isang pamilyar na matigas na boses ang aking narinig.

Sa hindi mapaliwanag na dahilan ang kaba koy unti unting humupa.

Narinig niya kaya ang paghingi ko ng tulong sa kanya?

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at ang pamilyar na mukha ang sumalubong sakin.

Walang bakas ng emosyon ang kanyang mukha. Seryoso itong tumitingin sa lalaking nasa harapan ko. Napalunok na lamang ako ng maramdaman ang tensyon sa pagitan ng dalawa.

Niluwagan ng lalaki ang pagkakahawak sakin at bahagyang tumawa. "Hey, brother!" Tuluyan nitong binitawan ang aking kamay at lumapit sa Senyorito at niyakap ito.

Brother? Magkapatid sila?

Walang pinagbago ang mukha ng Senyorito, maging ang emosyon na pinapakita ng mata nitoy nanatiling malamig kahit niyakap na sya ng lalaki hanggang sa magbitiw ito.

"How are you, dear brother?" Bakas ang pagiging sarkastiko sa tinig ng lalaki ng bigkasin niya ang 'dear brother' "It's been really a long long time." Saad nito bago ako sulyapan at unti unting naglaho ang ngiti sa kanyang labi.

Inirapan naman siya ni Senyorito.

Wow ha, akalain niyo yun hindi lang pala sya sakin nangiirap? Ugali niya pala talagang mangirap.

"Cut the crap Apollo and tell me why are you here?" Seryosong tanong nito sa lalaking tinatawag niyang Apollo.

A greek name just like mine.

Umismid ito. "Susurpresahin lang naman sana kita pero ako ata ang nasurpresa dito." tignan muli ako nito at ngumisi ng nakakaloko. "You didn't tell me you had her." he chuckled a bit.

"Sabagay, bakit mo nga ba naman sasabihin sakin yun diba? A selfish bastard wont do that. Dont tell me you even owned her?" Bakas man ang pagkainis sa boses nito ay nagawa parin nitong tumawa.

Hindi ko maintindihan ang kanilang pinaguusapan pero di ko rin magawang umalis dahil sa kyuryusong nangunguna saking isip.

Napapikit ako sa gulat ng sumigaw si Apollo. "d-did you just.. DID YOU JUST FUCKING OWN HER!? TELL ME, TELL ME DID YOU BIT HER!?" Muntik na akong mapatalon ng sinipa niya ang vase na nasa gilid ng hagdan na naging dahilan ng pagkabiak nito.

Anong kagat ang sinasabi nito? Naguguluhan akong nagpapalit palit ng tingin sa kanila pero masyadong mataas ang tensyon sa kanila na tila ba wala silang alam na naririto pako.

"So?" Kalmado ngunit matigas na banggit ng Senyorito. Tama lamang ito para mas lalong makaramdam ng inis ang isang lalaki.

Alam kong hindi ito ang tamang oras para pag pantasyahan ang Senyorito but the way he looks right now is mesmerizing, ang konting ilaw na tumatama sa mukha nito ay sapat na para sabihing napakagwapo nito habang nakatayo sa kinaroroonan niya.

Nilingon ako ng Senyorito at itinuro ang aking silid. "Go back to your room." May diin nitong sabi. Labag man sa kalooban ko ay sumunod na lamang ako sa kanya.

Ramdam na ramdam ang galit at bagsik ni Apollo sa oras na iyon kaya kung pipiliin kong magstay at makinig sa usapan nila e maaari pakong madamay.

"WHAT THE HELL IS WRONG WITH YOU, ASH!?" Iyan ang huling narinig kong sigaw ni Apollo kay Senyorito bago ko isara ang pinto at tumungo sa banyo.

Ash..

Ash..

Nagpabalik balik ito sa aking isipan. Pamilyar na pamilyar sakin ang pangalang iyan ngunit hindi ko lamang maalala kung sino at san ko ba narinig maliban ngayon ang pangalang Ash.

Sold To A Pure BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon