18

49 5 0
                                    

Lain's POV

Kararating ko lang sa parking lot. Eksakto alas nuebe na. Did Mina arrive already? Feel ko magtatampo na naman yun sakin. I should prepare myself.

Paakyat na sana ako ng makasalubong ko si Manang Cheska— ang landlady ng apartment na inuupahan namin.

"Good evening, iho~" bati nya sa akin.

"Good evening, te Cheska."

"Andito ka pala sa Maynila. Kelan ka lang dumating?"

"Naku, mga ilang araw palang po. Actually, di rin ako magtatagal, ate. Pababalikin na rin ata ako sa Cebu."

"Ay, ganun ba? Eh si Mina?"

"Dito lang." ngisi ko.

"May sinend kasi ako sa group chat.. ano kasi, gumawa ako ng gc para madali nalang sa akin ang magbigay ng mga paalala.. tulad ng mga house rules, curfew, mga updates.." Ay wow, si ate~ millenial na millenial ah. Pinigilan kong matawa habang nakikinig. "Tapos may sinend nga ako isang importanteng notice. Pakitanong naman sa kanya kung nakuha ba niya.. kasi di pa cya nag-rereply. At least magreply lang siya for confirmation na natanggap nya yung message." Patuloy na paliwanag ni te Cheska.

"Ah sige ho. Sabihan ko."

"Okay lang ba, iho? Kasi importante talaga yun. Tatlong araw nalang at sisimulan na ang-" hindi natuloy ni ate Cheska ang sinasabi niya pagka't dumating bigla yung anak nya at nabalin ang atensyon nya dito. "Hoy Jason! San ka ba nagpupupunta ha, anong oras na? Sabi ko umuwi ka ng maaga kasi tutulungan mo pa kami mag-ayos ayos dito!" At tuluyan na niya akong nakalimutan dahil sa sermon niya sa anak.

...

Pagpasok ko, didiretso na sana ako sa kusina ng mahagilap ko si Mina sa sala— nakatitig sa phone niya. Is she looking at someone's picture?

"Huy!" Pambubulabog ko.

"Put-ek!" Nang mapansin niya ako, nanlaki ang mata niya at agad na itinago yung phone niya.

"Ano yun ha??"

"Ha? W-wala!"

"Sus, wala daw! Si Josh ba yan?" tapos nginitian ko siya na mapang-asar.

"Bwiset," bulyaw niya tsaka akmang aalis.

"Kausapin mo na siya ng maayos, Mina.."

She stopped.

Mina's POV

"Kakausapin ko naman talaga siya... pero di muna ngayon. Wag kang atat, bro."

"Buti naman kung ganun.." he smiled and didn't say anything more. Lumakad siya patungong kusina ng natigilan siya ulit. Tsa nga pala.." simula nya. "Pinapauwi ako nila mama."

"Ha?" I blinked—unable to absorb what bro just said.

"I'm going back, Min. Maraming kelangan trabahuin don. They need me more there."

"G-ganun ba..." I sighed. I admit, kahit na asar ako sa kanya recently, kuya ko parin siya. He feels a home a way from home. Ayoko rin namang maging selfish moreso childish para pigilan siya. Trabaho yun eh. Family business pa. "Papahatid ka sa airport? Kelan alis mo?"

"No need to worry bout me, sis. Kaya ko naman. Bukas na."

"Ahhh..." yun lamang ang tanging reaction na lumabas sa bibig ko.

He gave me a lonely smile tsaka lumapit para guluhin buhok ko. "Tawagan kita araw-araw. Ok?"

"Yuck. Clingy." I joked.

"Ay sorry.. si Josh lang pala ang clingy na okay para sa'yo~" he chuckled.

"Ayan ka nanaman eh..." reklamo ko. "Kahit kelan talaga kuya... inaasar mo ko lagi."

"Parang di ka sanay?" Tumawa siya. "Tsaka totoo naman ah. Wag mo nang ideny. Bilib din ako ky Josh.. di ka nya sinukuan. Yan ang tamang pagiging clingy. Yan ang tunay na kaibigan."

Parang nabulunan ako sa sinabi ni kuya. Oo na. Ako na ang fake friend...

"Anyways... baka may gusto kang sabihin din sakin.."

"Anong sasabihin? " I wondered. Kinabahan ako, naging seryoso mukha ni kuya.

"Or magkwento... kung ano talaga nangyari sa inyong dalawa.." pumasok siya sa kusina.

Natameme ako. Ito talagang si Lain, nambibigla palagi. Napaisip din ako. Oo nga noh, hanggang ngayon di ko pa rin nasasabi kahit kanino kung bakit talaga ako umalis dati sa SBT. Tuwing sa naaalala ko kasi yun, may kirot parin sa puso.

Paano ko ba kasi sasabihin sa kanila.. totoo naman kasi na ako yung nag-desisyon na umalis. Ang di ko lang maamin sa kanila, na involved si Josh dun— na mas pinili ko na umalis mag-isa para manatili siya. At yan din ang hindi ko kailanman pwedeng sabihin ky Josh. Ayokong sisihin niya sarili niya sa mga nangyari. Wala naman siyang kasalanan kaya bakit kelangan madamay siya?

"Gusto mo ng juice?"

"Ha?" Sa lalim ng iniisip ko, di ko man lang namalayan na nasa harap ko na pala ulit si Lain. May inaabot siyang baso ng juice.

"Thank you..."

"So, ano? Wala kang sasabihin?"

"Wala.. inaantok na rin ako. Matutulog na ako."

"Teka!"

"Bro... please."

"Di.. ano kasi.. si manang Cheska. May sinabi siya sa akin.. ako raw, check mo daw GC nyo? Yun ata? May sinend daw siya." Ang labo ni kuya, promise.

"GC?" natatawa kong sagot. "Puro naman chismis nandun kuya.. mute ko nga kasi di naman ako chismosa. Di ko rin alam purpose nung gc talaga..."

"Ganun ba? Ah basta, pinapasabi niya sakin kanina. Check mo na rin pag may time ka, baka importante naman."

"Ok, bukas. Antok na talaga ako eh.. good night, bro."

Love With A Twist 02Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon