72

45 6 1
                                    

...
Makalipas ang ilang minuto ay nilapitan ng apat sina Mina at Josh. Kumalas yung dalawa sa yakap nang mapansin sila.

"Se..." simula ni Josh.

Ngumiti lang si Sejun at tinapik ang balikat nito, "Bukas nalang tayo magpaliwanag kina sir Robin. Sa ngayon.. magpahinga na tayo. Maraming nangyari sa araw na to."

"Hoy, Josh.. pwede ka na artista~" nagawa pang magbiro ni Stell.

"Paano ba yan? ... kakausapin ka ni sir Robin?" tanong ni Mina ky Josh. "Dahil ba to sa akin?"

"Siguro," napakamot ito sa batok. "Di ko pa alam... tama si Sejun, bukas ko nalang sila haharapin. Di naman siguro sila atat sa paliwanag ko."

"Tatawagan ko nalang si ate Rappl... sabihin ko bukas nalang. Sa ngayon... magpahinga nalang muna tayo," ani Sejun.

"Dito nalang kayo maghapunan.. tutal nandito na rin kayo lahat.." alok ni Josh.

"Hala! Gusto ko yan! Sa wakas matitikman na namin ang mga mala-chef mong luto~! Yessss!" tuwang-tuwang ani Stell.

Kunot noo na tinignan ni Mina si Josh. "Anong mala-chef na luto? Nino? Ni Josh? Noodles lang alam lutuin niyan." pambabasag ni Mina.

"Luh! Di pala ikaw nagluto non, dre??" -Ken

"Ako nagluto nun. Tagaluto kaya niya ako." -Mina

"Hoy? Kung makapagsalita ka parang pinilit kita? Kelan ha? ... ikaw nga 'tong kinareer ang pagluluto.. iniisip mo lagi akong gutom." depensa naman ni Josh.

"Hindi ba? Eh aminado ka naman na matakaw ka ah. End of convo~ pssh!"

"Ikaw- baliw ka talaga, Mi!"

At nagsimula nang mag-asaran ang dalawa habang nakatingin lang ang apat sa kanila. Ngingiti pa si Ken sa mga kinikilos ng dalawa.

"Sanaol may tagaluto noh?" paparinig ni Ken.

"Magluto ka mag-isa mo, bset.." pagmaktol naman ni Jah.

"Sanaol may nag-aalaga~" buntong hininga naman ni Stell.

"Manigas ka. Tara na nga sa baba." At naglakad na paalis si Sejun.

"Hoy, Se! 'To talaga ang cold! Porket taga freezer! Hintay hoyyy!!"

...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Love With A Twist 02Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon