Sixth

35 5 0
                                    

Nang magising ako'y pinili kong wag lumabas sa silid, sa halip ay tumungo ako sa bintana at itinali ang mga kurtina. Itinali ko rin ang aking buhok para hindi ito maging sagabal. Sumilip ako sa bintana at wala akong ibang nakita kundi naglalakihang pine tree, muntik na akong mapairap dahil sa sobrang unfamiliar ng place nang mapansin ko ang isang Modern mini gazebo sa garden na puno ng patay na halaman.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili at napairap na nga ako at napasinghap.

'Is that really a garden?' I asked to myself.

Muli kong sinuri ang garden na nasa bandang ibaba ng aking kwarto at napangisi. Tutal umaga naman e baka pwede kong ayusin ang mga halaman doon, wala naman syang ipinagbawal tungkol sa pagliliwaliw ko tuwing umaga e.

Bitbit ang ngiti sa aking labi ay agad akong lumabas ng aking silid.

"Ma'am, naku! Buti nagising ka na, halika't nagpahanda si Senyorito ng makakain mo." Sabi nito at lumaki ang mata "Ay hala!" Agad itong yumuko at natawa ako.

"Ano ka ba, okay lang. Ikaw lang ang di tumatawag sakin na Senyorita and it makes me feel comfortable. Tsaka wag ka nang yumuko, wala namang nakakakita sa atin e." Sabi ko rito tsaka nginitian siya.

"Sure ka ma'am ha?" Paninigurado nito at tinanguan ko naman sya. Ngumiti ito at bahagyang tinapik ang aking braso.

"So friends na tayo, ma'am?" Muli ko iong tinanguan at mas lalo namang kumaki ang ngisi nito. "Nako! Buti naman ma'am, nakakasawa kasi yung mga maid dito!" Pabulong nitong sinabi ang huling salita atsaka humagikhik.

"Drop the ma'am! Nakakaawkward yan lalo na ang Senyorita." Sabi ko rito. Natigilan ako habang tumitingin rito at biglang ngumiti. Good Idea! "Gusto mo ba samahan ako sa garden? May aayusin sana ako eh." Sabi ko rito saka tinodo ang pag ngiti para mapapayag sya.

Napatingin naman ito sa taas at saka umiling. "Naku, pasensya na maam may gagawin kasi ako. Tiyak papagalitan na naman ako ng mayor doma rito pag di ko sya sinunod." Nakasimangot akong tumango rito.

Mabilis nitong iwinagayway ang kamay sa ere. "Pero maam! Pwede kitang ihatid doon! Hehe alam ko hindi mo alam ang daan patungo ron!" Masigla nitong ani at hinila ako patungo sa kung saan.

Ngayon ko lang napuntahan ang ibang part ng bahay nato at kahit saan pala ako banda mapunta, wala parin pinagbago. Nakakatakot parin ang paligid.

Ang mga gamit ay malinis at mamahalin man ngunit halatang matagal na ito. Puno ng lumang bagay ang bahay na ito at maging ang desenyo ng bahay ay ganon rin pero kahit ganoon di maipagkakaila ang ganda ng bahay.

Napabuntong hininga ako. Kung sanay maliwanag lamang ang bahay ay tiyak na napakabongga nito.

Tumigil kami sa isang pinto at agad niya din itong binuksan.

"Maam, dito po tayo lulusot papuntang garden." Sumunod ako rito at ilang hakbang lang ay nakarating nako sa hardin. Nilibot ko ito ng tingin, hindi man kagandahan ang itsura nito ngayon pero halatang pag naayos ito'y magiging maayos rin ito.

"Maam, sigurado kang aayusin mo to magisa? Antayin mo nalang kaya ako matapos sa gagawin ko maam para naman matulungan kita." Sabi nito saka sinuri rin ang paligid.

"Kung hihintayin kita edi mas matatagalan tayo nyan? Bawal ako maghardin kapag gabi, e." Nginitian ko ito. "At saka, pwede bang Hestia nlng itawag mo sakin? Naiilang talaga ako sa formality e." Nahihiya kong sabi.

Lumaki ako na kasama ang papa ko, kahit may negosyo't angat kami sa buhay ay hindi ito nagpakuha ng maid maliban sa kay Nanay Pas, ang tagapangalaga ni Mommy noong bata pa sya. Nasanay akong gumawa ng gawain bahay at hindi pagsilbihan bilang prinsesa kaya ganon na lang ako ka uncomfortable sa mga nangyayari ngayon.

Sold To A Pure BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon