33

44 6 0
                                    

(Sorry puro narrations lately.. di pa naman ako magaling mag-narrate kasi nahihirapan ako sa Tagalog terms :( )

Third Person's POV

Pagkarating nila sa condo, dinala muna ni Josh una yung mixer papunta sa unit niya. Tapos sinabihan niya si Mina na manatili nalang dun at siya nalang babalik sa kotse para kunin pa yung oven. Di na nakipagtalo si Mina.

After a few minutes, narinig ni Mina na parating na si Josh at agad niya itong inalalayan. Medyo mabigat din yung mini oven niya.

"Ayan," napangisi si Josh matapos ilagay ito sa isang pwesto ng kusina niya. "Baka pwede mo na rin ako ipagbake ng tinapay niyan?" Nagawa pa niyang magbiro na parang walang nangyari kanina.

Napansin ni Mina na tinapik-tapik ni Josh ang balikat niya.

"Dami kong na-experience ngayong araw na to ah~ nakita ko paano magbake yung mga baker na katulad mo.. ta's nagdeliver tayo.. ta's naging kargador~" natatawa niyang ani. Lumingon siya sa orasan. "Naku, alas dose na. Dapat na siguro magpahinga na tayo. Bukas ulit~ ay teka... oo nga pala may shoot kami bukas.." nabanggit niya.

"M-may trabaho ka bukas?"

Tumango lang si Josh. "May commercial shoot pala bukas, nawala sa isip ko. Buti niremind ako ni Ken kanina."

Mas bumigat yung pakiramdam ni Mina. Akalain nyo yun, nagawa niyang magpuyat para sa kanya kahit na may trabaho pala siya sa susunod na araw. Dapat nagpapahinga ng maigi si Josh.

Natahimik ito. Parang may namumuo sa kanyang dibdib, na pakiramdam niya parang malulunod na siya sa mabigat na emosyon na di niya mailabas. Bakit ba ang hirap? Bakit ang hirap sabihin sa kanya....? Tanong ni Mina sa sarili.

Tinitigan siya bigla ni Josh. Mina froze when she saw Josh looking at her.

Josh smiled. "O siya.. pahinga ka na. Alam ko pagod ka rin. Bukod sa'kin, mas marami kang ginawa ngayon.. matulog ka na."

Grabe... despite of everything.... siya pa rin ang iniisip neto bago ang sarili niya. Nagagawa pa rin niyang isipin ang kalagayan ng iba kesa sa kanyang sarili.

And with that thought... Mina finally
thought of breaking her silence.

Josh's POV

"Salamat."

Napalingon ako sa sinabi niya. Medyo nagulat ako pero nginitian ko siya.

"Ano ka ba.. la lang yun. Tsaka, uh, masaya naman ako na natulungan kita.. kasi nga diba.. g-ganyan naman talaga?" Bakit ba nanginginig bigla yung boses ko? Tsaka di ko maitawid ang iniisip ko.

Hindi siya sumagot kaya nagtaka ako at tinignan siya. Nakayuko ang ulo neto at di kumikibo.

"Mi? Huy... sabi ko wag mo na yun isipin.." Lumapit ako sa kanya at dun ko napansin.. may luhang pumatak mula sa mata niya. Lumingon siya palayo, ayaw siguro niyang mahalata na umiiyak siya. Mina? B-bakit siya umiiyak? May nagawa ba ako?

"A-alam mo, Josh..." pilit niyang magsalita ng tuwid— pinipigilan ang paghikbi. "Nakakainis ka talaga eh... k-kasi.. b-ba't ba ganyan ka ha?" Natigilan na naman siya.

Napuno ng katahimikan ang lugar.

"Si-... sinaktan kita......" ang sunod niyang pag-amin. Nakita kong tuloy-tuloy na ang mga luha niya. Di na niya mapiligan ang mga ito. "Iniwan kita noon na walang sinabi.... a-alam ko sa sarili ko... alam ko na masakit yung ginawa ko... k-kaya itinatak ko sa utak na hanggang dun nalang siguro yung pagka-kaibigan n-natin... n-na... na di na ako nag-eexpect na mapatawad mo pa ko-..."

"Mi..."

Dahan-dahan niya ako hinarap. Kumirot ang puso ko nang makita ko yung ganung mukha niya. She looked... torn.

"P-pero bakit, Josh..? B-bakit-.. bakit ang bait mo pa..rin.. sa akin..? ... dapat galit ka sa'kin eh kasi... kasi—"

"Tama na yan," I cut her off and unknowingly wrapped my arms around her. Rinig na rinig ko na ang sunod-sunod na paghikbi niya.

We just stood there not saying anything for a while— kayakap ko pa rin siya hoping na mapatahan ko siya. Marahan kong hinaplos yung likuran niya.

"Sorry, Josh... I'm sorry."

She finally said it.

"Ssshhh.. tahan na, Mi..."

Naramdaman ko na umiling siya. "No, Josh... matagal ko nang gustong sabihin to.... k-kaso natakot ako-... hindi ko kasi deserve....." hinay-hinay siyang kumalas sa yakap ko at tinitigan ako sa mata. "S-sorry sa lahat.. sa lahat ng ginawa ko.."

Ang mga salitang iyon.

— dati gustong-gusto kong marinig yun mula sa kanya. Walang araw na hindi ko inasam yon. Na isang araw bigla nalang siyang sumulpot, o magtext man lang na "Sorry. Andito na ulit ako, Josh. Sana mapatawad mo ko. Bati na tayo?"

Ngayon.. ngayon na sinabi na niya sa harap ko.. bakit..

Bakit nasasaktan ako?... pero ibang klaseng sakit. Yung nasasaktan ako dahil.. alam kong nasasaktan din siya.

"Tama na nga yan... wag ka nang umiyak o.." sabi ko lang na pabiro at sinimulan nang punasan ang mga luha niya. "Dami nating ginawa ngayon.. dapat kasi nagpapahinga na tayo.. nagdadrama ka eh.." patuloy ko.

Hindi nagsalita si Mina pero ramdam ko na tumatahan na siya.  Namumula pa rin ang pisngi at ilong niya.

"Bukas nalang tayo mag-usap... alam ko rin na pagod ka talaga ngayon. Maghilamos ka na at matulog na tayo."

Tumango naman siya at sinunod ang mga sinabi ko.

...

Love With A Twist 02Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon