Chapter 5

290 6 0
                                    


It's been more than a week since we ate at bomber's and since that night, he's been texting me consistently, sometimes he uses socmeds. I can say that he's funny, natatawa ako minsan sa corny jokes niya andami niya ring memes na sinesend tapos yung pambabara parang mas lumala ngayon pero di naman ako nagpapatalo, mukha niya!


He texted me asking where I am now and if we could eat. Katatapos lang ng last class namin, I agreed because it's almost 3, a merienda will be good at this time. Sinabi ko rin na ako na lang ang pupunta sa kanya at maghintay na lang.


"Hoy! Sino na naman kausap mo? Lagi ka na lang nagce-cellphone minsan pangiti-ngiti ka pa?" sabi ni Gab. Ganoon na ba ako ka-obvious?


"Oo nga may jowa ka na ba?" pang-iintriga pa ni Xav.


"Ha?! May jowa ka na? Bakit di ko alam yan!?" gulat na tanong ni Navi.


"OA niyo mga tanga! Di pwedeng memes?" pagpapalusot ko naman.


"Pero kung si Lex, oks lang naman sa'kin." dugtong pa ni Navi sabay kindat.


"Same." sumingit pa 'tong si Ari.


Napatigil ako sa sinabi nila and I looked at them then rolled my eyes and continued walking. Magkakasabay kaming mga babae samantalang sina Gab ay nasa likod namin.


"Yieeeee crush mo?" pang-aasar pa ni Navi kinikiliti niya pa ko pero iniiwasan ko naman.


"Issue ka 'no?" sabi ko naman sa kanya. She chuckled because of that. I looked at my phone and saw that he replied, saying that he's waiting for me at the main building.


"Oh, ayan na naman Georgina Callista! Sino yang ka-text mo ha!" puna ni Ari.


"Parang nanay lang? Dyan na nga kayo!" sabi ko at tumakbo paalis para pumunta sa may simbahan.


"Hoy Callista! Sa'n punta mo?!" Narinig kong sigaw ni Navi pero di ko na nilingon, mamaya asarin niya pa 'ko.


Agad ko siyang nakita nang makarating ako sa may main building.


"Bakit mo naman napiling dito maghintay? Ang init-init kaya! Dapat sa carpark na lang." reklamo ko. Nakita ko naman ang pagkataranta sa mata niya.


"Hala, sorry! Di ka naman nag-reply agad kaya ako na lang nagsabi kung saan." sabi niya.


"Tingnan mo 'to! "Nag-sorry ka pa?! Ako lang din naman sinisi?" napairap ako, gago talaga 'to bwisit!


Natawa siya nang makita kong naasar na, inirapan ko lang siya. "Tara na nga! Sa'n mo ba gusto kumain?" he asked, letting the argument go.


"Taste from the greens gusto mo?" I suggested. Hinila niya na 'ko at naglakad palabas ng gate, nakasalubong namin yung mga kaibigan niya, yung kasama niya noong nag-samgyup.

Courts and ConstructionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon