34

44 5 1
                                    

Mina's POV

Tahimik kaming kumakain ng breakfast ngayon. Gusto ko man magsalita pero nahihiya talaga ako. Ewan. Hanggang ngayon di parin kasi talaga mawala yung guilt.. Yung regrets ko.

Feeling ko pa rin di ko deserve ang kabutihan niya.

"Mi," he finally spoke.

Kalma, Mina. Baka maiyak ka na naman. Ang iyakin mo ata lately, putragis talaga. Di naman ako ganito. I'm just so miserable.

"So aalis ako today... baka late na rin siguro ako makauwi.. di ko pa alam kung may gagawin kami after ng shoot eh..."

Tumango lang ako.

"Eh ikaw? Punta ka ba ng café?"

"Hindi siguro... pero baka lalabas ako para maghanap ng lilipatan pansamantala.." sagot ko.

"Ayaw mo ba rito?"

"Ha?" Nagulat ako. Tama ba yung dinig ko?

"Okay lang naman sa akin na dito ka muna.." sabi niya na nakatingin lang sa kinakain niya.

"Naku.. mga isang buwan din daw yung renovation sa apartment.. matagal-tagal din yun.. ayoko namang maka-abala-"

"Ang sabi ko.." he repeated. "Okay lang sa akin na dito ka."

Sht. Since when did he sound so dominating? Wala akong maalala na ganito umasta si Josh ah? Dati ako lagi nang-aasar at nasusunod.

"Kahit na." I responded firmly. "I don't wanna impose."

"Bakit sinabi ko ba?"

"Hindi. Ako nga yung nagsabi-"

"Well, please stop. Wag kang mag-isip ng kung anu-ano."

Binabara talaga niya ako.

"Tsaka.. sa tingin ko mas gugustuhin din ni Lain na dito ka." Dagdag pa niya.

"Paano mo naman nasabi?" Nagtaka ako. Di ata ako nainformed na ganun na sila ka close ni kuya.

"Syempre bilang kapatid, mas panatag loob mo kung mapagkakatiwalaan yung kasama ng kapatid mo," sagot niya.

Napakamot ako sa batok. Paano ko ba to malulusutan? Halatang may pinagkasunduan sila ni kuya ah.

"Okay, fine..." I sighed.

"Okay fine what?" he wondered.

"Uh... na dito nalang muna ako..?" balik ko sa kanya. Kita ko na parang naaliwasan ang mukha niya. Anong meron?

"Totoo ba yan? Baka mamaya-..." -Josh

"Mamaya ano?"

"Wala..."

"Iniisip mo na bigla na naman akong aalis? Ganun ba yun?"

Di siya sumagot pero alam ko na agad ang nasa isip niya.

"Ayoko nang makipagtalo pa sa'yo, Josh... ang dami ko ng nagawa sa buhay na pinagsisihan ko, at isa na dun ay yung ginawa ko sa'yo...

... kaya ayoko ng ulitin yun. Ayoko nang masaktan ka ulit ng dahil sa kagagawan ko."

"Mi..." bigla niyang ani. Napaangat ako ng tingin sa kanya. "Wag mo ng isipin yun... nakaraan na yun. So stop acting guilty too... masaya ako at nandito ka. Sana maging okay ang lahat sa atin simula ngayon."

Natouch ako sa sinabi niya. Kay agang soft hours naman neto.

"Ang drama mo bigla.. wag ka nga.." Ganyan nga. Subukan mo ulit maging casual lang.

Love With A Twist 02Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon