13

47 10 0
                                    
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Josh's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Josh's POV

Mas nauna akong dumating sa meeting place namin ng kuya niya kaya nag-order nalang ako ng drink tapos nag-antay. Medyo kinakabahan ako na ewan.. pero mabait naman tong si Lain. Pasalamat rin ako na ginusto niyang makipagkita sa akin kasi baka may makuha ako kahit konting kasagutan sa kanya.

"Josh?"

Inangat ko ang ulo ko at nakita ko siyang nakatayo sa harap ng table.

"Ikaw nga."

"Pasensya.. ganito kasi talaga ayos ko paglumalabas para di mamukhaan ng mga tao." Nakamask at cap kasi ako. "Upo ka, please."

"Naku, no worries. Ganyan din si Mi dati kaya alam ko." Natatawa niyang sagot at naupo na. Buti pa yung kuya niya, normal kong nakakausap.

"Si... si Mina? Busy?"

"Di siya pumasok sa work... nagmumukmok. Ewan ko ba dun."

Nagmukmok? Dahil ba sa nangyari kagabi?

"Okay lang ba siya?" tanong ko.

Di siya nakasagot agad. "Yun nga... kaya napag-isipan kong kausapin ka na kasi alam ko hanggang ngayon di pa rin siya okay."

"Anong ibig mong sabihin?"

Naging seryoso ang mukha ni Lain. "Josh... do you hate my sister? Galit ka ba sa kanya?" Nagulat ako sa biglang tanong ng kapatid niya.

Galit ba ako sa kanya? ... cguro, oo. More like, galit ako sa ginawa niya at hindi siya. Do I hate her? ...

"No. I don't hate her, Lain. If I hated her than wala ako dito ngayon. Di ako maghahanap ng explanation. Kasi, alam mo yun, kaibigan ko siya eh. Oo, nasaktan ako.. pero ewan ko ba. Di ko na rin magets sarili ko." I chuckled as I said that. Ang gulo ko siguro pakinggan pero umiling siya habang nakangiti.

"No. I totally get you. And I must say I'm relieved... topakin yang kapatid ko eh, I'm sure you know that. Minsan ako nahihirapan din intindihin mga desisyon niya sa buhay... but I still believe she's a good sister. A good person."

Eto na ata yung cue na inaantay ko. Pwede ko na siguro itanong "yun".

"Kaya nga eh.." simula ko. "Pero Lain... sinabi mo sakin.. if I remembered correctly, sabi mo nasaktan din siya sa ginawa niya 3 years ago... sinasabi mo ba na hindi talaga niya ginusto na umalis sa SBT?"

"No, Josh. I seriously am not convinced na umalis siya dahil ginusto niya."

"Napilitan lang siya? Ganun ba yun?"

"I'm not sure. Pero yun ang nakikita ko. Alam mo ba, nung time na bumalik kayo sa Manila.. naalala mo pa nung last time kayo nagkasama sa Cebu? Nung pinuntahan mo siya.."

I nodded. How can I forget? Nagka-ayos kami nun dahil iniiwasan niya ako tapos akala ko okay na kami.. pero yun na pala yun.

"Di siya nagparamdam for about a month... then bigla siyang lumitaw sa bahay. Gulat kami lahat, medyo nag-aalala kami eh kasi wala kaming balita, nag-uupdate naman yun sa mga ganap niya pero nung time na yun, wala talaga.. yun, umuwi nga siya pero parang wala rin. Nagmumukmok sa kwarto. Di nagsasalita. Akala nga nila mama she was undergoing depression."

What? Ganun pala nangyari sa kanya?

Hindi ako makapagsalita at biglang bumigat yung dibdib ko sa narinig ko.

"Ilang beses ko ring sinubukan na kausapin siya pero she evades the discussion.. hinayaan namin siya pero we were still observing her behavior in case na tama yung hinala nila mama... she was usually in a deep thought— spaced out lagi— nakatingin sa malayo na may mabigat na dinadala sa loob niya. It went on for about 6 months.."

"Si-six months?" Tama ba narinig ko? Six months na parang tulala?

"Oo. After almost 6 months, medyo nagsimula na siyang bumalik sa sarili.. sa reality. Madalas na siyang pumupunta sa kusina para panoorin kaming nagba-bake.. wala pa ring imik pero she seemed at peace na pinapanood kami. Then slowly she showed interest sa ginagawa namin... to make the story short, bumalik sigla niya dahil dun kaya eto na nga siya.. kasama na namin sa negosyo... pero..."

"Pero ano?"

"May mga panahon talaga na napapansin kong bumabalik sa kanya yung.. uh, siguro lungkot.. o kaya yung mga pinagsisisihan niya... umaakyat siya dun sa roofdeck, at nagmumuni-muni. Minsan naiiyak din mag-isa."

Wow... parang familiar?

Parang ako lang...

Love With A Twist 02Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon