71

48 6 2
                                    

Mina's POV

Pagkarating namin sa taas, bago pa man kami makaabot sa pinto palabas sa roofdeck ay biglang hinarang ni Sejun ang mga kaibigan niya kaya nagtaka ang mga ito.

Hindi siya nagsalita at lumingon sa akin. "Mi.. sa tingin ko... dapat kayong makapag-usap na kayo lang muna..."

"Pinuno..."

"Sa mga oras na 'to.. alam kong naguguluhan si Josh... siguro bumabalik na naman yung sakit na naramdaman niya noon... hindi ko man alam ang buong katotohanan... pero alam ko ikaw ang kailangan niya ngayon. You're the only one who can give him the answers that he needs."

Tama si Sejun. Panahon na rin para sabihin ni Josh ang lahat-lahat. Alam kong alam na niya yung rason kung bakit ako umalis noon—pero hindi ang buong kwento ang alam niya. Hindi pa niya alam ang buong katotohanan— kung paano ako napunta sa desisyong nagawa ko.

"Dito lang muna kami. In case things get out of hand... then we'll step in."

Tumango ulit ako bago tuluyang lumabas patungo sa roofdeck.

...

Hindi ko agad matanto kung saan naroroon si Josh kaya linibot ko pa ang luhar hanggang sa nahanap ko siyang nakaupo sa isang bench. Nakaupo lang siya habang nakatingin sa malayo. Naramdaman ko na agad ang bigat na aura na nakapalibot sa kanya.

Nasasaktan akong nakikitang ganito si Josh. What have I done...? ... I really need to fix this now.

3rd Person's POV

Matapos titigan ang likuran ni Josh ng mga ilang minuto ay humakbang na siya palapit. Lumingon bigla si Josh na para bang naramdaman niya ang presensya ni Mina pero di man lang ito nagulat. Nanatiling may bahid na lungkot ang mukha.

"Josh..." bulong ni Mina sa kanya.

Hindi nagsalita si Josh at umiwas ng tingin. Biglang sumikip na naman ang dibdib neto at parang may bumabara sa lalamunan niya.

"Mag-usap tayo... please...?" pagpapatuloy ni Mina.

Josh scoffed—trying not to break down in front of her. No. He doesn't want that.

"Anong pag-uusapan natin?" malamig na tugon niya, hindi pa rin lumilingon.

"Hayaan mo 'kong sabihin sa'yo yung totoo..."

"Yung totoo?" ulit ni Josh. Naglabas siya ng tipid na tawa. "Ano pa ba ang hindi ko nalalaman ha?"

Tumayo ito sa pagkakaupo. "Ano pa ang hindi ko alam bukod sa nakipagsunduan ka ky sir Robin na aalis sa ShowBT para mapanatili ako sa kompanya?"

Hindi makapagsalita si Mina.

"Totoo ba?" Nagpipigil parin si Josh kahit nagsimula nang mamuo ulit ang mga luha sa kanyang mata. Halatang umiiyak na ito kanina pa. Tila nanginginig din ang boses nito. "Gusto kong marinig mismo mula sa'yo..... totoo ba, Mi?" May luhang dumaloy sa pisngi niya. "Umalis ka ba sa ShowBT dahil sa akin?"

Umiling si Mina at sinubukang magsalita ngunit hindi siya pinatapos ni Josh, "Kaya pala iba na ang kilos mo nung kinausap kita noong andun tayo sa may dagat.. tinanong kita kung may nangyari pero sabi mo wala. Tangina, anong wala? Bakit sinabi mong wala kung meron naman pala? Bakit ka nagsinungaling sa akin noon?"

"Nung sinabi ni sir Robin na paaalisin niya tayo—ikaw— natakot ako.. kaya wala na akong naisip na ibang paraan—"

"Bakit di mo ako kinausap noon??" Josh exclaimed. "Wala kang ibang maisip na paraan? Kaya ba nagdesisyon ka mag-isa?.. paano naman ako, Mi? Tayo dalawa ang involved dun eh... tayong dalawa yung lumabag sa rules eh... bakit mo sinarili??"

Love With A Twist 02Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon